Ilang linggo ang lumipas magmula nang sagutin ko si Damian. Hindi ko rin sigurado kung may kumalat na ba sa internet ang tungkol sa amin, o ginamit ni Damian ang kaniyang koneksyon para lang patahimikin ang media. Ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit nakatanggap ako ng message kay Dash. “May na-release bang article tungkol sa atin?” tanong ko kay Damian, habang siya ay nagtatrabaho. Ako naman ay nanatiling nakaupo lang sa single sofa, at nag-i-scroll lang sa aking social media account. Matapos ko siyang sagutin, napagpasiyahan nitong tanggalin ako sa trabaho. Mas mabuti raw na nasa tabi niya lang ako palagi, para raw hindi siya mabaliw sa akin kapag wala ako. Bukod pa roon ay siya naman na raw ang bahala tungkol sa aking mga gastusin. Dumating pa sa puntong ibinigay niya sa aki

