Pagkatunog ng doorbell, mabilis kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Alam ko naman na kaagad kung sino ang dumating, at kahit kagigising ko lang, kailangan ay maging presentable pa rin ang ayos ko sa harapan ni Damian. Dito raw siya kakain ng breakfast, which is first time lang mangyari. I mean, ilang beses na kaming kumakain ng dinner nang magkasama, at ‘to ang first time na gagawin kakain naman kami ng breakfast. Ang medyo nakaiilang lang ay rito pa sa condo ko. f**k! Mabilis akong lumabas ng aking kuwarto, at dumiretso sa main door. Ayaw ko rin naman kasing paghintayin si Damian, dahil nahihiya ako. Kung gagawin ko man ‘yon, parang ang bastos ko naman. Malamig lang ang pakitutungo ko sa kaniya kung minsan, pero hindi ako ganoong tao—nananakit, at nagpapahiya. Kaya naman nang mab

