"Delifico baka takasan ka lang niya! Isa pa, sabi ng doctor samin hindi maganda kung palagi siyang napapalibutan ng tao. The last we time checked, may sinaktan siyang babae nang isama siya ni manang sa market."
Gustong ikuyom ni Sandra ang mga kamay sa tuwing naririnig niya ang mga kasinungalingan ni Julie. Kaninang pagkatapos nilang mag-almusal ay wala siyang nagawa nang sabihin sakanya ni Delifico na isasama siya nito sa labas. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng binata at gusto siyang isama nito.
"Talaga ba? Ang alam ko mas mapapabilis ang improvement niya kung mapapalibutan siya ng mga tao. Hindi maganda para sakanya kung palagi niyo siyang ikukulong dito. Isa pa, ako ang kasama niya kaya wala kayong dapat na ipag-alala." Narinig niyang sabi ni Delifico. Magkasalubong ang kilay na bumaling sakanya si Julie, walang salita na lumabas sa bibig nito pero alam niya na galit ito sakanya.
"Tapos ako hindi mo isasama." May bahid ng tampo at inggit ang boses nito. Gusto niyang iiwas ang tingin sa mga ito nang makita niyang hinawakan ni Delifico sa bewang si Julie. Hindi niya alam kung bakit may gumuhit na pinong sakit sa dibdib niya.
"Ano bang gusto mong pasalubong? Bibilhan na lang kita don." Nakataas ang sulok na labing nito. Unti-unting lumiwanag ang mukha ni Julie.
"Eh bakit hindi mo na lang ako isama? Saka isa pa, bakit ba masyado kang nag-aalala sakanya?"
Ngumiti si Delifico dito at hinaplos ang buhok ni Julie. Palihim na umirap siya at agad ding nag-seryoso.
"Wag mong sabihing nagseselos ka? Don't worry, walang malisya ang pagsama ko sa kapatid mo. Naawa lang ako sa kalagayan niya, alam ko naman na galit ka sa kapatid mo dahil sa ginawa niya noon. Si manang maraming ginagawa dito kaya wala din siyang oras para bantayan ang kapatid mo. Wala kang dapat ipag-alala dahil naalala ko lang ang kapatid kong babae sakanya ha?" Nakangiting sabi nito kay Julie. May kung anong pumiga sa puso niya dahil sa sinabi nito. Bahagya pa siyang napalunok.
Ngumiti si Julie at hinalikan nito sa labi si Delifico. "Okay, I understand. Bilhan mo na lang ako ng bracelete na pearl. Yung nakita natin doon noong nakaraang buwan."
"Sure..." Anito at hinalikan si Julie. Buti naman at saglit lang 'yon dahil talagang tatayo siya at aalisan ang mga ito! Palihim niyang binuga ang hangin na naipon sa dibdib niya. Nakita naman niya na lumapit na sakanya si Delifico, hinawakan nito ang braso niya.
"Halika na..." Sabi nito, walang emosyon ang mukha na tumayo naman siya. Dama niya ang talim ng tingin ni Julie habang nakasunod ang tingin sakanya. Wala siyang pakialam. Paglabas nila ng mansion ay dumeretso sila ni Delifico sa likod kung saan nakaparada ang kotse nito. Inalalayan siya nitong pumasok sa passenger seat pagkuway sinara nito ang pinto sa tabi niya. Palihim niyang hinabol ito ng tingin nang umikot ito sa kabila para sumakay sa driver seat.
"Doon na lang tayo kumain mamaya, mag-behave ka lang don maliwanag ba?" Sabi nito sakanya nang makasakay na ito. Nahigit niya ang hininga nang ikabit nito sakanya ang seatbelt, naramdaman niya pa ang paghaplos ng pisngi nito sa labi niya. Pasimple siyang umiwas dito. Lumingon ito sakanya, halos hindi siya humihinga sa tuwing tumatama ang hininga nito sa labi niya.
'Wag kang tumingin.... 'wag kang tumingin...'
Pa ulit-ulit na binigkas niya sa isip 'yon nang titigan nito ang buong mukha niya. Nakahinga naman siya ng maluwag nang umayos na ito ng upo.
'Delikado sakin kung palagi kitang kasama Delifico. Dahil pakiramdam ko ikaw ang magiging dahilan para mabunyag ang sikreto ko... at mamamatay muna ako bago mangyari 'yon..'
GUSTONG mapakamot ni Sandra sa inis habang nakasunod pa rin kay Delifico. Kanina pa sila nag-iikot sa mall, kung anong makita nito na pambabae ay binibili nito. Hindi naman siya pwedeng tumutol sa bawat sasabihin at gagawin nito dahil baka tuluyan na nitong malaman na nagkukunwari lang siya. Pakiramdam niya tuloy na ang dahilan kung bakit siya nito sinama ay para mapa-amin siya.
'Pwes hindi mangyayari 'yon!'
Hindi niya napigilan ang pananlalaki ng mata nang makita ang direksyon ng pupuntahan nila. Mabilis niyang binalik sa walang emosyon ang mukha nang balingan siya ni Delifico.
"May mga bra kaba?" Tanong nito sakanya. Pinigilan niya ang pamumula ng mukha.
'Gago malamang meron!'
Natawa ito. "Oo nga pala, may nakita ako na mga panloob na sinampay ni Manang sa likod, tingin ko sa'yo 'yon." Sabi nito at tumingin sa dibdib niya. Hindi napigilan ang pamumula ng mukha lalo na nang bumaba ang mata nito sa gawing dibdib niya.
"Well... DD'S kasi ang kay Julie. Sayo.... well, i'm not pretty sure siguro minus minus A's ang iyo." Natatawang sabi nito. Halos magpantay naman ang labi niya.
'Konti na lang at masasampal na kita...'
Gusto tuloy niyang pagsisihan ang pagsama dito. Tumingin ito sa mukha niya.
"Halika na.. nagbibiro lang ako." Nakakaloko ang tawa na sabi nito saka muling hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito papunta sa Underwear Pinky Shop.
"Good morning sir...." Nakangiting bungad ng isang saleslady sakanila. Pink with combination black ang theme ng uniform nito. Bumagay naman 'yon. Pumunta sila ni Delifico sa line ng mga bra, gusto niyang mailang nang tumingin sa mga bra si Delifico. Sa tanang buhay niya hindi niya gustong may lalaking namimili ng mga underwear niya.
"Ah.... A's nga miss kulay itim nito. " Nakangiting sabi ni Delifico. Nanlaki ang mata niya nang makita ang hawak nito, hindi niya maatim na suotin 'yon jusko!
'Seryoso talaga siya sa size ko?! B ako! 32B!'
Palihim niyang inirapan ang binata.
"Ah para sa misis niyo po ba? Eto po meron."
Kating-kati na ang siyang umalis doon. Binaklas niya ang kamay ni Delifico sa kamay niya pagkuway patakbong tumalikod.
"Sandra!!"
Hindi niya pinakinggan ang sigaw nito. Mabilis siyang nakihalubilo sa mga taong nandon.
"Sandra!!"
Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo palayo dito. Nakita niya ang sign ng fire exit kaya nagmamadaling siyang tumakbo.
"Excuse me po, excuse me lang.." Sabi niya sa mga taon nandon. Muli siyang sumilip sa likod, mabilis siyang yumuko sa mga tao nang makita niyang panay ang lingon ni Delifico sa paligid. Buti na lang at maraming tao sa mall, siguro dahil sabado ngayon. Kapag ganitong araw kasi palagi silang namamasyal ng mga magulang niya. Muli siyang nanghina nang maalala ang mga magulang.
"Sandra!" Muling sigaw nito. Gusto niyang mahiya nang pagtinginan ito ng mga tao. Naiiling na lumabas siya mula sa pinagtataguan, patakbo siyang pumunta sa direksyon ng fire exit door. Walang gaanong tao don. Ilang sandali pa ay nakalabas na siya, nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Sa parking lot area ang labasan ng fire exit door.
"Hindi na ako sasama sa susunod sakanya..... mamaya pwet ko naman ang laitin ng lalaking 'yon! Ikumpara pa dibdib ko kay Julie kapal niya!" Naiinis na bulong niya habang isa-isang tinitignan ang sasakyan ni Delifico. Nang sa wakas ay nakita niya na 'yon.
"Dito ko na lang siya hihintay----AAAhh!" Napatiling napahawak siya sa hood ng kotse. Nakangiwing tumingin siya sa paanan.
"Aray naman oh...." Naiinis na sinipa niya ang batong natapakan. Nakangiwing tinignan niya ang nagasgasang paa. Tinanggal niya ang dalawang dolly shoes at paikang lumapit sa kotse. Binuksan niya ang likod non pero naka-lock ang pinto. Naiinis na bumuga siya ng hangin, nilapag niya ang dolly shoes sa sahig saka inupuan 'yon. Niyakap niya ang tuhod at saka sumubsob doon.
'Dito ko na lang siya hihintayin, bahala siyang maghanap sakin don...'
'f**k! f**k! f**k!'
Sapo ang ulo na nilibot ni Delifico ang buong mall, ngunit ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib sa tuwing iniisip na baka kung anong mangyari dito.
'f**k! Ba't kasi siya tumakbo?!'
Natigilan siya nang maisipang pumunta sa CCTV security room. Luminga-linga muna siya sa paligid pagkuway akmang tatalikod.
"Sir! Sir!"
Bumaling siya sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
"Nakaputing babae po ba 'yung hinanap niyo? Yung kasama niyo kanina na may mahabang buhok?" Tanong ng babae sakanya. Tantiya niya ay dalaga pa lang ito. Sapo nito ang may kalakihang tiyan.
"Oo siyanga, napansin mo ba?"
Tinuro nito ang isang pasilyo, napatingin siya sa sign na nasa taas.
"Andon siya kanina, palagay ko papunta siya sa fire exit door." Sabi ng babae at matalim ang matang bumaling sakanya.
"Sige salamat." Nagmamadaling sabi niya at hindi pinansin ang panlilisik ng mga mata nito sakanya. Papunta na siya sa direksyon na tinuturo nito nang bigla itong sumigaw.
"Kapag ayaw ng babae 'wag pilitin! Tapos kapag lumaki ang tiyan tatakasan niyo!"
Kunot-noong bumaling uli siya sa babaeng 'yon. 'Problema nito?'
Matalim ang tingin nito sakanya. "Alam niyo lang kasi magpakasarap sa ibaba---
"Estella!"
Napalingon naman siya sa bagong dating. Lumapit ito sa babaeng buntis. Bumaling sakanya ang babaeng 'yon na may malaking salamin sa mata. Magkamukhang-magkamukha ang mga ito.
"Paumanhin, wala sa tamang pag-iisip ang kambal ko." Malamig ang expression na sabi ng babaeng 'yon sakanya.
"Pragma naman eh!" Parang batang sabi ng babaeng buntis na 'yon. Nawe-weirduhan na tumingin siya sa mga ito at naiiling na muling tumalikod.
"Siyanga pala, yung babaeng hinahanap mo nasa parking area." Pahabol ng babaeng 'yon, nagmamadali naman siyang tumakbo palayo. Ilang sandali pa ay nasa parking lot na siya. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit habang patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan.
'Wala siyang karapatang iwan ako ng basta lang!'
Pagdating niya sa kotse ay natigilan siya, nakita niyang nakaupo ang dalaga sa sahig habang yakap ang tuhod nito. Para itong bata, mabilis na naglaho ang pag-aalala at galit niya dito, nakahinga naman siya ng maluwag. Naiiling na umikot muna siya sa kabilang pinto, nilagay niya sa likod ng kotse ang mga pinamili at muling binalikan ang dalaga. Niyugyug niya ang balikat nito.
"Hey... Sandra wake up..." Tawag niya dito. Bahagya itong gumalaw at nag-angat ng tingin sakanya. Her eyes is sore, tanda na nakatulog nga ito doon.
"Bakit ba bigla kana lang tumakbo kanina ha? Alam mo ba na halos mabaliw ako kakahanap sayo?" Hindi niya maitago ang inis dito. Blangko lang ang tingin nito sakanya. Naiiling na hinawakan niya ang kamay nito at hinila patayo.
"Halika na, kumain na-----
Natigilan siya nang makita ang sugat sa gilid ng paa nito.
"Anong nangyari sa paa mo?" Tanong niya dito. As usual hindi na naman siya nito sinagot. Naiiling na kinuha niya ang dolly shoes nito.
"Pumasok kana sa loob." Sabi niya dito, pinagbuksan niya ito ng pinto at inalalayan papasok sa kotse. Kinabit niya ang seatbelt nito pagkuway sumakay na rin siya.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya dito, basta lang itong nakatingin sa kawalan. Bumuga siya ng hangin at saka binuhay ang makina.
"Dadaan muna tayo sa mercury drug para malinisan ko muna 'yang sugat mo saka na tayo uuwi. Doon na lang tayo sa bahay kakain ha?" Sabi niya pa dito. Nailing na lang siya nang hindi na naman ito nagsalita, ganito pala ang pakiramdam nang hindi ka pinapansin ng kausap mo. Mukha kang tangang nakikipag-usap sa hangin.
'Pero bakit parang pakiramdam ko nagkukunwari lang siya?'