Chapter 34

1245 Words

“Bakit mo na naman ako idinadamay rito, Marianne?” tanong ni Dash sa akin. Halos sipain ko naman siya, dahil sa kaniyang tanong. May kalakasan kasi ang kaniyang boses, at alam kong posibleng narinig din ‘yon ni Damian. Pagkatapos ko kasing magtrabaho, nagpunta ulit ako sa coffee shop para makipagkita kay Dash. Balak ko lang naman sana siyang kausapin, at magpatulong, pero sumunod sa akin si Damian. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko magagawang makipag-usap kay Dash, dahil sa nangyayari ngayon, eh. Aminado akong mali, pero hindi ko alam kung bakit pilit ko pa rin ‘tong ginagawa. “Tumigil ka nga!” mahinang singhal ko sa kaniya, pero umangat lang ang gilid ng kaniyang labi. “Pinagseselos mo ba ang boyfriend mo—” “Hindi ko siya boyfriend, at hindi ko siya pinagseselos,” putol ko sa sasabihi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD