CHAPTER ONE
"SANDRA and Conrad...why they broke up?" tanong ng nakababatang kapatid ni Mark na si Mayie habang nililinis niya ang sariling kotse. Dalawang linggo na niyang hindi nalilinis ang kotse na ginagamit niyang transportasyon patungo sa unibersidad.
Pasimple niyang tinignan ang mukha ng kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit imbes na saya ang makita niya sa mukha nito ay parang mas malungkot ito sa nangyari. "What's with that face?"
"Mahal naman ni Sandra si Conrad 'di ba?" sa halip ay tanong nito.
Hindi siya umimik. Kanina ay tinawagan siya ni Sandra, tuluyan na daw itong nakipag-break kay Conrad. He and Sandra has secret dirty affair behind his friend back. Alam niyang mali ang ginagawa niya pero para sa kapatid niya ay wala ng tama at mali para sa kanya. Ang pinaka-rason naman kung bakit niya nagawa ang mga nagawa ay dahil para kay Mayie. At isa pa, hindi bagay si Sandra sa isang tulad ni Conrad. His friend was too good for someone like Sandra.
"Hindi ko maintindihan. Ano pang kulang kay Conrad para makipaghiwalay siya?" Malungkot na tanong nito.
Nilingin niya ang kapatid. "Ayaw mo no'n? May pag-asa ka na?" tila walang-pakialam na tanong niya.
"Pero kuya, mahal niya si Sandra." Dahilan pa nito.
"Ikaw ba? Hindi ba't mahal mo rin siya?"
Nag-iwas ito ng tingin. "Gusto ko siya maging masaya, Kuya. Si Sandra ang mahal niya kaya masaya ako para sa kanila."
Kahit kailan ay hinding-hindi ito makapagsisinungaling sa kanya. Mula nang malaman nito na seryoso na si Conrad kay Sandra. May mga gabi na naririnig niya ito sa loob ng kuwarto nito na tahimik na umiiyak. Akala niya ay infatuation lang ang damdamin nito para sa kaibigan. Pero nagkamali siya. At Mayie's young age, she fell deeply hard to Conrad. Mayie was been in love to his friend, it has been five years already. "Imbes na maghintay ka ng grasya. Lapitan mo na siya at ipakita mo kung gaano mo siya kamahal. Sa tingin ko kapag nakita niya kung gaano mo siya kamahal ay mabaling agad sa'yo ang pagmamahal niya." mungkahi niya sa kapatid.
"Paano kung hindi? Ayaw ko naman maging panaki-butas 'no"
Ngumiti siya sa kapatid. "Don't worry, kuya will do his very best to make you happy. Hindi gan'on si Conrad. Hinding-hindi niya magagawa gumamit ng iba." 'Yan ang pinagkaiba namin. That's why I admire him. He deserve you, Mayie.
Kilala niya ang kaibigan na si Conrad. Kaya nga nito nilalayuan at may pagka-rude sa kapatid niya ay ayaw nito paasahin si Mayie. Itinapat niya ang hose na hawak sa kapatid. Napatili ito nang malakas na ibinuga niya ang tubig at na basa ang floral dress nito.
"Kuya naman eh!" tiling saway ng kapatid.
Natawa na lang siya.
***
NAKIPAGKUWENTUHAN si Mark sa mga kaibigan na si Jomil. Ang kolokoy ay in love na naman. Kitang-kita niya ang saya sa mukha ng kaibigan. Kakatapos lang ng klase niya at madalas ay doon na sa tambayan ang punta nila kapag wala ng pasok. Doon lang sila nagkakasama-sama dahil iba't-iba ang kurso nila. Kaibigan na niya ang mga ito mula high school pa lang at sa isang unibersidad sila pumasok lahat. Mayamaya ay dumating na rin ang iba pa sa mga kaibigan nila. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal doon nang mamataan niya ang papalapit na si Conrad sa kanila.
