It's been a week after that drowning incident. Nakakapanibago lang na hindi niya ako inaasar or something. And I havr this feeling na iniiwasan niya ako.
That's for sure.
Bakit? Kapag makakasalubong niya ako--- liliko at liliko siya or babalik sa pinanggalingan niya. Tinatanong ko si Charlotte pero kinikibitan lang ako ng balikat. I even asked kuya Andrei, but like Charlotte, tikom din ang bibig.
His friends--- ganoon din.
Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. He didn't mean it. Dahil kung sinadya niya iyon, hindi niya ako sasagipin.
"Sino hinihintay mo?" Tanong ni Charlotte sa akin.
"Wala naman, nagpapahangin lang, " sagot ko.
"Hayaan mo muna 'yon. Nagseself pity pa iyon sa ngayon. Lalabas din iyon sa lungga niya. Or baka maglaro sila ng basketball ngayon. Kuya Andrei told me na may dayo ngayon. So, nasa court sila and maybe he' s there."
Nag alangan naman ako sa sinabi niya. Yes, gusto ko siyang makausap about sa nangyari pero ayoko naman siyang pilitin. I feel him. Naranasan ko na ang nararamdaman niya.
At ang masasabi ko ay mahirap. Selft pity is hard.
"Later na lang," tanggi ko sa paghila nito sa aking kamay. "I don't feel like going."
"Anong I don't feel like going? Saan ang lakad niyo at may balak ata kaying iwanan kami?" Nakapamaywang na tanong ni Hend sa likuran namin.
"Oo nga!" segunda naman ng iba.
"Mga haliparot 'to!" Inirapan niya ang mga ito at binitawan ang kamay ko. "Pinipilit ko pa nga ang isang' to, tapos andiyan na kayo. Aba! Paano namin kayo iiwan kung ang inaaya ko, eh, ayaw magpunta? Sige nga."
Napangiwi silang lahat sa sinabi ni Charlotte. Sanay na ang mga kaibigan namin sa salitang haliparot. Pero ginagamit lang nakin ang salitang iyon kapag kami kami lang at walang ibang tao.
" Ay sayang naman, chance ko pa naman ito na makuha si Dee. " Nagde-day dreaming na sambit ni Ream na tinaasa ng kilay ni Charlotte.
"Don't you dare play with Dee, Ream. He's to demure and responsible to be played. Kung hindi ka seryoso sa kanya--- drop it. I won't let you." Naniningkit ang matang babala nito kay Ream na ikinataas ng kamay ng huli.
Natawa ako, "bakit? Bayaw mo na ba si Dee at parang concern sister in law ka na?"
"Tse!" Ako na ang inirapan niya na mas ikinatawa ko. "I just don't want him to be hurt. That's all."
Tumango tango ako at napahawak pa sa aking baba habang dahan-dahang tumatayo sa aking pagkakaupo.
"Over protective sister in law lang ang peg, Charlotte?" kantiyaw ni Ream dito na mas ikinasimangot niya.
"Kaibigan siya ng Kuya ko at kapatid siya ng sweety loves ko. Siyempre, ayokong mapasailalim siya sa kamay ng mga malulupit kong kaibigan sa lalake."
"Ang sabihin mo---" I paused and walked towards their door. "Ayaw mo lang masira ang magandang imahe mo sa kakambal niya. Di ba mga friendships?"
"Tumpak!" Sabay sabay na sagot nila sa akin.
"Ayaw niyang magalit sa kanya ang sweetheart in her dreams niya." Tawang tawa na saad ni Hend.
"Aba at pinagkaisahan pa ako ng mga 'to! At saan ka naman pupunta?" Tanong nito bigla sa akin dahil papasok ako sa loob ng bahay nila.
"Malamang, magbibihis ako. Akala ko ba manonood tayo ng laro ng kapatid mo at kaibigan niya? Hay naku! Nirason mo pa ako. Ayaw mo lang aminin na gusto mong makita ang sweetheart mo." I said and waved.
Iniwan ko siyang nagsasalita sa labas kasama ng iba sabay tawag nito sa akin. Naiiling na lang talaga ako sa kanya.
I know how much he loves Deecon. Sadyang ayaw lang ng lalake sa kanya dahil tingin nito ay isa pa siyang bata. Batang may gatas pa sa labi. Batang susundan siya at kukulitin. And that what makes Deecon dislikes about Charlotte.
At kung gaano kasi kagentleman ang kambal nito--- kabaligtaran naman ang pag uugali nito pagdating sa babae. Pero parehas silang mabait.
Deecon is a playboy and that's what I observe. And he always tell Charlotte about it. Harap harapan din niyang sabihin sa kanya na hindi sila nababagay dahil sa agwat ng kanilang edad.
Charlotte is twenty-seven and Deecon is thirty-six. That gave them a nine years age gap.
At ang kaibigan ko--- lagi niyang isinusupalpal kay Deecon na age doesn't matter nga naman daw. And I agree with her.
Sa love, walang matanda at mas lalong walang bata. Kapag tinamaan ka ng love--- sapul agad. Ganyan ang nangyayari kay Charlotte. Tinamaan siya ng love sa hindi niya kaedad.
~~~~
Pagdating namin sa may covered court qy maraming tao. Tila may isang fiesta na nagaganap. Pagpasok namin ay panay ang hiyawan at tilian ng mga tao. At nangingibabaw ang boses ng mga kababaihan.
Sino ba naman ang hindi titili kung ang mga naglalaro ay mga nag-gagwapuhang mga nilalang.
Napangiwi ako nang panggigilan ni Charlotte ang aking braso. Kinilig na naman kasi ang loka dahil si Deecon ang nakahawak sa bola habang nag-didrible.
"Umayos ka ngang babae ka." sambit ko at inalis ang kamay nitong nakahawak pa din sa aking braso. At bilang ganti, pinisil ko ang kanyang pisngi na ikinangiwi niya din.
"Aray ko..." nakanguso ng reklamo nito na ikinataas ko ng kilay.
"Now you know what pain is." I said. May sasabihin pa sana ako ng may magsalita.
I ignore it. Ayoko ng away. At hindi sila ang ipinunta namin dito.
We came to watch not to make a scene again.
"Andiyan ang mga malalandi." Bulong ni Charlotte sa akin. .
"Huwag niyo na patulan. Just let them be. Andito tayo para manood at hindi para makipagchikahan sa kanila. Tara at maupo na tayo." Aya ko sa kanila. Nagpatiuna naman sina Hend dahil sila ang nasa harapan namin.
"Balita ko ang pangit ng isa diyan!" She shouted. The girl whom we encounter last time. Hindi din matahimik ang isang yan.
"Hayaan niyo na," sambit ko sa kanila.
"Sorry, but I am not you. Hindi siya magtitigil hangga't hindi napapatulan." Charlotte said.
At bago ko pa ito mahila para pigilan ay nakaharap na ito sa kanila at nakapamaywang habang ang lawak ng pagkakangiti.
"Pangit? Sino tinutukoy mo? Sarili mo?" Charlotte asked, sarcastically. .
"Oh, natamaan ka ba? Sabagay, pangit siya---" turo nito sa akin na ikinataas ko ng aking kilay. "Mas pangit ang mga kaibigan niya."
I know na aalma silang lahat kaya bago pa magkagulo--- pumagitna na ako at nginitian ang babaeng malandi.
I don't know her at wala akong balak kilalanin siya.
"Pangit? Ako ba?" May pang aasar na tanong ko. "Baka kasi nagkakamali ako ng pagkakarinig at tinatawag mo sarili mo."
"Aba't! Napakapangit na nga, pati ugali ang pangit din pala!"
She's making a scene, halata iyon sa pagsigaw niya. At ang mga tao ay nakatingin na naman sa amin.
"Pangit ba ugali ko?" Kalmadong tanong ko at hindi nagpapatinag. "Don't worry, alam ko 'yon. Saka kamukha mo ang ugali ko, depende na lang sa' yo kung gaano kapangit mo irate ang sarili mo." Mahina akong natawa ng makita kong nanggalaiti siya. "And oh by the way, bago mo irate ang kapangitan ng ugali ko. Bigyan lang kita ng tips, ha. Rate carefully kasi nakasalalay diyan ang mukha mo."
And my friends laughed at her. Nagpapadyak siya sa sobrang inis. She wanted to say something, pero tinitikom nito ang bibig niya. Nakikita ko kung paano niya ikuyom ang kanyang mga kamao. Hindi na kasi siya nakaalma dahil mas malakas na ang tawanan ng mga kaibigan ko.
"Let's go, mga boo. Ang kapangitan natin ay hindi nababagay sa mga mukha nila." I said and smirked at her.
"Tumpak! Kaya tara na at maupo para mapanood na natin ang sweety loves ko." Nagday dreaming na ang loka at hinila na ako paalis.
"Hindi pa tayo tapos." Madiin at may pagbabantang saad niya na tinawanan lang ni Charlotte at nagmiddle finger ng nakatalikod sa kanila.
Napapailing na lang akong sumunod dito nang nagpatiuna na itong naupo sa may bakanteng upuan. Pagtingin ko sa mga naglalaro ay napatigil ako nang makita kong nakatingin sa akin si Lutherio nang may pag-aalala.