“May guwapo akong nakita kanina na kasama mo,” saad ni Cess na nagpatigil naman sa akin sa pagtitipa sa keyboard. Medyo na-late nga ako, dahil may katagalan ang paghahalikan namin ni Damian. Miss ko rin siya, pero nakawawala ng lakas ang kaniyang halik. Kulang na lang ay maiyak ako, dahil hindi ako makahinga nang maayos. Minsan ay napapahampas na lang ako sa kaniyang dibdib, dahil hindi ko talaga kayang huminga. Sa lakas ba naman ng kabog ng aking puso, nabibingi ako, at parang malalagutan ako nang hininga sa tuwing inaangkin niya ang labi ko. Inabot ko naman ang kape sa tabi ng mouse, at pasimpleng sumimsim dito para gisingin ang aking sarili. Nararamdaman ko pa rin kasi ang labi niya sa aking labi, eh. Parang ang hirap paniwalaan na naghalikan kami matapos naming magkaroon ng away—mat

