“You f*****g forced them to use drugs, Damian. Magkaiba ‘yon!” Hindi niya maintindihan ang punto ko. Kahit pa sabihin niya na drugs ang makapagpapasaya saglit sa kanila, at makalilimutan ang kanilang problema, hindi pa rin naman sapat ‘yon. Hindi niya kailan man maiintindihan ang punto ko, dahil nga mafia siya. Kahit illegal man ‘yan, o legal, wala siyang pakialam. Basta magawa niya lang ang gusto niya sa isang tao, ayos na sa kaniya. “Bitawan mo ako,” nanggigigil na utos ko sa kaniya. “Please! Tantanan mo naman ako, Damian!” Itinulak ko siya, pero hindi niya ako pinagbigyan. Kaya naman mas lalo kong ibinigay ang natitirang lakas na mayroon ako para tuluyang makawala sa kaniyang bisig. Nang bitawan niya ako, naglakad ako palayo sa kaniya. Inis na pinunasan ko ang pisngi ko nang tumulo

