Thea
"Barrio Bagong Isla..." this place is some kind of interesting for me. MAtagal ko na itong gustong mapuntahan but I don't have time. Buti na nga lang ngayon ay pinayagan akong sumama sa mga kaibigan ko. Charlot is my bestfriend since first year college. Nameet ko siya in school and we get along pretty well. Siya ang pinaka una-unahan kong friend na nakaalam nang tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Kaya nga ako pinayagan ay dahil na din dito. Mom and Dad trust her. Isang paalam niya lang ay paniguradong papayag sila agad.
"How come it's bagong isla when it's not even surrounded by sea or water?" Nagtatakang tanong ko kay Charlot. Nacu-curious tuloy ako, puro kalsada naman kasi ang dinaanan namin at wala akong nakitang dagat o ilog man lang.
Nginitian niya ako, "It is surrounded by water, boo. Hindi mo lang napansin ang ilog dahil natatabingan ito ng mga nagtatayugang mga puno. Makikita mo din ang ilog sa mga susunod na mga araw. Papasyal tayo."
"That's more like it." Nginitian ko ito pabalik dahil alam nitong gustong-gusto ko ang mamasyal. "Baka naman awayin kami sa lugar niyo, boo."
Umiling ito, "they will not do that. Sa lugar namin, we have rules to follow. Katulad pa lang nang pagpunta niyo sa amin. I have to get a pass bago ko kayo maisama at kailangang maapprobahan ito ni kapitana. Dahil kung hindi, hindi kayo pwedeng umapak sa lugar namin."
Napatango-tango ako, "nakaka-curious ang lugar niyo, boo. Ngayon lang ako nakarinig ng lugar na katulad nitong sa inyo."
"It's because, you always visit abroad. Hindi sa mga probinsiyang gaya nitong sa amin." NApanguso ako sa sinabi nito. She's totally right, ngayon lang ako magbabakasyon na hindi sa abroad ang tungo ko. "At sa lugar namin, friendly lahat ng mga tao. Kahit saang lugar ka tumungo, kahit hindi ka kilala ay ngingitian ka nila at babatiin. Dahil alam nilang, hindi ka makakapasok ng barrio namin kapag masamang tao ka."
"Wow." bulalas ko dahil sa pagkamangha. Mapapasana all ka nalang talaga. "Kung sana lahat ng lugar at mga tao, kagaya ng sa inyo. Uunlad siguro ang Pilipinas, noh?"
"Lukaret! Sadyang, lumaki lang ang mga taga sa amin na may takot sa Diyos. Huwag mong igagaya sa ibang lugar ang sa amin. You will not see any place like ours. Mababait at magagalang ang mga taga sa amin. Saka, hindi niyo ba iyon halata sa ugali ko pa lang?" Nagpacute pa ang loka.
"Ang ganda talaga ng view ng mga nadadaanan natin, boo." Pag iiba ko nang topic at pasimpleng tumingin sa labas para asarin ito. Yeah, she's right. Charlot is an amazing woman. Sa aming magkakaibigan, makikita mo talagang siya ang pinakamaaasahan sa aming lahat.
"Tsee! Di kita bati." Inirapan niya talaga ako na ikinatawa ko.
"Hindi na mabiro. Of course, halata sa ugali mo. Kaya nga love na love ka namin, lalo na ako. You always know that." Inihilig ko ang ulo ko sa balikat nito. Kapag ganoong puwesto na ang ginagawa ko. She knows na naglalambing na ako dito.
"I love you, boo. Always remember that. After this, matagal tagal din kitang hindi makikita. Bakit ba kasi naisipan mo pang manatili abroad, eh." Hinahaplos nito ang buhok ko. May himig pagtatampo ang boseals nito. If only I xan tell her the reason why. Kaso, mas gugustuhin kong hindi na lang nito malaman.
" I wanted to try my career abroad, boo. Alam mong that's my dream at kapag successful na ako doon. I will get you at magkakasama na ulit tayo." Iniyakap ko ang kamay ko sa bewang niya at isiniksik pa mas lalo ang mukha ko sa leeg nito.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
" Kung ano ang makakapagpasaya sa bestfriend ko, siyempre doon ako. Alam ko namang pangarap mo na ito. I will just be here for you, boo. Kahit anong mangyari, hihintayin ko pagbabalik mo. Sobrang mamimiss talaga kita." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa kamay ko. She's crying and I hate that. Yan ang ayaw kong makita sa kanya. All she knows is that I will leave because of my dreams. Paano na lang kapag sinabi ko dito ang totoong dahilan? I will not let her know it. Ayoko siyang mahirapan kapag malaman niya.
"Stop crying, boo. No more drama, please. We came here to have fun. Hindi natin mamamalayan ang panahon. Mabilis ang oras at araw. So, stop crying. Saka, magtatawagan naman tayo thru video calls. Magkikita pa din tayo. Kaya tama na ang iyak." Lumayo ako dito at pinahid ang luha nito bago ngumiti." Ang cute cute talaga ng bestfriend ko."
Mas lalo ito napasimangot kaya natawa nalang ako.
" You know that cute are for dogs only. I don't bark, Thea. Kainis ka talaga. " Sabi na eh. Lagi niyang sinasabi 'yan kapag sinasabihan ko siyang cute.
"Okay, okay. Let me rephrase it." Ngumiti ako nang pagkatamis tamis at pinisil ang pisngi nito. "Ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko. Ngingiti na 'yan."
"Ayoko, 'di kita bati." At heto na po tayo sa pakipot effect niya. And bata drama role.
"Yiiieeehhh...." sinusundot-sunsot ko pa ito sa tagiliran niya. "Ngingiti na ' yan."
"Ayoko." Nagpapakipot talaga ang bestfriend ko pero, halata namang nangingiti na. Pinipigil niya lang.
"Makikilala ko na ba si Mr Badboy ng buhay mo?" Doon lumaki ang mga mata nito at tumingin sa akin bago tinakpan ang aking bibig. See--- it works all the time. Kahit nakatakip ang kamay nito sa bibig ko ay tumatawa talaga ako.
"Shut your mouth. Marinig ka nila. Thea naman, eh." Tukuyan na itong nagmaktol. Pinadyak pa niyo ang mga paa na para talagang bata.
At dahil hindi pa rin ako makapagsalita ay tumango-tango nalang ako bilang sagot.
"Sigurado ka?" Pag uulit nito na ikinatango ko ulit ng ilang beses. "Okay..."
Nang bitawan nito ang bibig ko ay tinukso ko ito gamit ang aking mata. Alam kong naiintindihan niya ako.
"Makikilala mo din siya in time, boo. Ang alam ko, wala siya sa Isla ngayon. Nasa Manila ito." Kuwento nito na ikinanguso ko. It only means na hindi ko pa siya makikilala. "Umayos ka na, boo. Andito na tayo."
Kahit gusto ko pa itong usisain ay nginitian ko nalang siya at tumingin sa labas ng sasakyan. Tahimik ang lugar nila. May mga dumadaan naman sa kalye pero hindi gaano karami. Makikita mo talaga ang pagsulyap nila sa nakahinto ng sasakyan namin bago sila ngumiti
This plaze is amazing. I know I can get along with the people around here. They look friendly sa paraan pa lang ng ngiti nila sa amin.
"Hey guysue, magsigising na kayo diyan. Magsipunas na rin kayo nang mga laway niyo. Nahiya naman ang mga extra unan ko sa laway niyo. Tsk! Labhan niyo mga 'yan." Sa lakas ba naman ng boses ni Maine ay talagang magigising nito kahit yung nasa kabilang ibayo.
"Tone your voice down, Maine. Pinagtitinginan na tuloy tayo. Nakakahiya ka talaga." Napanguso na lang ito sa sinabi ni Charlot at nagpeace sign bago yumuko sa mga taong dumadaan at nagsorry.
Napatingin ako sa mga kasama namin na isa isa nang bumababa at nag iinat pa.
"This will be fun, " masayang bulong ko na sinuklian ng ngiti ni Charlot.
"Super fun, boo. As in super. Let's make many memories para madami kang baonin."
"I would really love that. We'll take many photos as much as we can. Kaya nga nagdala ako ng extra camera para the more, the merrier." Masyang sambit ko dahil sang ayon na sang ayon ako sa gusto nitong mangyari. "Let's go na baka mag inartena na naman ang isang 'yan at magsisisigaw na naman. " Natawa na lang kaming pareho at nag appear bago tuluyang bumaba ng sasakyan.
Pagbaba namin, napatingin talaga kaming lahat sa lalakeng sumalubong kay Charlot. He' s wearing a body firmt sando at naka-shorts lang ito. Halatang tumakbo ito at nagmadali dahil basang basa ito ng pawis. At ang mga kerengkeng kong kaibigan. Naghearty na naman ang kanilang mga mata.
" He's f*****g hot! " Agad na bulong ni Rheem sa amin sabay may pahila pa ng aking braso. Napailing iling nalang ako.
"Huwag munang manlandi, maaga pa. Baka mamaya magulat ka na lang sinilaban ka na diyan." Sambit ko sabay tawa. Hindi ko napansin na napalakas pala ang pagtawa ko na ikinalingon ng lahat sa akin with matching taas pa ng kilay maliban sa lalake. Packing tape talagang babae ito. Nasa akin na tuloy ang spotlight. " Sarrey... " nagpeace sign ako sa kanila at alanganing napangiti sa lalakeng kaharap namin na sinukilan din nito ng ngiti.
"Welcome to our Bagong Barrio Isla." Bati nito sa amin nang nakangiti bago tumingin kay Charlot at nagsalitang muli. "So, this are all your friends from Manila, Char." Tumango ito. "They are all beautiful." he praise us na para bang sanay na itong mambola eventhough talagang magaganda naman talaga kami. Mas lalo na namang nagwala ang mga kerengkeng kong kaibigan. My God.
