“Rude,” komento ko nang makita ko kung paano umalis ang mga babae. “How come? You’re with me, but they proceed on asking me?” tanong nito na ikinatigil ko. Right! Kasama ko nga pala siya. Bakit ko ba nakalimutan? Imbis na magsalita, tumahimik na lamang ako. Tama rin naman kasi ang kaniyang sinabi, eh. Kaya para saan pa ang irarason ko? Parang idine-defend ko lang ang mga gumulo sa privacy niya. Matapos naming magpatunaw ng aming kinain, sabay kaming lumabas ng bar. Pansin ko nga ang ilang pagsunod ng mga tingin nila, pero alam ko naman kung bakit. “Punta na ako sa cabin ko,” paalam ko kay Damian, habang sabay kaming naglalakad nang mabagal. “That fast?” tanong nito, pero mahihimigan pa rin naman ang lamig sa kaniyang boses. Tumango naman ako bilang sagot, at diretso pa rin ang tingi

