Chapter 37

1303 Words

Matapos naming kumain ng breakfast, kaagad naman akong nagligpit ng aming pinagkainan. Sabay pa nga kaming tumayo ni Damian, at nakatingin lang siya sa akin, habang ako naman ay pilit nagpo-focus sa aking ginagawang pagliligpit. “Ako na riyan. Just take a shower. Simple lang naman ‘to,” aniya na para bang hindi talaga siya mayaman. Alam ko naman na simple lang ‘to, pero bisita ko kasi siya, at hindi naman ibig sabihin no’n kasi ay hindi ko na siya ituturing na parang bisita. Hindi ko talaga puwedeng ibigay sa kaniya ang ganitong trabaho kahit na alam ko naman na gusto lang naman niyang tumulong sa akin. “What do you mean?” nalilitong tanong ko sa kaniya, at nag-angat na lang ng aking ulo para salubungin ang kaniyang mga mata na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. “Bisita kita.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD