And that day, change us.
We became friends. Naging malapit na ito sa akin at pinaparamdam nitong mahalaga ako.
Gaya na lang ngayon. Nasa sapa kami at nakatampisaw ang aming mga paa sa tubig. Ini-enjoy namin ang malamig na tubig.
"Magtatagal ba kayo dito?" He suddenly asked.
I smiled. "May isang buwan pa naman kami. But some of our friends are going back. May mga biglaang lakad kasi sila with their family. Ako lang ata ang maiiwan at si Charlotte."
"Ganoon ba? Hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo?" Malungkot akong napatingin sa kabilang side ng ilog.
"They know that I am here with Charlotte. Saka busy din naman sila sa business. Kahit nga nasa bahay lang ako--- bihira ko din silang makita. Suwerte ko na lang kapag inuna nila ako kaysa sa trabaho nila. Sanay na akong ganyan sila. Business is way more important to them, than their sick daughter..." mahinang saad ko sa dalawang huling salita na sinabi ko. Sinadya kong hindi nito iyon marinig.
" Anong sabi mo? " Pagpapaulit nito na inilingan ko sabay ngiti.
" Sabi ko---" saad ko at pinisil ang magkabilaan nitong pisngi. Pinanggigilan ko pa nga. "Ang gwapo ng Theriong ko."
"Tsk. Matagal na akong gwapo." Nakasimangot nasabi nito at hinawakan ang dalawa kong kamay para pigilan ito sa panggigigil sa pisngi niya. "Ang fami ngang nagkakandarapa sa kaguwapuhan ko. Tapos ikaw--- ngayon mo lang inamin na naga-gwapuhan ka sa mukha ko. Sakit naman..."
At nagdrama na naman ang Theriong na ito. Habang tumatagal ay nakikilala ko ang ugali nito. He's sweet. He's kind. Maraming good traits ang masasabi mo sa kanya. Never siyang nanghahamak ng tao. Tinutulungan nito ang mga taong nadadaanan nito, lalo na iyong mga may dala-dala. Mabigat man ito o magaan. Basta nadaanan niya--- awtomatikong tutulungan niya ito.
And those hitad girls--- hindi ko pa sila nakikita. Last na pagkikita namin ay noong pinatawag kami sa barangay at nagkausap-usap. Nasa tabi ko si Theriong at hindi niya ako hinayaan. Naging punishment nila ay community services at bawal silang makita sa covered court ng isang buwan. Ang community service nila ay hindi dito sa baryo, kung hindi sa kabilang komunidad.
That's fair enoug for me. Kahit papaano ay hindi ko sila makikita hanggang sa matapos ang bakasyon ko. Walang manggugulo at muling mang aaway sa akin.
"Hey," napaigtad ako nang marahan nitong tapikin ang pisngi ko. "You spaced out. Anong iniisip mo? "
Napailing ako, "wala naman. Naisip ko lang 'yong mga hitad girls."
"Hayaan mo na sila. Deserve nika ang punushment nila. Magaan pa nga iyon kung tutuusin. Sinaktan ka nila nang sobra. See these marks?" Turo nito sa magaling ko ng sugat pero makikita mo ang mga marka nito sa balat ko. Mga sugat na dulot ng mga babaeng iyon. "Huwag kang maaawa sa sinapit nila. They have to pay for what they did. Alam mo namang hindi tinotolerate ng baryo ang physical na p*******t---"
Inilagay ko ang daliri ko sa bibig nito para patigilin. Ang dami na kasi nitong sinabi. Iisa lang naman ang sinabi ko.
" Ang dami mong dada, Theriong. Ssshhh ka na lang, pwede? " Umirap ito na ikinatawa ko. "Ang kyut kyut talaga ng Theriong ko..." sinabayan ko na naman ng pagpisil ng kanyang pisngi. Nakakahiligan ko na ang panggigigil sa pisngi nito. Hindi ko naman siya nakikitaan ng pagtutol. Bagkus, enjoy na enjoy pa ito sa aking ginagawa.
"Just saying..." saad nito at hinawakan na naman ang kamay ko. I don't know, but I feel safe with him. Tila kilala na siya ng sistema ko. Bawat hawak nito ng aking kamay ay kampante ako. "Anong balak mo pagkatapos ng bakasyon mo?"
Binitawan ko ang pisngi nito at nagkibit balikat. "I don't know." I lied.
