Fourth quarter na at pantay ang puntos ng dalawang grupo. Nung second at third ay lamang lagi ang team nila Claude pero nakahabol ang kalabang school bago matapos ang third quarter. Nag-umpisa ulit ang laro pero hindi muna pumasok si Claude at nagpahinga. Pati ang ibang players nila. "Kiss ko, Tiffannie. Hinamon-hamon mo ko eh." Aba't! Mukhang hindi pa rin nakaka-move on ang isang 'to. Mukha bang hinamon ko siya? Siya nga lang 'tong nagsabi no'n at gumawa nang walang permiso ko. Makasisi naman 'tong gunggong na leader ng mga ninja. Baka mapasapak ko siya kay sakura eh. "In*mo. I-kiss mo sarili mo," saad ko at inirapan siya. "Paano ko iki-kiss ang sarili ko? Kaya nga kiss kasi kailangan may magkadikit na labi. Para namang hindi mo pa ako nah—" Agad kong tinakpan ang bibig niya at t

