bc

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
dark
family
badboy
gangster
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng matinding hilakbot simula nang makilala niya ang step-sister ni Julie, si Sandra Montanez. Hindi niya akalaing makikita niya pa ang babaeng hinostage niya nang gabing masukol siya ng mga pulis at ang mas kina-iinis niya ay takas pala ito sa mental. Sa bawat araw na nagdaan unti-unting lumalalim ang interes niya na malaman kung ano ang tinatago ng mansion Montanez, lalo na nang mabalitaan niya ang pagkawala ni ina at kambal ng dalaga sa 'di malamang kadahilanan. Natagpuan na lang niya ang sarili na tinutuklas ang pagkatao ni Sandra.... at ang pagnanais niya na mapalapit dito sa kabila ng kalagayan nito.

Ngunit bakit sa bawat oras na nakikita niya ito ay may pakiramdam siya na hindi totoo ang pinapakita nito? Nakikita niya sa bawat kislap ng mata nito ang tinatagong sekreto...... at 'yon ang gusto niyang alamin..

"Wala na akong balak na pakawalan kapa Sandra kahit na dumating ang araw na mawala man ang nararamdaman mo para sakin hindi ko pa rin hahayaang lumayo ka sa tabi ko."

chap-preview
Free preview
Prologue
"Give me that one.." Matiim na tinitigan ni Delifico ang bawat galaw ng matanda. Kinuha ng isang tauhan nito ang M-4 carbine na may bigat na 3.40kg, that was his favorite rifle. Pasimple niyang ginala ang paningin sa paligid, nakita niya ang matiim na tingin sakanya si Arnaldo. Ang kanang kamay ni Don Facundo. Nang-aasar ang tingin na hinagod niya ang kabuuan nito. "Nakausap ko si Conde noong isang araw." Natigilan siya nang marinig ang tinig ng matanda. Binalingan niya ito. "Pumayag siya na kalahati ng porsyento muna ang i-aabot ko sa'yo." Nakangising sabi nito. He gritted his teeth, pakiramdam niya ay naglitawan ang mga ugat sa ulo niya. 'Kuripot ang hayop!' "Hindi naman ata tama 'yon Don Facundo. Bukod doon ay walang nabanggit sakin si Grey. At hindi ako bumbay para maging hulugan ang paraan ng pagbabayad mo." Matiim na sabi niya dito. Natatawang umiling ang matanda at inabot sa tauhan ang rifle. "Ganito na lang Delifico." Anito at binalingan siya. "....pwede naman nating pag-usapan 'yan sa hacienda ko. Isa pa, malalim na ang gabi pwede namang ipagpa-bukas muna natin ang transaction. Tomorrow night i'll give you a blan----- "Nevermind..." Putol niya at binalingan ang mga tauhan sa likuran. "...kunin niyo ang mga kargamento umalis na tayo." Matiim na utos niya sa mga ito. "Sandali lang Delifico pag-usap----- Natigilan silang lahat nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nakita niyang humahangos na lumapit ang isang tauhan ni Don Facundo. "Yari tayo Don Facundo, may mga pulis sa labas!" Fuck! Kinuha niya ang baril sa likod, sinenyasan niya ang mga tauhan na kunin ang mga kargamento. Nakita naman niya na patungo sa sasakyan nito ang matanda. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan, ngunit hindi pa siya nakakalapit doon nang matanaw niya ang isang bulto. "Anong ginagawa mo dito?" Walang sabi-sabing inatake siya nito. Sinipa nito ang baril na hawak niya tumilapon 'yon sa tabi ng lumang karton. Gumanti siya ng atake dito na mabilis nitong naiwasan. Hindi niya mabasa ang susunod nitong kilos, mabilis ito at malayo 'yon sa akala niya. Napaigik siya nang masapo nito ang pisngi niya. Sumadsad siya sa sahig. Nakangiwing bumaling siya dito. "I underestimate your skills Mysterious..." Nakangising sabi niya at pinunasan ang dugo sa labi. Tumayo siya at muling hinarap ito. Muli na naman itong umatake sakanya, inatras niya ang isang paa at at hinablot ang maskara nito mula sa likod. Umangat ang paa nito na sumapo sa mukha niya. Nabitawan niya ito. "f**k! f**k!" Pa ulit-ulit niyang sigaw, ilang beses niyang ipinakit ang mga mata nang maramdaman ang matinding pagkahilo. Muli niyang binalingan ito, isang manipis na tela na lang ang tumatabing sa buong mukha nito. Napatitig siya sa mga mata nito na kulay berde, naka-contact lense ito. Tinitigan niya 'yon. Kung hindi siya nagkakamali hindi basta ordinaryong contact lense 'yon. Gumalaw ang bilog sa gitna non na para bang may kina-captured ang imahe niya. Muli siyang napamura. "Freeze!!" Pailalim siyang tumingin mula sa likuran. 'Mr. Tan...' Kinuyom niya ang kamao, itinaas niya ang dalawang kamay mula sa likod habang pinag-aaralan ang bulto ng kaharap. Kahit itim na tela ang nakatabing sa mukha nito, alam niya ang straktura ng mukha nito. "Isa ka palang babae Mysterious..." Nakataas ang sulok ng labi na sabi niya, lumapit naman ito sakanya at inagaw ang maskara mula sa kamay niya. Binalingan nito si Mr. Tan. "Ikaw na ang bahala sakanya.." Anito. Mabilis naman siyang bumwelo at sinipa ang baril na hawak ni Mr. Tan. "Anak ng!" Sinipa niya sa dibdib ang kaharap at kinuha mula sa bulsa ang fake mustard smoke. "Yumuko ka Mr. Tan!" Sigaw ng malaking boses na 'yon. Kumalat sa buong paligid ang usok, isinuot niya ang mask at inilang hakbang ang kinapaparadahan ng sasakyan. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan. "Habulin niyo!" Gumawa ng matinis na ingay ang gulong na dumidiin sa sahig. Hinawakan niya ng mahigpit ang manibela habang pigil ang hininga na tumingin sa b****a ng pintuan ng lumang bodega. Nakita niya ang ilang pulis na nakahaarang doon. Tinapakan niya ng mariin ang clutch, napangisi siya nang magsitabihan ang mga ito. Pinaulanan nito ng bala ang kotse niya, pinindot niya ang red button na katabi ng ignition key at sinalpak ang headset sa tenga. "Hey buddy I need your help.." Usal niya, tumingin siya sa review mirror. Nakabuntot sakanya ang mga mobile car ng pulis. "Ha? Ano? Chappy? Chappy?!" "f**k! I need your help Maxeau! May nakatunog ng transaction namin ni Don Facundo. ni-raid ang isa sa mga hideout natin. Kailangan ko ng tulong mo dahil na-corner nila ako ngayon." Madiin niyang sabi dito. "Ha? Chappy ka talaga!" Sigaw nito mula sa kabilang linya, maingay ang background nito kaya tiyak niya na nasa club ito nito Grey. "f**k you! On your GPS and trace my location. Tignan mo ang lugar na pwede kong lusutan para------f**k!" Sigaw niya nang marinig niya ang pag-ingit ng gulong. Mukhang pinaputukan ng mga ito ang gulong niya. Dumungaw siya sa bintana. "f**k you asshole!" Sigaw niya at muling bumalik sa kinauupuan. Kinabig niya ang manibela papunta sa mas masukol na lugar. Wala siyang halos nakikitang sasakyan na nagagawi roon. "Ah... okay! Sandali." Anito, unti-unti namang humina ang ingay sa kabilang linya. "Okay buddy... fifteen kilometer from your location may isang maliit na market kang makikita. Mukhang mahihirapan ka dahil nakapalibot na sa lugar na posible mong daanan ang mga pulis. Ang isang kalsada ay ginagawa pa at oh.... ang malas mo. Wala kang choice kung hindi ang dumeretso na lang sa market na madadaanan mo, may mga nakaabang din na pulis sa dikalayuan non at mukhang magsasagawa sila ng checkpoint.." Anito at natawa. "Diskarte mo na 'yan masamang damo ka naman hindi kapa ibabaon sa lupa.." Natatawang sabi pa nito. Napamura siya. "Humanda ka talaga sakin Maxeau!" Gigil na bulong niya at pinatay ang tawag. Ilang sandali pa ay natanaw na nga niya ang isang market. Tinabi niya sa gilid ang sasakyan at bumaba. Pasimple niyang binalingan ang buong paligid. Nakita niya ang dalawang pulis na nakikipag-usa sa ilang motorista na dumadaan. Minsan ay pahihintuin nito ang mga sasakyan at sisilipin ang mga nagmamaneho non. 'f**k wala talaga akong takas!' Tahimik siyang pumasok sa loob ng market habang nakasuksuk ang palad sa loob ng jacket. "Sandali hoy! Ikaw!" Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ang sigaw na 'yon. Bumagal ang paghakbang niya ngunit humihigpit ang hawak niya sa hawak na baril na nasa loob ng jacket. "Humarap ka nga dito..." Halos magpantay ang labi niya, bigla naman siyang natigilan nang lumabas mula sa loob ng market na 'yon ang isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya. "Sandali miss puma---- Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa. Mabilis siyang pumaikot sa likod nito kasabay ng pagpulupot ng braso niya sa leeg nito. Itinutok niya ang baril sa sentido nito. Hinugot naman naman ng mga ito ang baril at itinutok sa direksyon niya. "Subukan niyong lumapit at malilintikan sakin ang babaeng 'to..." Matiim na sabi niya sa mga ito. Natigilan siya nang marinig ang pagtawa ng babaeng hawak. Nagsalubong ang kilay niya. Tumaas ang kamay nito na natatabingan ng puti na mahabang sleeve at umaktong may binabaril. "Boom! boom! Patay kayo lahat kayo sumuko! Lalabas na si shadow pokemon!" Sigaw nito saka tumawa. Parang nanlaki ang ulo niya sa narinig. Fuck! wag naman sabihing...' Bumaba ang mata niya sa suot nito. "Oh my God Sandra!" Napatingin siya sa sumigaw... parang umakyat lahat ng dugo niya nang makita ang suot ng babaeng nakaputi, naka-nurse uniform ito. Napatingin naman siya sa suot ng babae hawak, mahaba 'yon at hindi kita ang kamay nito sa sobrang haba. Fuck! The uniform in Mental Institution!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
317.0K
bc

Too Late for Regret

read
342.9K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
147.2K
bc

The Lost Pack

read
455.8K
bc

Revenge, served in a black dress

read
156.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook