"Tang'na! Kuya Luther! She can't swim!" Natauhan ako bigla sa sigaw ni Charlotte.
I didn't know. Mabilis pa sa alas kuwatrong tinalon ko ang cliff papunta sa kinaroroonan niya. It's not that deep. Kung totoong hindi siya marunong lumangoy--- malulunod talaga siya.
Fuck it!
Agad ko siyang hinanap sa ilalim. Praying that she'll be safe. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko.
And there she is. Nakapikit na at papalubog na siya sa ilalim. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam na hindi siya marunong lumangoy.
Nang mahawakan ko na siya sa bewang ay mabilis akong lumangoy pataas. Saktong pagkaahon namin sa ilalim ay siyang lapit ng mga kaibigan ko. Tinulungan nila akong ipunta ito sa may pampang. Hindi ko siya binitawan kahit hawak na din siya ng mga kaibigan ko.
I am really guilty about it. Kung hindi ko siya tinulak ay hindi siya malulunod. Kung naging mas aware ako baka hindi mangyari ito.
I'm stupid for doing that. Hindi ako natutuwa sa ginawa ko. I'll f*****g blame myself for this.
"Wake up!" I shouted. " f**k it!"
Iniayos namin siya ng higa The next thing I did was to check her breathing amg responsiveness. Inilagay ko ang aking tenga sa bibig nito, pinapakiramdaman kung humihinga ito.
"Thea," I called her name, but she didn't respond. Maski mga kaibigan nito ay tinatawag na din siya. Nakapalibot silang lahat sa amin. Si Charlotte lang ang lumuhod sa tapat ko at kagaya ko ay tinitignan din nito ang lagay ng kaibigan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"She's unconscious and not breathing." I stated, nervously. "Tabi!" Sigaw ko at inayos na siya sa pagkakahiga bago ko itinaas ng bahagya ang baba nito. I pinched her nose and blew air on her mouth five times. Pagkatapos ay sinimulan ko siyang i-cpr. Buti na lang ay napag-aralan namin ang first aid ng nalulunod. Hindi ko aakalaing magagamit ko pala talaga ito.
"Come on, Thea. Come on!" Patuloy na sigaw ko at muling binugahan ng hangin ang bibig nito.
"Thea! Boo!" Umiiyak na sigaw ni Charlotte. Hawak hawak na ito ni Deecon.
At sa ikatlong pagkakataon na pagbuga ko sa bibig nito ay bigla na lang itong naubo at gumalaw.
I felt everything stops.
Mabilis kong hinila ang hawak ng kasama nitong tuwalya and wrapped around her. Sobrang takot ang nadarama ko.
Malayo pa man din ang hospital dito sa amin. Salamat sa Diyos at huminga na siya. It was a total relief. Mabilis ko siyang niyakap. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin nilang lahat sa nakikita nilabg aksiyon ko. I'm f*****g scared.
"I'm sorry," saad ko at pinangko ito at tumayo. Kailangan pa din siyang makita ng isang bihasang doctor. Kailangan naming masiguro na ayos na talaga siya.
Pangko pangko ko siya. Handa akong lakarin papuntang bahay para kunin ang sasakyan ko doon. Wala akong pakialam kung mapagod ako nang sobra. Ang importante ay madala siya sa hospital. ---
Malakas na busina ang nagpatingin sa aming lahat sa may bungad.
It's Andrei.
Dala nito ang pick up ni Deecon. Mabilis akong naglakad papunta sa gawi niya. Lakad takbo na ang ginawa ko. Halos hindi pa nito maihawak ang kanyang kamay sa akin. Halatang nanghihina pa ito.
"Sasama ako!" Sigaw ni Charlotte na hindi ko pinansin. Ang mahalaga sa ngayon ay madala namin siya sa hospital. Pwede naman silang sumunod sa amin.
"Sabi ni Tata, may klinika daw sa kabilang ibayo. Pwede daw natin siyang dalhin, sakto daw dahil may medical mission na nagaganap sa lugar na iyon simula noong nakaraang araw. Makakatulong sila dahil may mga gamit sila. Naitawag na niya ang nangyari. Tayo na lang hinihintay." Nag aalala ding anunsiyo ni Andrei nang maihiga ko sa likuran si Thea.
"Tara na," mabilis kong utos pagkapasok ko sa tabi niya. She's awake, but almost closing her eyes.
Mabilis na pinaandar ni Andrei ang sasakyan. Agad kong pinahiga sa aking kandungan ang kanyang ulo at hinaplos ang kanyang pisngi.
"I'm really sorry," panghingi kong muli ng tawad na ikinatango niya.
She wanted to speak. Kaso pinigilan ko lang. Kailangan niyang ireserba ng lakas niya at kailangan niyang magpahinga.
Hanggang sa makarating kami sa klinika na sinasabi nila ay hindi ko siya binitawan.
I am so damn scared. I don't know, but I feel like I was drowning too. And it's all my fault.
Kung hindi ako isa't kalahating tanga na itulak siya--- this won't happen. At hindi manganganib buhay niya.
"f**k you, Lutherio!" Mura ko sa aking sarili at napahilamos sa aking 1mukha. Nasa labas kami ng klinika at naghihintay. "She's okay, right? Nabigyan ko naman siya ng paunang lunas, 'di ba?"
Napatingin ako kay Andrei nang tapikin nito ang aking balikat.
"Magiging okay siya, Luther. Ginawa mo naman lahat at saka gising na siya nang itakbo natin dito. Kaya maayos na siya. Relax, man."
Umiling ako, "she won't be there if it wasn't because of me."
I was really f*****g blaming myself. Hangga't hindi ko siya nakikitang maayos ay hindi magiging panatag amg kalooban ko. Pero kahit okay na siya, dala-dala ko na iyon sa puso ko.
It won't slip that easily.
Andrei sighed. Hindi na din siguro nito alam ang sasabihin niya. Kahit kasi anong pagpapagaan ng loob ang gawin niya ay walang epekto iyon sa akin.
Mom didn't raise me, just kill anybody. Even if it was just a joke or even a prank. Hindi ko alam na umabot na pala ako sa sobra.
"It's not too late, aren't I?" Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa pinto ng klinika. "She'll go out there alive at babawi pa ako."
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking batok at inipit ang aking ulo. Nakakapraning ang ganito.
Bigla akong napalingon nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Agad akong napatayo kasama si Andrei at nagmamadaling tinungo ang isang medyo may katandaang babae.
"Okay na siya. Nagpapahinga na lang. Pwede niyo siyang tignan sa loob." Saad ng babae.
I was relieved.
Napaupo ako sa may unang baitang ng hagdan at napapikit. My heart didn't stop beating harshly. Ayaw pa din kumalma kahit alam kong nasa maayos na siyang kalagayan.
"Tara sa loob para mapanatag ka na." Aya ni Andrei na inilingan ko.
"I can't."
"At bakit? Hoy, Lutherio. Kanina ka pa parang kiti-kiting navetsinan diyan sa puwesto mo, tapos ayaw mo siyang tignan sa loob?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Hindi ako nagpatinag. Hindi ko siya kayang harapin saga oras na ito. Kailangan kong bumili ng maraming oras para kumapal ang aking mukha.
Ayokong marinig ang paninisi nito sa akin.
"Ikaw na ang bahala." Sabi ko at tumato na para umalis.
"Hoy! Anong sinasabi mo diyan?" Aniya.
Hindi ko siya pinansin at nag umpisa nang maglakad paalis. Haharap ako sa kanya pero hindi ngayon. I need more courage and strength.
Tinatawag pa rin niya ako pero umiling lang ako at pumasok na sa loob ng pick up. Ipapasundo ko na lang sila kay Dee o sa kambal niya.