Hindi na niya pinansin ito at ibinalik ang atensyon sa nilalaro niya sa cellphone na temple run. Namalayan na lang niyang may kumuwelyo sa kanya at may tumamang kamao sa pisngi niya. Nawalan siya ng balanse at natumba kasama ang silya na inupuan niya. Nahulog ang aparato sa kamay niya at narinig niya ang pigil ng mga kaibigan. Nakatiim-bagang na tinignan niya si Conrad na halos lumabas na ang litid ng ugat sa leeg sa sobrang galit. Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"You son of the b***h! Paano mo ko nagago ng ganito, Mark?! Tang 'na! Paano mo nagawa sa akin ito?" halos umalingawngaw ang boses nito sa buong paligid. Pilit na pinipigilan nina Altair, Deuce, Keith at Rick si Conrad na pilit kumakawala sa mga ito. Nakapagitna na rin sina Blake at Jomil sa kanila. Tinulungan naman siya ni Charles na tumayo pero itinaboy niya ang kamay nito at tumayong mag-isa. Nakataas lang ang sulok ng labi na nakatingin si Kurt samantalang nakamasid lang si Mike sa nangyayari.
"Ano bang nangyayari, Conrad? Bakit ba galit na galit ka?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Blake sa kaibigan.
"Bakit hindi n'yo tanungin ang traydor na lalaking 'yan!" gigil na gigil na sabi ni Conrad. Nagbaba siya nang tingin ng tumakas ang isang butil ng luha nito sa sobrang galit. Aminado na siyang masama siyang kaibigan. Nang sa tingin nito ay hindi talaga ito makawawala sa pagkakahawak ng mga kaibigan ay hindi na ito pumalag. Halos mabingi ng katahimikan ang lugar na iyon. Si Conrad lang ang bumasag. "B-Bakit? Bakit mo ginawa sa akin 'to, Mark? Alam mo na mahal ko siya at seryoso ako sa kanya. Alam mo na nasasaktan ako kasi alam 'kong may iba na pero kahit nagmumukha na ako'ng tanga at nasasaktan na ako ay hindi ko magawa sumuko. Alam mo ang lahat ng paghihirap ko. Isa ka sa mga karamay ko. Isa ka sa kapatid na ang turing ko. K-Kaya bakit sa dami ng lalaki ay ikaw pa?" kalmadong tanong nito. Bakas ang sakit, lungkot at hinanakit sa boses nito.
Mabilis na lumapit si Rick sa kanya at muli ay kinuwelyuhan siya. Walang pumigil rito. Halos lahat ng mga kaibigan ay nakatingin sa kanila.
"Paano mo nagawa 'yon?" nangangalit ang mga ngipin na tanong nito. All of his friends are looking at him with this nagging disappointment.
"Kung talagang mahal ka ni Sandra ay hindi ka niya iiwan para sa akin. Your girlfriend— I mean your ex-girlfriend was flirt. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil habang maaga pa ay nalaman mo na kung anong klase ng babae siya."
"Hayop ka! Papatayin kitang tarantado ka!" pilit na kumawala si Conrad sa mga kaibigan. Dala na rin siguro ng galit at adrenaline ay nakawala ito at sinugod siya. Nagpagkabuno sila dalawa. Walang pumigil sa kanila kung hindi lang nakita ng mga kaibigan na baka ospital ang abutin nila kung hindi pa sila pipigilan.
"Tama na, Conrad." pigil ni Jomil at inilayo na nila ito sa kanya.
Kumawala si Conrad sa mga kaibigan at matalim na tinignan siya. "Ayoko makita ka pang hayop ka."
Tahimik lang siya at nakipagsukatan ng tingin kay Conrad. Umalis ito na sinundan naman nina Blake, Kurt, Keith, Rick at Altair. Namalayan na lang niyang may tumama na naman kamao sa mukha nito. Galit na galit na rin si Jomil na nakatingin sa kanya. "Ano ba itong katarantaduhan na ginawa mo, Mark? Pati kaibigan mo tinalo mo."
Nakita niya na napailing pa si Mike bago sumunod sa mga kaibigan nila na lumabas.
***
KASALUKUYANG umiinom si Mark sa isang resto-bar mag-isa. Hindi na niya inabala ang mga kaibigan dahil gusto talaga niya mapag-isa. Inuusig siya ng konsensiya niya sa nangyari kina Conrad at Sandra. Galit na galit si Conrad sa kanya dahil sinusulot niya ang girlfriend nito. Ang gusto lang naman niya ay maging masaya ang kapatid niyang si Mayie. Matagal na kasing may gusto ang kapatid sa kaibigan na palaging binabalewala nito. Maraming beses na niyang nakita ang pag-iyak ni Mayie dahil sa hindi magandang trato ni Conrad rito. Masakit iyon sa kanya kaya para makaganti man lang siya para sa kapatid ay nilalandi niya si Sandra. Game naman ito. Conrad girlfriend was slutty woman.
Napalingon siya nang may umagaw ng mug niya. "What the hell are you doing, Maria Yesha Romero?!"
Napatayo siya sa sobrang inis at gulat. Karamihan ng tao doon ay napatingin na sa kanilang direksyon. Pabalang na inilapag nito ang mug sa lamesa. Kitang-kita niya ang mga luha na pumapatak sa mata nito. Bigla ay nag-alala siya sa nakababatang kapatid.
"Paano mo nagawa 'yon?!" galit na tanong nito. Wala pa man ito sabihin ay alam na niya ang dahilan ng ikinagagalit nito. Nalaman na nito ang ginawa niya. Hinayaan lang niya ito na bigyan siya nang magkabilang sampal. "Magkaibigan kayo pero bakit mo ginawa 'yon? Mahal niya si Sandra, kuya. Sobra mo siyang nasaktan sa ginawa mo!"
"Palagi ka na lang niya sinasaktan kaya naisipan ko gawin 'yon. Isa pa, ngayon na break na sila ng girlfriend niya ay may pag-asa ka na sa kanya. Kailangan ka niya ngayon."
"Sa tingin mo pagkatapos nang ginawa mo ay gusto pa niya ko makita? Galit na galit siya sa'yo at malamang kinamumuhian na rin niya ko. Mas ginawa mo lang miserable ang buhay ko, Kuya Mark." Akmang yayakapin niya ang kapatid nang tinutulak siya palayo nito. Hinahawi nito ang mga braso niya. Mabilis na umiwas ito at lumayo na sa kanya. Nawalan siya nang lakas na habulin ang kapatid. Inaamin naman niya na may kasalanan siya pero kung mahal talaga ni Sandra si Conrad ay hindi ito padadala sa kanya. Kung mahal nga nito si Conrad hindi sapat iyon dahil hindi papatol si Sandra sa kanya kung mahal na mahal nito ang kaibigan niya.
"Oo! Sa maling paraan ko siguro ginawa, Mayie. Siguro nga hindi mo ko mapapatawad dahil sa ginawa ko! Pero masisisi mo ba ko kung gusto ko maging masaya ka? Pinangako ko kay Mommy na ibibigay ko ang lahat sa'yo. Sa ganitong paraan ko lang maibibigay iyon."
Lumingon sa kanya ang kapatid at napailing sa sinabi niya. Mapait na ngumiti ito sa kanya. "No, kuya. Hindi mo ginawa ito para sa akin, lalo na kay Mommy. Ginawa mo ito para sa sarili mo lang. You're selfish, 'yan ang totoo."
Pagkatapos nito sabihin iyon ay tuluyan na itong umalis. Nanghahapo na napaupo siya sa silya at nasapo ang mukha. Pati ang mga kaibigan niya ay may sama ng loob sa kanya. Bigla pakiramdam tuloy niya ay nag-iisa siya. Nag-iwan siya ng bill at umalis sa resto-bar na iyon. Pagkatapos ng ginawa ni Mayie ay wala na siyang maihaharap na mukha sa mga tao doon. Lilipat na lang siya sa ibang bar.
***
"DARE." Napangiwi si Camille nang sambitan niya ang kataga na iyon. Kasalukuyang nasa isang bar sila at naglalaro ng spin-the-bottle-game. Hindi nga niya alam kung bakit nagpapilit siya para isama ng mga pinsan. Birthday kasi ng girlfriend ng pinsan niyang si Ryan na si Czaniah na medyo friend na rin niya. Anim silang lahat sa table kasama ang mga kaibigan ng pinsan at ang best-gay-friend niyang si Owen—o mas preferred ang pangalang Olivia. Kaya hindi naman ganoon ka-boring dahil nandoon ito. Mayamaya ay nagpapatawa ito at kung sino-sinong "hunky papa" ang tinitignan. Ang ilan sa mga ito ay tipsy na. Nakapaikot silang lahat sa table. Kanina pa nga siya minamalas dahil dalawang beses na huminto ang botelya ng huli sa direksyon niya.
"Kiss the guy on the cheek over there." nakangiting sabi ni Ian sa kanya. Tila nagkamali yata siya ng consequences na pinili. Katakot-takot kasi na pag-amin ang ginawa niya kanina nang mag-truth siya. Napaamin siya kung sino ang crush niya sa campus nila ng wala sa oras. Ni ang mga kaibigan nga ay hindi niya sinasabi kung sino iyon pero dahil sa pesteng "spin-the-bottle-game" na iyon ay napaamin siya na crush niya si Kurt Aldrich Bermudez.
Kainis naman! Kanina pa ko napapasubo sa letseng laro na 'to. Napalingon siya sa direksyon ng taong gusto ni Ian halikan niya. Halos malaglag ang panga niya nang mamukhaan kung sino ang lalaki. It's Mark Romero! Isa sa mga kabarkada ni Kurt! Hindi niya gagawin ang sinabi ni Ian.
"Are you nuts?! Si Mark Romero 'yon. Kaibigan 'yon ni Kurt." inis na sabi niya.
Nang sumilay ang kakaibang ngiti ni Ian. Parang gusto na tuloy niya kutusan ang sarili. Hindi dapat niya sinabi kina Ian kung sino ang lalaki na iyon. Hindi naman kilala nila Ian si Kurt dahil sa ibang school ang mga ito. Si Olivia lang ang tanging ka-schoolmate niya sa table na iyon.
"Really?" nakangising segunda ni Robin.
"C'mon, 'coz. Don't be KJ. I-ki-kiss mo lang naman siya sa pisngi eh. After all, it's just a dare." ani Ryan sa kanya at inakbayan ang girlfriend nito.
"Oo nga! Kanina nga ay nakipagsayaw ako sa isang guy na hindi ko naman kilala. Hindi naman fair kung hindi mo susundin ang dare." ani ni Maribel na isa pa nilang kasama
"Sige na! Sa cheek mo lang naman i-ki-kiss eh." kinikilig na singit ni Olivia.
Matalim na tinignan niya ito. "Isa ka pa! Humanda ka sa akin mamaya."
Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Ayos lang 'yan. Mamaya ko na iisipin 'yon. Basta, do the dare."
"God! I will forever hate you for this!" inis na sabi niya bago tumayo. Ano pa bang magagawa niya kung pinagkakaisahan siya ng lahat ng ito.
Bumuntong-hininga muna siya bago tinungo kung saan nakaupo si Mark. Nasa harap ito ng bar stool at mag-isang umiinom. Sa tingin niya ay wala naman itong kasama. Nang huminto siya sa harap nito ay hindi siya agad napansin ni Mark.
"Hello," kiming bati niya.
Lumingon ito sa kanya. Aaminin niya na maganda ang mga mata ni Mark. Kung hindi nga lang niya kilala ang reputasyon nito ay baka isipin niya na isa ito sa pinakamaamong tao sa buong mundo. His eyes were enigmatic yet enchanting. Nang minsan niya na nakita itong ngumiti ay hindi niya ikakaila na nakakabighani ang mga iyon. There something in his eyes that says so many emotions and things that you won't ever know what that is. Nagsalubong ang mga kilay nito na tinignan siya. Parang nainsulto siya nang hagurin nito ng tingin ang kabuuan niya.
"Miss?" takang tanong nito.
Bago pa magbago ang isip niya ay dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. Mabilis lang naman ang ginawa niyang paghalik sa pisngi nito. Maingay man doon ay narinig pa rin niya ang sabay-sabay na sigawan ng mga kasamahan niya. Ito na talaga ang huling pagsama ko sa kanila.
Akmang hihiwalay na siya sa binata nang maramdaman niya na hinigit nito ang batok niya. Naramdaman na lang niya na dumampi ang labi niya sa malambot na bagay. Napasinghap siya nang mapagtanto kung ano ang nadampian ng labi niya. Sinamantala naman nito ang pagkakataon dahil ginalugad nito ang bibig niya. Hindi siya agad nakapag-react sa nangyari. Tuliro ang isip niya.
She freakin' get her first kiss to this man. Her first yet tormented kissed.