Chapter 1

1631 Words
Luther "Tang'na naman mga kumpads. Ang kakapal din ng mga mukha niyong mga hayop kayo. Dito pa talaga kayo tumambay sa maliit na bahay namin. Bibigyan niyo pa talaga ako ng trabaho ko." Napapailing na lang ako sa pagmumura ni Austin sa amin. Ganyan naman 'yan lagi pero makikikain din naman sa mga dala naming pagkain. Dami pang satsat. Ang pinakabungangera naming katropa. "Hoy! Agustin! Ang dami mong satsat, kumain ka na nga lang." Sita ni Deecon sa kanya at inilapag ang mga dala dala nitong plastic bag na may lamang pagkain at softdrinks. "Tsk! Wala namang ganyanan, Austin naman kumpads. Yung kambal ko 'yong tinatawag mo hindi ako. Respeto naman sa may ari ng bahay." Kapal din talaga ng mokong na ito. Talagang nangarap pa na may kambal siya. May pabirada pang nalalaman pero siya naman nangunguna sa pagbubukas ng plastic bag. Napailing na lang ako at napatingin kay Levin ng magsalita ito. "Putcha! Kailan ka pa nagkaroon ng kakambal, Agustin? Sa pangit mong 'yan, malamang na hindi ka bibiyayaan ng kakambal." Nakatikim tuloy ng malakas na batok si Levin dahil sa sinabi nito. "Isa pang batok mo, Agustin--sinasabi ko sa 'yo..." at nag umpisa na nga ang bangayan ng mga batang paslit. "Ano?" Lumapit pa ito kay Levin at iniharap mismo ang mukha nito sa mukha niya. So close yet so far--natatawa na lang ako sa naiisip ko. "Sheyt-- nababakla ka na naman, Agustin. Wag ako-- iba na lang..." halos matawa lahat ng barkada sa asaran ng dalawa. Pucha! Nag umpisa na naman po ang linyahang kornik ng mga tambay. "Ulol! Baka nga mas mahaba pa itong armas ko sa armas mo, kumpads. Kaya dahan dahan sa pananalita mo." Ngumisi pa si Austin dito na ikinatawa lamang ni Levin. Parang wala lang ang sinabi ni Austin dito. "Tang'na, baka magulat ka pa kapag nakita mo 'to. Kapag ipinasok ko ito sa kuweba nila baka umabot hanggang balun-balunan, kumpads. Ganoon katindi ang haba." Napangiwi ako sa sinabi nito. Wala talagang preno ang tabas ng bunganga ni Levin minsan--kadalasan pala. Kung hindi ka lang siguro sanay sa mga sinasabi nito ay baka n-muraamura mo na ito ng wala sa oras. "Pakitaan tayo, oh." Hamon nito at akmang maghuhubad na ito ng shorts. "Sige ba!" Game na game na sagot naman ng huli. "Sinong huhusga?" Tumingin ito sa amin habang hawak nito ang itaas ng kanyang shorts. Tumalikod ako kasunod ng iba. f**k! May ganyan din naman ako para gustuhin pang makita ang pag aari ng iba. "Kayo na lang, huwag na kayo mandamay pa. Nakakadiri kayo..." umarte pa talaga akong nasusuka kahit hindi naman. "Kaya nga--pwedeng kayo nalang dalawa? Huwag na talaga kayong mandamay pa ng iba. Wala kaming pakialam kung magpakitaan man kayo mga kumpads. Doon kayo..." turo ni Deecon sa loob ng bahay nila Austin. Parehas pa silang napalingon na dalawa sa itinuro ni Deecon at napasimangot. "Huwag na nga lang pala. Para lang ito sa magiging future ng buhay ko." Umiling pa ito at binitawan ang shorts niya. Magtatalo pa sana ang mga ito nang magsalita na ako. Hanggat walang bumabasag sa bangayan nila ay wala itong katapusan. "Laro na lang tayo ng basketball." Aya ko sa kanila na agad naman nilang sinang ayunan. Basta basketball na ang