Nandito pa rin ako sa pool area at pinapanood ang iba pang naglalaban. Nagbibihis na si hokage matapos kausapin ang coach niya. Mamaya pa ang awardings ng mga players kaya panigurado na magce-celebrate ang mga nanalo sa laban. Medyo humina na ang hiyawan pero lumalakas pa rin kapag nangunguna ang pambato ng school namin. Wala nga lang panaman nung si hokage ang lumalaban. Mas malakas pa sa malakas ang hiyawan. Naramdamam kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko 'yong kinuha at tiningnan. Dala-dala ko pa rin ang bag ko syempre. Alam niyo na kapag magnanakaw dapat dala lagi ang mga gamit. Nakakabit na 'yan sa katawan namin. From: Crush Tannie, nasa'n ka? Nood ka ng game ko malapit na mag-umpisa. Ngayon din pala laro niya? Agad akong tumayo at hinanap ng mata ko si Kill. Kailan