I have plans after this vacation. No one knows about it. Ako lang ang nakakaalam. Kahit mga magulang at kamag-anak ko ay wala ding alam. It is better that way.
"May ganoon?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Wala ka ng pasok sa school? Trabaho?"
Umiling ako, "we already graduated."
"Graduated?" tumango ako. "Pati si Charlotte?"
Naparoll eyes ako, "alangan namang grumaduate ako tapos hindi si Charlotte? Lutangers ka ba? Siyempre, gagraduate din si Charlotte. Kaklase ko siya, remember?"
Napakamot ito sa kanyang ulo.
"Sorry naman daw." Paghingi nito ng tawad. "Kailan ang graduation niyo?"
"Two days after ng uwi namin galing dito." Sagot ko na ikinalungkot nito. "Why the sad face, Theriong?"
He sighed.
"Iniisip ko pa lang na aalis ka na dito---nalukungkot na ako. Hindi ko alam, pero gusto kong nasa tabi lang kita." Nakatunganga ako sa sinabi niya. Is hefor real? "Gusto ko dito ka na lang. Makasarili man pero gusto kong dito ka na. Huwag ka na umalis sa tabi ko."
"Theriong..." tawag ko sa pangalan nito. That is all I can say after hearing what he was saying.
"Alam ko konting panahon pa lang tayo nagkakasama nang maayos. We used to argue all the time, but those times--- I know that you're not just an ordinary girl for me. Alam kong iba ka sa kanila." Mahabang litanya nito na ikinailing ko.
"Don't..." pabulong kong anas. Ni hindi ko alam kung narinig ba nito ang pagtanggi ko.
"The day I met you?" Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. "I know that you got me. Mas pinili ko lang maging jerk. Natakot kasi akong baka ignorahin mo at hindi pansinin. Alam ko na hindi ka basta basta. Hindi dahil taga- Manila ka, kung hindi dahil naramdaman ko ang katangiang natatangi at naiiba sa mga nakikikala ko. Sorry, but I know you really got me bad."
Tulala na ako nang sobra sa mganaririnig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
" Just don't push me away, Theyang. Hayaan mong iparamdam ko ang nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi ako umaasang ibabalik mo ang nararamdaman ko para sa' yo. Masaya na akong ganito tayo. Masaya at hindi nag-aaway."
Napakagat ako sa pang ibaba kong labi. I have to make him stop. Ipokrita ako kung hindi ko sasabihing attracted ako sa kanya. It's just that, destiny tends to make it fail. Kailangan kong supilin ang nararamdaman kong iyon para sa kanya.
" Theriong..." tawag ko sa pangalan nito at tinitigan ito sa kanyang mga mata. I can see something in his eyes that I cannot name. Halo halo na iyon at ayokong makitang ganito siya. "I told you not to fall in love with me, did I?"
He nodded. "You did, but I failed. Una araw palang ay nakuha mo na ako. Ngayon pa kaya?" Hinalikan nito ang aking kamay. "Hindi ko sinabing mahalin mo ako pabalik. Masaya na akong hinahayaan mo lang akong magalin kita."
"Theriong..." nanghihinang tawag ko sa kanya. "Isang buwan na lang ako dito at hindi na tayo magkikita pang muli. Ang nararamdaman mo sa akin ay infatuation lamang. Panandaliang pagmamahal lang iyan. If I'm gone--- maraming babaeng hahalili sa akin. It's not love at all, Theriong. We just met. Isang buwan pa lang Theriong and it's impossible that you fall for me that hard. Just stop this. " Nakikiusap na ang aking boses.
" I can feel that you like me, Theyang. Ramdam ko iyon sa bawat haplos at titig mo sa akin. Pinipigilan mo lang ang sarili mo." He said, confidently.
Inilapit nito ang mukha nito sa aking mukha. Pinigilan ko ang aking sariling maapektuhan sa ginawa niya.
" I don't like you, Theriong and will never like you, ever. " I lied again, but he didn't buy it.
" Then prove to me that you will never like me, ever. Prove it, Theyang." Nanghahamong saad nito.
At bago pa ako nakahuma ay hinahalikan na niya ako nang banayad at nang aakit. I was stunned. Sa isip ko, nag iisip ako ng dahilan para maitulak ko siya, but deep inside me was liking what he was doing.
And now, I am torn on deciding what to do.
Will I kiss him back or push hin away.
Bahala na si batman...