Napatingin kaming lahat kay Charlot nang magsalita ito at ipakilala ang kaharap naming lalake.
"So, guysue... meet my handsome brother. My Kuya Andrei." She mention about his brothers and sisters pero nashock ako. Bakit parang wala silang resemblance. And I didn't expect na ganito. Ka-hot at kaguwapo ang kapatid nito.
"Hi..." sabay sabay na banggit namin dito.
"Kuya Andrei, this is Rheem, Maine, Jessabel, Robelyn, Zeinne and lastly my bestfriend Thea. Habang pinapakilala niya kami isa isa ay nakikipagkamay naman ito sa amin. He's some kind of mabait and halatang marunong itong makihalubilo.
"Nice meeting you all. Gusto ko pa sanang magtagal dito pero hindi pwede kasi iniwan ko lang saglit ang mga kumpads kong naglalaro. See you around gurls and enjoy staying in our Isla." Nagpaalam na ito sa amin at nagsalute pa sa kapatid bago tuluyang umalis.
"Why didnt you tell us that you have a very hot and handsome brother?" That was Mainr in malandi mode na sinundan na naman ni Jessabel ng isa pang kalandian.
"Can I even touch that abs? f*****g hot!" Kumagat kagat labi pa ito at hinila ang aking kamay para yakapin.
"Geez... Stop what you all doing. Some kind of flirtatious act. Parang walang mga ganyan sa Manila kung lumandi kayo. Saka, hoy Jessabel! May Steban ka na po na naiwan sa Manila. Baka naman gusto mong maalala 'yon at tawagang nakarating na tayo?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinapadyak niya at humaba ang nguso.
" Ang kj mo, Thea. Para naguwapuhan lang sa kapatid ni Charlot, eh, nanlalandi na agad? " napapailing na lang ako sa sinabi nito.
" Asking to touch someones body is called kalandian sa katawan. So, I guess, nanlalandi ka nga talaga. Wanna want me to call Steban? "Kahit nagtataray ako sa paningin nila ay alam ng mga ito ang ugali ko.
"You're too mean, boo. Suportahan mo naman ako. Minsan lang manlandi ang lola mo. Pagbigyan mo naman ako." sinusundot-sundot pa nito ang tagiliran ko.
"Ay ewan, Jessabel. I don't wanna get involve in that landi session. Sila na lang... Wag ako. Okay?" Natawa nalang ako sa hitsura nitong mas pinahaba pa ang nguso. Akala mo naman maaawa ako.
"Oo nga naman, boo. Kami na lang kasama mo. Sureness--- kahit anong kalandian pa 'yan at kahit saan mang planeta. Gogora kami diyan." Kumindat kindat pa si Rheem dito na agad ikina-agree ng babaetang Jessabel na iyo.
"Oh, sino pang sasama diyan?" Tanong ni Zeinne sabay may pataas taas pa ng kikay na nakatingin kay Robelyn. May pakagat kagat pa ito sa ibabang labi niya.
Napapailing-iling nalang ako habang nangingiti sa inaasal nila. Paano kaya ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan. I know for sure na isa ito sa mamimiss ko sa kanila.
"Kami!" At sabay-sabay na pong nagtaas ang mga kerengkeng ng kani-kanilang mga kamay.
"Dont worry, may mga kaibigan si Kuya and you all gonna meet them soon." Si Charlot na mas ginatungan pa ang mga kaibigan naming kulang nalang ay budburan ng asin para magwiggle wiggle ang katawan.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Robelyn. The shy type naming friend pero kaag kalandian. Naku, naku! Walang papahuli sa kanika.
" Hot and handsome din?" si Zeinne.
"Yes, super..." sagot ni Charlot at naglakad na papasok. "Suit yourself mga boo... Buhatin niyo na mga bagahe niyo dahil wala kaming katulong dito. Self service tayo dito."
Sa sinabi ni Charlot ay agad ko na ring binuhat ang maleta ko bago ko ito sinundan sa pinasukan niya.
May mga nagrereklamo sa lima pero wala din silang magagawa. They are all born rich, kaya nasanay na may katulong. Ganoon din naman ako but natuto akong makisalamuha sa mga katulong namin and learn everything from them.
Kung titignan mo ako sa panlabas na anyo ay siguradong sasabihin mong hindi ako makabasag ng pinggan. Pero try me. I can even eat with my bare hands.
Pagpasok ko sa loob ay naamoy ko agad ang nilulutong ulam sa kusina. Namiss ko tuloy sina Inang Liz at Mary. Isang araw ko pa lang nawala pero mas namiss ko sila kaysa sa totoo kong magulang na laging wala at nasa isang business trip around the world.
I sighed, "hope, this vacation will let me find myself and do the right thing."
"This way, boo." Napatingin ako kay Charlot ng tawagin niya ako. This house is simple yet hommie to look. Hindi mo aakalaing ganito kaganda sa loob.
Nang pumasok na ito sa loob ng pinto ay agad na akong sumunod dito kasunod ang mga kaibigan namin.