'Sandra? Sandra....'
'Sandra....'
Humahangos na tumakbo si Sandra, tumingin siya sa malaking gate nila. Tinantiya niya kung aabot siya doon nang hindi nakikita ng lalaking matangkad.
'Sandra alam kong ikaw 'yan.... magpakita kana..'
Mas lalo siyang naghilakbot nang marinig na malapit na sa kinaroroonan niya ang boses na 'yon. Tinakpan niya ang bibig at mas lalong gumitgit sa pagitan ng dalawang malaking vase.
'Sandra.... hindi ba susunod ka pa sa mga magulang mo? Magpakita kana....' Ani ng boses na 'yon pagkuway humalakhak. Hindi siya gumalaw nang tumapat ang lalaki sa harap niya. Bumukal ang luha sa mga mata niya habang pigil na pigil ang hininga. Napatingin siya sa kamay nitong puno ng dugo, nakatalikod ito sa gawi niya. Muli itong nagsalita ngunit babae na ang tinig.
'Gusto mo bang makita uli ang pamilya mo?' Boses 'yon ni Julie. Nakita niya ang pailalim na tingin sakanya nang lalaking 'yon, bigla itong humarap sakanya. Nanlaki ang mata niya nang mapagsino niya 'yon.
"Hello Sandra...' Nakangising sabi nito. Umawang labi niya..
'Delifico.....'
"Sandra.... Sandra wake up!"
Unti-unti niyang dinilat ang mga mata, bumungad sa paningin niya ang nag-aalalang mukha ni Delifico. Muling lumitaw sa isip niya ang napanaginipan.
"B-bitawan m-mo 'ko...." Nanginginig na bulong niya at tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.
"Sandra----
"Umalis ka dito!! Umalis ka!" Sigaw niya habang pa ulit-ulit na winawasik ang kamay dito para hindi ito makalapit sakanya. Pa ulit-ulit na gumigitaw sa isip niya ang panaginip, ang dugo at ang mukha ng tatlong taong 'yon sa panaginip niya. Si Don Augusto, si Julie at taong hindi niya inaasahan na makikita niya.... si Delifico.
"Sandr----
Nahagip ng paningin niya ang baso sa tray, kinuha niya 'yon at binasag saka iwinaksi rito.
"Iwan mo 'ko!!" Sigaw niya ngunit unti-unti siyang natigilan nang makita ang braso nito. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pagdaloy ng dugo dito. Nanginginig na tumingin siya sa hawak na baso.
"Anong nangyayari dito? Oh my God hon!"
Nanginginig na sumiksik siya sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod. Binitawan niya ang hawak at yumuko. Hindi niya ininda ang pagtabing ng mahaba niyang buhok sa mukha.
"Walanghiya ka talagang baliw ka!"
Napapikit na lang siya nang makita ang paglapit ni Julie.
"Julie!"
"Ano ba?! Bakit mo 'ko pinipigilan? Nakita mo na ang ginawa ng babaeng 'yan?! Sinasabi ko na nga ba eh dapat talagang ibalik sa mental 'yang hayop na 'yan!"
Palihim siyang sumilip sa mga ito, nakita niyang pigil sa braso ni Delifico si Julie.
"Manang pakiayos na lang ng mga basag dito." Narinig niyang utos ni Delifico..
"At ikaw naman manang saan ka pumupunta?! 'Yang alaga mo na nanakit na naman!"
Kahit pa napuno ng konsensya ang dibdib niya ay humiga siya sa kama patalikod sa mga ito.
"Halika lumabas na muna tayo at gagamutin ko 'yan."
Nag-init ang sulok ng mga mata niya at walang tinig na humikbi.
"Iha? Iha tayo ka m-muna at maglinis ka ng katawan." Narinig niyang sabi ng matanda. Walang emosyon na sumunod siya dito. Pinunasan naman nito ang luha niya.
"Anak ano bang nangyayari sa'yo?" Humihikbing sabi nito, sunod-sunod na pumatak naman ang luha niya pero hindi pa rin niya magawang magsalita. Hinila siya nito patayo, nagtungo sila sa banyo. Itinapat siya ni manang sa malaking salamin, ibinababa nito ang zipper sa likod niya at hinayaan bumagsak sa tiles ang may kahabaan niyang bestida kasunod ng suot niyang bra. Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin, nakatabing ang mahaba niyang buhok sakanyang dibdib.
"Sandali at hahanapin ko muna ang paghilod mo ha?" Nakangiting sabi ni manang sakanya ngunit may luha ang mata nito. Awang-awa ito sa kalagayan niya. Nang umalis na ito ay nanatili pa rin siyang nakatingin sa salamin, napangiti na lang siya nang mapait nang makita ang ilang peklat at sugat sa katawan niya....
"I'M fine okay?! Malayo naman sa bituka 'to."
Huminga ng malalim ang katabi niya pagkuway nilapag ang medical kit sa mesang nasa harap niya.
"Mas lalo siyang lumalala Delifico, napag-usapan na namin ni dad na ibalik siya sa----
"No! Mas lalo lang lumalala ang kalagayan niya kung doon niyo siya dadalhin. 'Wag niyo lang siyang pakialaman, gawin niyo ang gusto niya hindi siya mananakit." Matigas na sabi niya dito. Ilang sandali itong tumitig sakanya.
"Bakit ba masyado kang nag-aalala sakanya? Delifico wala kang magagawa kung gusto namin siyang ipasok sa men----
"Talaga?" Nakataas ang sulok ng labing sabi niya at tinitigan ang dalaga. "Pwede ko siyang kunin Julie kung gugustuhin ko. Tutal, wala naman kayong kwentang guardian at hindi niyo siya natutukan ng maayos." Aniya dito. Nag-iwas naman ito ng tingin sakanya. Napatingin siya sa damit nito.
"Aalis ka?" Pag-iiba niya ng pag-uusap dito.
"Oo, actually nasa labas nga sila Mila. May tripping kami sa Antipolo kailangan naming tutukan 'yon dahil maraming nag-inquire na client."
Tumango siya dito. "Go ahead, mamaya aalis na rin ako."
Ngumiti na ang dalaga sakanya at hinalikan siya.
"Babalik kaba mamayang gabi dito?"
Nagkibit-balikat siya. "Tignan ko, mukhang may problema kasi si Ellifard."
Tumango naman si Julie saka kinuha ang shoulder bag.
"I have to go..." Anito saka tumayo at tumalikod. Ilang sandali siyang nanatili doon, tinignan niya ang sugat na may benda pagkuway ang pinto. Tumayo siya at sinilip kung nakaalis na si Julie. Nang makita niyang wala na ito ay muli siyang umakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto ni Sandra.
'Kaninang natutulog siya.... binanggit niya ang pangalan ko at ang mag-ama.'
Pagdating niya sa kwarto ng dalaga ay wala ito sa kama. Pumasok siya sa loob ng silid nito.
"Sandr---
Natigilan siya nang magawi ang tingin niya sa banyo. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Sandali at hahanapin ko muna ang paghilod mo ha?"
Mabilis siyang nagtago sa likod ng pinto nang lumabas ang matanda. Nang wala na ito ay lumabas na siya sa pinagtataguan, palihim siyang sumilip sa banyo. Napatitig siya sa dalaga, naka takip ang mahaba nitong buhok sa katawan nito kaya hindi kita ang kahubaran nito. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa hita nito, bahagyang kumunot ang noo niya. May mga bakas ng lubid siyang nakita don.
'San galing ang mga sugat niya?'
Akmang lalapit siya dito nang marinig niya ang sunod-sunod na yabag na 'yon. Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng kama, sakto namang bumukas ang pinto. nakita niya si manang. Ilang sandali siyang nanatili doon, hanggang sa lumabas ang dalaga ay hindi pa rin siya umaalis sa pinagtataguan.
"Oh 'yan, malinis kana uli. Mamaya babalikan kita ha? Gagawa kita ng gatas para maaga kang makatulog. Binabangungot ka na naman no?"
Napangiwi siya nang maramdaman ang paglundo ng kama.
"Hay... buti na lang at nandito si sir Delifico. Kung nagkataong wala siya, sigurado ako na hindi lang pananakit ang gagawin sa'yo ng babaeng 'yon. Baka ikulong kapa uli niya sa basement."
'Basement?'
"Matulog kana ha? Mamaya kung sakaling umalis man si sir Delifico lilinisin ko 'yung basement. Dahil sigurado ako na doon ka uli niya patutulugin."
'f**k! Walang binabanggit sakin si Julie tungkol dito ha!'
"N-naaalala ko tuloy no-nong u-unang a-araw mo sa mental. Na-narinig kong may inutusan si J-julie, g-gusto niyang ipa-gahasa ka sa mga nagbabantay sa'yo don. Pi-pinigilan ko ang sarili ko na humingi ng tulong sa mga k-kamag anak mo dahil alam kong h-hindi sila maniniwala. Buti na lamang at noong araw na 'yon ay dumating ang tiyuhin mo..." Narinig niya ang paghikbi nito.
"...kaya iha. S-sana maging maayos ka dito, h-hindi ko na alam kung sa susunod baka h-hindi lang 'yon ang gawin niya."
Naramdaman niya ang pamumula ng mukha sa sobrang galit.
"D-dito na 'ko ha? B-babalik ako? Ihahanda ko na ang tutulugan mo."
Nakita niyang lumapit na ang matanda sa pinto saka ito lumabas. Akmang lalabas siya nang marinig niya ang hikbi na 'yon sa bandang paanan ng kama ni Sandra.
"M-mama... S-sandro...."
Umikot siya at umayos ng higa patihaya. Pinakinggan niya ang bawat paghagulgol nito, napatitig siya at kahit pa hindi niya ito nakikita ay alam niyang katapat lang niya ito.
'Mas lalong hindi kita dapat iwan dito Sandra...'