Napahilamos na lamang ako ng aking mukha, dahil sa sobrang inis. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko ngayon. Umaga na kasi, pero hindi pa ako nakatutulog nang maayos. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang aking ulo, dahil sa kaiisip sa lalaking ‘yon. Panigurado kasi ay bigla na lamang ako no’n susunduin ulit sa aking cabin. “Tangina!” reklamo ko nang hindi ko na talaga mapigilan. Nagawa ko pa nga ngang humugot nang malalim na hininga, at hindi ko na alam kung ilang beses ko na ‘yong ginawa. Kahit kasi ano ang aking gawin, hindi ako kumakalma. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lamang si Damian, at hindi ako sigurado kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Pagsilip ko sa wall clock, alas singko na nang madaling araw. Kulang na lang ay sumapit ang alas sais para lamang sumilip na nang tu