pinag uusapan, walang hihindi sa aming magkakaibigan. "May mga naglalaro pa ata sa plaza." Imporma ni Levin bago isinubo ang sitsirya na kanina pa niya hawak. "Problema ba 'yon? Makipaglaro tayo. Parang hindi naman natin gawain 'yon. Nakalimot lang, Levin?" Tanong ko habang umiinom ng coke mismo. "Malay mo may mga dayo at ayaw makipaglaro sa atin kasi masyado na daw tayong magagaling." At ang gago nagmayabang pa. Pero totoo naman ang sinabi niya. Kapag may dayo dito sa lugar namin na galing sa kabilang ibayo para makipaglaro ng basketball, lagi nila kaming tinatanggihan lalo na kapag may pusta na ang pinag uusapan. Pero kapag taga rito din lang ang kakalaruin namin ay tamang softdrinks lang ang pusta. Pantanggal uhaw at pampapawis na din. "Ang dami mo talagang alam, Levin. Ubusin mo na 'yang butong pakwan mo at nang makapunta na tayo sa plaza. Madaming chicks dun. Malay mo mahanap mo na yang future ng buhay mo na sinasabi mo." Binuntutan pa ni Austin ng mapang asar na tawa. Napapailing na lang talaga ako sa asaran ng dalawang 'to. "Hindi ko na kailangan pang maghanap dahil ako ang hinahanap. Gets mo? " Tinaasan pa talaga ni Levin ng kilay si Austin na ikinatawa lang ulit ng huli. Hay naku! Akala ko ay tapos na, at eto na naman po sila. NAg uumpisa na naman po ang mga bata. "Ang lakas mong mangarap, Levin. Hinay hinay lang..." tumabi ito kay Levin at inakbayan bago tinapik ang balikat at nagsalitang muli. "Baka biglang maging matandang binata ka sa paghihintay ng sinasabi mong maghahanap sayo. Walang magkakamali sa 'yo, kumpads, kaya gising na." Hindi pa talaga ito nakontento at tinapik tapik pa nito ng medyo malakas ang pisngi ni Levin. "Ulol! Hindi mo alam ang dala ng lahi ng mga Levistre. Matitinik ang mga lahi namin hindi katulad niyo na hindi na nakaangat sa first love first love na 'yan." Heto na naman po tayo sa ungkatan ng kanya kanya nilang lahi. Bakit ko ba naging kaibigan ang mga hinayupak na ' to. " First love never dies ika nga ng lolo ko. Wala kang binatbat sa lahi namin. Dahil kung nagmahal kami, isa lang. Siya ang una, pangalawa at forever ng mga Salazar. Hindi katulad niyo na madaming babae muna ang paiiyakin tapos sa huli kayo din ang iiyak." Mapang asar na sambit ni Austin na kunwari ay nagpupunas ng luha at benebelatan si Levin. Mga isip bata talaga. " Wala kayo sa lahi ng mga Alcantara... kami ang minamahal. Ang malupit, iba ang aming mahal. " Kumindat pa si Deecon at inakbayan ang dalawang nagbabangayan. " Tara na nga! Akala mo naman mga kaguwapuhan ang mga hinayupak. Tang'na, walang wala sa kalingkingan ng lahi namin." asus! Sumali pa ang isa din malakas mang asar na si Andrei. Maggagatungan na naman ang mga iyan hanggang sa may magwalk out na parang babae lang. " Tara na nga lang sa plaza at ng makalaro na. Baka kung saan saan pa mapadpad ang asaran niyo, baka mamaya may umiyak at mag walk out sabay magsumbong kay Tita Melinda." Napakagat labi talaga ako ng masama akong tinignan ni Levin at sinimangutan. "Hindi ko sinasabing si Levin yon pero, parang ganoon na nga." Nagsitawanan ang lahat maliban kay Levin na nakabusangot na talaga ang pagmumukha. Sa ngayon ay sampu lang kaming andito. Mas minamabuti ng ilan na manahimik kapag yang dalawa na ang nagbangayan dahil kapag nakisali pa kami ay mas malalang walk out king ang gagawin ng kilala namin. "Gago! Pak yu ka kumpads, pak yu!" Nagmiddle finger talaga ito sa akin na tinawanan ko lang. "I wont f**k you. Putcha, Levin! Wala ka namang butas. Nababakla ka na talaga." At dito na po nag umpisa ang mas malakas namin asaran na. Ang hirap talagang hindi makisali sa asaran. Naging routine na ata ng buhay namin 'yan. Paawat-awat tapos mamaya kasali na din pala. "Puta, Levin! Kumakaway na naman ba ang kafederasyon mo?" Tumatawang tanong ni Dee at bago pa makalapit si Levin sa kanya ay nakatakbo na ito habang kumakaway. "Mauuna na ako sa plaza at ihahanapan ko ng lalandiin si Lavender! Nang makahanap ng poreber niya." sigaw talaga nito habang tumatakbo dahil hinahabol na siya ni Levin. "Pak yu kang tang'na ka! Hintayin mo akong ulol ka! Puputulan talaga kita ng kaligayahan mo ng magtanda kang hinayupak ka!" Halos mapatid na ang litid ng leeg ni Levin kakasigaw. "At kayo!" Napaigtad talaga ako ng humarap ito sa amin at itinuro kami isa isa. "Kapag ako nakahanap ng mamahalin ko. Who you talaga kayong lahat sa akin mga pak yu kayo!" At ayon na nga po ang walk out King ng Barrio Bagong Isla. Pinilit muna naming hindi tumawa habang hindi pa ito nakakalayo. Mahirap na. Nagkakatinginan lang muna kami at lahat kami ay nagpipigil ng tawa. Nang makaliko na ito sa may kanto, napabunghalit na kaming walo ng tawa. "f**k! Walk out King nga talaga. Puta! Kailan kaya magbabago 'yon? " Napapailing at tawang tawa na sambit ni Ace. "Sinabi mo pa. Inaasahan ko na ang pagwawallk out niya since pinagkakaisahan na naman natin siya." Tumayo na ako sa kinauupuan ko bago pinagpagan ang aking shorts. "Tara na, baka mas lalong maghimutok 'yon kapag natagalan pa tayo sa pagdating. Baka hindi na bumalik ang pagkakabusangot ng mukha nito. Kasalanan pa natin." Sumang ayon ako sa sinabi ni Marlon dahil hanggang sa hindi kami dumating ay biyernes santo talaga ang pagmumukha niya. Labinglima kaming magkakaibigan at magkababata. Simula't sapol ay kami na talaga ang magkakasama. Alam na namin ang mga likaw ng bituka ng isa't-isa. Ang ilan sa amin ay wala dito dahil mas pinili nilang magtrabaho sa Manila para sa pamilya. Ang iba naman kasi sa amin ay may mga kaya at hindi naman gaanong mahirap. Nakapagtapos naman kami ng aming mga kurso. Pero ang iba sa amin ay kumukuha ulit ng panibagong kurso. Katulad ngayon, halos kalahati sa aming labinlima ay kumukuha ng second course sa bayan. Kompleto kaming lahat kapag sumapit ang ikalawang biyernes ng buwan. Mas minamabuti naming magpiknik sa ilog at matulog doon. Gumawa kasi kami ng kubo na para sa aming magkakaibigan lang. Pero ang kubo na iyon ay pasok sa private property ng mga Levistre kaya walang nakakapasok na iba. Depende na lang kung may permiso sa may ari. Napabalik ako sa huwisyo ng sumigaw na ang walk out King na ang tagal daw namin at para daw kaming babae kung maglakad. Nakaani tuloy ito ng gitnang daliri mula sa amin bago nagmadaling pumasok sa basketball court.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD