Chapter 17

1256 Words
Two more days. Ganoon pa rin siya, iniiwasan pa rin ako. So, I took the courage to talk to him. Naguguilty ako dahil sa pag iwas niya. I know how it feels to be in his place. I sighed. Wala akong sinisisi sa nangyari. Alam ko na hindi niya intensiyon na mapahamak ako. I did see it when he was saving me. I need to talk to him. Papunta ako ngayon sa bahay nila. Kahit papaano ay natatandaan ko ang mga dinaanan ko nang umuwi ako last time. I just can't stand it, anymore. Oo, inaamin ko sa sarili ko na namiss ko ang kakulitan at kayabangan niya. Nagkikita kami pero aloof na aloof siya sa akin na para bang may sakit akong nakakahawa. Tapos dagdagan mo pa ng pang iinis ng mahaderang nagpapanggap na girlfriend niya. Tsk! Akala naman niya maganda siya. Walang wala siya sa kalingkingan ko. And speaking of the dare devil. Here she comes. Napairap ako sa kawalan. Napapatanong na lang ako sa aking sarili kung bakit ngayon ko pa sila makakasalubong. Pwede namang kahit bukas na lang sana o kaya ay mamayang pag uwi ko na lang. Hay naku! At ang mapagpanggap na jowa--- pakendeng kendeng pa itong naglalakad at sakop na sakop nito ang gitna ng daanan kasama ang mga alipores nito. Akala mo, eh, nagpa-fashion show kung makakendeng. She got the body and beauty, but not the attitude and brain. She's scandalous type of a girl not a woman. Gusto ko sanang umiwas pero paano? Ito ang pinakamalapit na daraanan, papunta kina Theriong. Kung babalik ako, malamang na mas lalayo na naman ang aking lalakarin at baka maligaw ako. So, I guess, I have to deal with them first. "You owe me a lot, Theriong." I murmured and walked straight. "This girl is driving my character and attitude insane." Dagdag ko pa at ikinondisyon ang aking sarili na kunwari ay hindi ko sila nakikita. At para magawa ko iyon, kailangan kong dumaan sa gilid at yumuko nang bahagya. "Kailangan ko munang umiwas hangga't kaya ko. Wala ako sa mood at mas lalong hindi ako pwedeng makipag-away." Bumuga muna ako ng hangin at nagpasyang mas gumilid pa. That way, hindi ko sila makakasalubong. Kaso nga lang, sadyang sila ata ang walang balak umiwas. Nasa bokabolaryo na ata nila ang mag-umpisa ng gulo. And these girls are pain in the head. Lalo na ang leader nilang utak ewan. " Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Rinig kong tanong nito sa kanyang mga kasama. Palapit na kasi nang palapit ang agwat namin. As much as I wanted not to argue with her or them, hindi ata umaayon ang tadhana ko. "Aba at takot ang malandi, umiiwas." Napairap ako sa kawalan at mas inignora sila. I have no time for them. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang madaming paa sa harapan ko. They stopped me. " Nasaan ang tapang mo ngayon? " Tanong nito nang pasarkastiko. I sighed. Mahirap ng makawala sa kagaya nila lalo na't hinarang na nila ako. Hinanda ko ang pinakamatamis kong ngiti bago tuluyang tinignan ang mga ito. "Oh, hi, there!" Pinasigla ko din ang aking boses. "Kayo pala! May kailangan kayo?" "Ang plastik mo." Nandidiring sambit nito at inirapan ako. Aba! Pasalamat siya at binati ko pa sila. Mabait ako ngayon. "Ay, gurl! Hindi lang ako basta bastang plastik. U-uhmm." Tumatangong saad ko at pinagdikit ang aking bibig. "Isa akong napakalaking drum. Bakit? Mahirap niyo akong sunugin. Di gaya niyo, konting sindi na lang--- liliyab na. Lalo ka na." Dagdag ko pa sabay kindat dito na ikinasama nito ng tingin sa akin. "Gaga ka pala, eh!" Sigaw nito at tinulak ako nang malakas. Buti na lang ay nabalanse ko ang aking katawan, dahil kung hindi ay baka natumba na ako at napasalampak ng bongga sa daanan. "Let it pass, Thea. She's not worth your time. " My mind reminded myself. "Matapang ka lang pala kapag kasama mo ang mga pangit mong kaibigan. Ngayon mo ilabas ang tapang mo!" Sigaw nito na ikinaani na naman namin ng atensiyon ng mga nagdaraan. Kahit kailan talaga, agaw atensiyon ang babaeng ito. I just stand, crossed arms and watched her. I know--- the silence I made, the more she'll create a scene. Sino ba ang nakakahiya? Magtalak siya nang magtalak. The hell I care. "Wala ka pala, eh! Masyado ka lang pabida! Taga Maynilang walang kwenta! Siguro wala ring kwenta ang mga magulang mo!" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Wala siyang karapatang banggitin ang mga magulang ko sa diskusyon namin. It's just us, pero bakit kailangan niyang mandamay ng ibang tao. And take note, magulang ko pa talaga. " Shut the f****d up. " Madiin at may babalang sabi ko at dinuro siya. "You can insult me or anyone, but you can't just insult my parents." "Pinagsasabi nitong babaeng 'to. Taga-maynila nga naman. Mga papansin at walang mga kuwenta gaya ng mga ma---" I cut her off. "Huwag na huwag mong uuliting insultuhin ang magulang ko sa harapan ko. Hindi mo ko kilala at mas lalong hindi mo kilala ang mga magulang ko. Kaya umalis ka sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo." Anger consumed me. Never in my wildest dream, that someone insult my parents just like that. Tumawa ito nang malakas. "Bakit? Tama ba ako sa sinabi ko?" Gusto ko siyang sabunutan at kaladkarin sa kung saan. Ngunit alam kong may batas sila na bawal manakit ng basta basta. Ako na lang ang iiwas para wala akong masaktan. Kayang kaya ko siya, iniisip ko lang ang mangyayari. May isang buwan at mahigit pa akong bakasyon. At ayokong masira niyon dahil sa babaeng ito. I counted, one to ten in my mind before walking straight and passed her. Sinadya kong banggain ito dahil ayaw niyang gumilid sa aking daraanan. Huwag niya akong sagarin. At ang hindi ko inasahan ay ang paghablot nito ng aking buhok at sabunutan ako. Mabilis akong napahawak sa aking buhok para pigilan ito sa paghila. "Wala kang karapatang banggain akong malandi ka!" Sigaw nito at panay pa din ang pagsabunot nito sa akin kahit na anong paghawak ko. "Aray ko." nasasaktang reklamo ko. "Bitawan mo ang buhok ko!" "Ano ka! Sinuswerte! Hawakan niyo kamay niya!" Utos nito sa mga alipores niya. At bago pa nila ako mahawakan ay agad na akong pumalag. Hindi ko hahayaang kawawain nila ako ng walang laban. Kahit masakit ang pagsabunot nito sa buhok ko ay agad akong umikot at humarap nito. She didn't expect what I just did. At bago pa ito nakahuma ay hawak hawak ko na din ang buhok niya at malakas itong sinasabunutan. Kahit doon man lang ay makabawi ako. Luging lugi ako dahil may mga kasama siyang panay din ang hila sa akin at ang iba naman ay pati damit ko ay hinihila na din. Kung gaano ko kinakawawa ang hitad nilang boss ay ganoon din nila ako tirahin mula sa likod. I'm sure na may mga galos na ako nito. At habang panay ang laban ko sa kanila, ganoon din kagrabe nila ako labanan. I can feel the sting of pain in my arms and in my back. Dahil na rin siguro sa mga kalmot ng kasabunutan ko at mga alipores niya. Maya-maya lang ay biglang gumaan ang likuran ko. Tila wala ng humihila sa katawan at damit ko. The next thing I felt is an arms around my waist and protecting me from those hands. I can't see him, but I can feel how he wanted to protect me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD