CHAPTER 20

3803 Words
The party is finally over. We're now headed home with my parent's. Si Lukas hindi ko alam kung nasaan na, bigla nalang itong nawala nung matapos na yung party. Hindi narin ako nag abalang hanapin pa sya dahil napapagod narin ako non. Kyron get my number too before we leave, sabi nya itetext nya daw ako in some other time para makibalita. Napahilot nalang ako ng sentido ko ng maalala yung pag amin nya sakin kanina. Is he really that okay now? I don't think so na he'll be fine in just one snap of a finger after that. Sigurado ako dinadamdam nya parin yon. Hindi narin naman nagtagal nakauwi na kami. Nagpunta na ako sa kwarto ko at hindi naman na ako pinigilan 'don nila mama at papa bagay na pinagpasalamat ko. Gusto ko nalang itulog ang lahat pero I need to update Ellias first before I go to bed. I text him that the party was over and I am in home now. Hindi ko na hinintay ang text galing sa kanya dahil agad narin akong natulog. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to. Ayoko nalang munang pag usapan. Tommorrow morning late na akong nagising. It was past 10 AM. Kaya dali dali na akong naligo at nag asikaso, may klase pa ako mamaya. Humahangos akong bumaba para sana magdaling mag breakfast at Lunch narin kaso napatigil ako sa gitna ng hagdanan namin when I saw Ellias on our sala busy talking to Nanay Flores. Anong ginagawa nya dito? Hindi ko na nacheck ang phone ko kagabi dahil nakatulog na ako. Nagtext ba sya na pupunta sya dito kinabukasan? wala talaga akong maalala. Dahan dahan na akong bumaba doon, Napansin narin ako ni Ellias at agad lumapit sakin para bigyan ako ng isang halik. Namula ako doon dahil kasalukuyang nakatingin si Nanay Flores sa amin. "A..anong ginagawa mo dito?" tanong ko. He is just looking at me while hidding an amused smile on his handsome face. "I already told you ako na ang maghahatid sundo sa'yo this day onward. Nakalimutan mo na?" sagot ni Ellias. Napaisip ako doon at biglang namilog ang mata ko ng mapagtantong sinabi nya nga pala sakin yon nung kelan. But I wasn't expecting him na ngayong araw sya magsisimula. He chuckled when I finally recall that. "We'll eat lunch first, before I drive you to your campus maaga pa naman." Nakatingin sya ngayon sa relos nya. Agad nya naman akong hinila palabas ng hindi man lang nagpapaalam kay Nanay Flores at dali dali nang pinasakay sa itim nyang Moserati. Sya narin ang nagkabit ng seatbelt ko at agad na pinaandar ang kotse. "How's the party last night? you enjoy?" Nasamid ako ng 'di sinasadya doon. I had to look away just to breath para muli syang maharap. "Yeah..It was fun" pagsisinungaling ko. How could I enjoy that party kung may nabusted ako kagabi. Tapos nabubwiset pa ako kay Lukas. He swallowed hard and noded slowly. Nagfocus nalang ngayon sa pagmamaneho. Ilang sandali pa nakarating na kami sa favorite restaurant na pinupuntahan nya dito along Metro. Actually this is my second time here. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa loob ng restaurant mabilis na pumulupot ang kanyang kamay sa aking bewang habang marahan yong hinahagod pababa. Napaigtad ako doon dahil hindi masanay sanay sa haplos nya. I know he is now my Fiancé but we are on a public places. Masyado syang PDA. Lumingon lang sya sakin sandali at mahinang tumawa. Nakaupo na kami ngayon hinihintay nalang ang pagkain na dumating. I noticed his phone vibarate at nakita kong lumabas sa screen na 'yon ang pangalan ni Veronica. Biglang pumait ang timpla ng mukha ko. I know probably it is about work kaya kinumbinsi ko nalang ang sarili ko para hindi na mag isip ng kung ano ano. Tumikhim si Ellias bago tuluyang sinagot ang tawag. "Just a moment" paalam nya. Lumayo sya ng bahagya para ng sa ganon hindi ko marinig. I hissed bitterly. May pag layo ka pang nalalaman Ellias really? bakit ganon ba ka importante ang usapan nyo ni Veronica kaya ayaw mong iparinig sakin? Napairap ako ng wala sa oras. Wala pang isang minuto pinutol nya na ang tawag at bumalik na sa upuan namin, at sakto namang dumating na ang mga pagkain kaya dinaluhan ko na. "It's about our project nasa kalagitnaan na kase kami ng pag iinstall ng mga gamit kaya tumawag sya just to informed me kung anong mga materials ang gagamitin." He licked his lips after saying those words to me. Napataas naman ang isang kilay ko doon. Why he suddenly explaining me this? hiningi ko ba? hindi naman. hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong hiwain 'tong stake bigla dati naman ang dali dali ko lang itong nagagawa. Napansin yon ni Ellias kaya kinuha nya sa kamay ko ang kutsilyo at tinidor na hawak ko at sya na ang humiwa non. Napairap ako sa hangin. Hindi ako galit okay? naasar lang ako. At ewan ko rin kung bakit. "Open your mouth." Kunot noo ko syang binalingan ngayon. Gusto nya akong subuan pero inagaw ko yon mula sa kanya at ako na ang gumawa sa sarili. "Kaya ko naman na." mapait kong turan. He look at me with a confused looks. Tila hindi maintindihan kung bakit naging mainit ang ulo ko sa kanya bigla. Wala naman kase talaga naasar lang ako ng bigla syang lumayo sa tawag ni Veronica. That's all. "You okay? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Napainom ako ng tubig doon. Napatigil din saglit sa pagkain at mahinang napabuntong hininga. Mariin ko na rin syang tiningan ngayon. Really? Ellias hindi mo alam. Binalik kong muli ang atensyon ko sa pagkain binalewala sya. Naasar ako lalo bigla sa kanya hindi ko alam kung bakit. Tapos ngingitian ka pa nya ng ganyan. Kaya nga naasar ako lalo. "Are you jealous?"tanong nya habang Nangingiti na syang parang aso don. Natawa ako ng bahagya. Ako magseselos kanino naman kay Veronica? why would I? Inilapit nya ng husto yung upuan namin ngayon at itinabi na yon sakin. He is now on my left side tila nanakop na ng pwesto. He lift his right arm para maakbayan din ako. Masungit ko na sya ngayong tinitigan. What's his problem? masyado syang malapit sakin nakakairita. "Ellias can you please move away, bakit ka ba lumapit." This time I can feel his nose breathing on top of my left ear. "Because my baby is jealous? kanino ba kay Veronica?" He chuckled. Nahampas ko ang kanang hita nya doon. Naasar na lalo sa kanya. "Bakit naman ako magseselos? May dapat bang ikaselos sa kanya wala naman" I heard his low baritone voice laughing on my ear. Namumula na ako sa inis ngayon. I tried to pinch his arm para tumigil na sya pero nahuli nya ang mga kamay ko at agad pinagsiklop yon. May ibang customer na ngayon ng napatingin sa amin kaya mas lalo akong nahiya. Ang lapit lapit pa nya sa akin. "Ellias ano ba..bitawan mo nga ako nakakahiya ang dami ng tumitingin." Imbes na huminto mas lalo lang syang natawa doon. Ako nalang tuloy yung nahihiya samin. Idinantay nya na ngayon ang ulo nya sa kaliwang balikat ko, marahan yong hinahalik halikan. Napaiwas ako don. Mapungay na ang mga mata nyang tumingin sakin ngayon. "I'll fetch you later after your school. Then I will be visiting our ranch here in Manila and just to try equestrian again. I can teach you how to ride a horse too. Gusto mo bang sumama?" he asked. Namilog ang mata ko sa sinabi nya? May rancho sila dito? Ibig sabihin pati mga alagang kabayo na nandoon sa kanila rin. Na excite ako doon bigla. Naramdaman yon ni Ellias dahil agad akong humarap sa kanya interasado sa mga hilig nya. Noon pa man gustong gusto ko ng makakita ng mga kabayo kaya ganon nalang talaga ang tuwa ko ng sabihin nyang dadalhin nya ako doon at tuturan pang sumakay. "Talaga? Tuturuan mo rin akong sumakay ng kabayo?" Nakahawak na ako ngayon sa magkabilang braso nya habang ang kanyang mga kamay ay kasalukuyan namang naka pirmi sa magkabila kong tagiliran. He's amused on my reaction I can see it through his eyes. He nod happily. "Sige sasama ako." Ngumiti sya doon. Agad narin naman kaming bumalik sa pagkain namin mas binilisan ko na sa pagkakataong yon. I can't wait gusto ko na agad matapos ang klase kahit hindi pa man ako pumapasok. Naihatid na ako ngayon ni Ellias. Nasa loob parin ako ng kotse nya habang nakapark sa likod ng campus ang Moserati nya. Takha ko na sya ngayong tiningnan. "Bakit sa likod ka nagpark? maglalakad pa tuloy ako pupuntang main gate." Naaasar na giit ko. Tumawa lang sya sa gilid ko at nauna ng bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba narin ako bitbit ang bag ko ng mabuksan nya yon. He look at me while he started moistened his lips, hinapit narin ako para mapalapit ako sa kanya. Nagulat ako doon. Buti nalang walang tao dito dahil kung hindi kanina ko pa sya natulak. "Ellias what are you--" I couldn't finish my sentences when he kissed me deeply. Halos magdugo ang mga labi ko sa lalim ng halik nya sakin. Napahawak na ako ngayon sa dibdib nya para doon kumuha ng lakas. Nagtagal yon ng halos dalawang minuto bago nya iyon pakawalan. Hinihingal ko na sya ngayong tinitigan. Mapupula na ngayon ang labi nya mapungay narin ang mga mata. Ang mga kamay nya ngayon, mariing nakahawak sa aking bewang. "That's the reason why i choose to park my car here and not in the main gate, so i can kiss you like this." he explain. Nag init ang mukha ko sa paliwanag nya. This man really? Pinitik ko ng mahina ang matangos nyang ilong para suwayin sya. Nagreklamo sya doon pero hindi ko pinansin. "That hurts! kiss my nose so it can healed." Sinandal nya ako ngayon sa kotse nya habang nagrereklamo na masakit yung ilong nya. Hindi ko na napigilan matawa doon. He is bad actor ni hindi nga malakas ang pagkapitik ko doon panong sasakit. "Stop laughing, you making me fall inlove deeper on you. Damn it!" Mas natawa ako sa argumento nya. Siniksik ko na ngayon ang ulo ko sa kanyang dibdib. I can hear his heart beating so fast. Baka malate ako sa ginagawa namin. He was just stroking my back softly. Kumalma naman na ako kalaunan. But i just want to tease him again before i leave. Hinawakan ko na ngayon ang magkabilang panga nya. Tinitigan nya lang ako ng seryoso. Whenever i try to smile at him sweetly mas nagiging marahas pa ang titig nya sakin. "Pasok na ako Daddy." biro ko. I kissed him once again mabilis lang yon at agad naring tumakbo paikot sa Main gate. Hindi ko na muling nilingon ang reaksyon nya dahil agad agad narin akong pumasok. Maaga pa pala ako ng 15 minutes kaya hindi na rin ako nagmadali. Hindi pa man din ako nakakapasok sa room naramdaman ko ng nag vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Kinuha ko yon at agad tiningnan kung sino ang nag message. It was Ellias. Sya: Stop calling me Daddy will you? Mahina akong natawa doon at agad naring binalik ang phone sa loob ng bag. Tuluyan narin akong nakapasok sa room. I saw Dianne early as expected. Wala narin syang suot na eye glasses ngayon which is i find her more pretty. Napansin nya akong kakapasok lang kaya kinawayan ko sya. Nagulat nalang ako ng ngumiti sya sakin. Pero nagtataka din ako dahil pati ibang kaklase namin napatitingin sakin habang mahinang nagbubulungan. May nagawa ba akong mali? Tumabi na ako ngayon sa kanya. Dianne is look more approachable than before. Napatingin din sya agad sa akin pagka upo ko parang may gustong sabihin. "May problema ba?" I asked. She just cleared her throat and unnoticely roam her eyes in our room. "Our classmates know about you Marina. That you are the long lost Heiress of Andromeda Scapes that's why they look like that." mahina nyang sabi. Oh..Is that a news? Hindi ko alam ganun ba kaimpluwensyang tao nila Mom at Dad. "Ganun ba? may masama ba don?" She shooked her head and giving me assuring smile. "Wala naman, they just think that you are very powerful." I could say hindi na sya katulad ng dati. She is now starting to open herself with me. I guess dahil iyon sa party na naganap kahapon. "Marina..uh..anyway the party last night, did you enjoyed it?" she asked shyly. I appreciate her effort for trying to communicating me despite of her shyness. Eventhough hindi kami nagkausap sa party nila kagabi nararamdaman ko namang tumitingin tingin sya sakin. I smiled at her. "Oo naman nag enjoy ako sa party nyo at gandang ganda ako sayo kagabi you look elegant." I compliment her. Napaiwas sya ng tingin sa akin at bahagyang namula. I am just saying the thruth ang ganda nya talaga kagabi. Maya maya may kung ano syang kinuha sa loob ng bag nya at inabot yon sakin. Nagtaka ako doon. "ahm..that was my kuya's gift. Napansin nya daw kase kahapon na you love sweets kaya pinagbalot ka nya, here." He handed me a box of full of desserts. And I can't deny, it looks delicious. Napaawang ang labi ko. Seryoso ba? Nahihiya ko yong tinanggap kay Dianne. "Salamat, pero sana 'di na nag abala ang kuya mo Dianne nakakahiya." She cutely laught a bit. Speaking of Kyron is he okay? "Anyway how's your kuya? ok naman?" out of nowhere I asked. She looks confused when i said that. Alam ko naman na wala syang alam kung anong ganap kagabi samin ng kuya nya. Wala lang gusto ko lang kumustahin. "He drinks alcohol last night when the party is over. But i guess it's normal he's okay naman." Napalabi ako doon. No Dianne he seems not okay. Hindi sya iinom ng alak kung okay sya. He is in pain alam ko yon. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Hindi na muli dinugtungan ang pagtatanong. Isa pa pumasok narin ang prof namin. Mabagal ang oras para sakin, siguro ganon talaga pag hinihintay mo. Gusto ko na talagang mag uwian. Inaantok na ako sa mga lecture ng mga prof ko. Even si Dianne na nasa gilid ko napapahikab dahil ang boring talaga. I suffered until the last hour of our lecturer. And finally mag uuwian na. I text Ellias silently under my desk. Ako: Ellias, where about to finish. Saan kita hahanapin? then i press send. Bumalik ulit ang tingin ko sa board habang matiyagang naghihintay ng textback mula kay Ellias. Minutes later my phone vibrate. He text me. Sya: Kagaya kanina sa likod. I'm here now. I pursed my lips after reading that. Sakto namang nag ring ang bell kaya napatayo na ako. "Okay class this is for now. Goodbye." Mr. Gonzales said. Nagmadali na akong lumabas ng room at agad na nagpunta sa likod ng Campus. Agad ko rin syang nakita don nakasandal sa hood ng kotse nya habang nakapamulsa. He wave his hand when he saw me walking towards his direction. I give him a smile. Dali dali naman na akong naglakad palapit sa kanya. At ng makalapit kaagad nya na akong pinagbuksan ng pinto ng kotse. "Hop in." Tiningnan ko muna sya ng isang beses bago ako tuluyang pumasok sa loob. It's a bit dark outside mag aalas sais na ng gabi, okay lang kaya na gantong oras kami magpunta? Baka nagpapahinga na ang mga kabayo nila. Pumasok narin sya sa loob at sinimulan ng paandarin ang kotse nya. He wear white T-shirt along with cargo pants and black booths. Halatang pinaghandaan nya talaga ang susuotin nya para sa pagsakay ng kabayo. "Is it okay to ride a horse when I am with my uniform?" Tumingin sya sakin ng may halong ngisi sa labi. "Who said your riding a horse without me?" Naitikom ko ang bibig ko don. Oh okay? akala ko mag isa lang akong sasakay. Sabagay baka mahulog lang ako kung ako lang mag isa. "But Ellias gabi na hindi kaya oras na ng pahinga ng mga kabayo nyo? At isa pa hindi ka ba busy?" He clenched his jaw hearing my sentiments. Hindi naman sa ayaw ko. Mas iniisip ko kase sya. "What do you mean? Ayaw mo? I am not that busy if you were asking. Lagi akong may panahon sa'yo Marina." giit nya. Napayuko ako doon. I feel guilty to be honest. Tama naman sya parang ako lang yung may ayaw. Samantalang kanina excited na excited ako tapos ngayong papunta na kami parang hindi na. Mas binilisan nya na ngayon ang takbo ng kotse nya. Wal ata akong balak pauwin kung magbago man ang isip. Kung kaninang nasa 40kmph lang ngayon nasa 60kmph na. Tinitigan ko sya ulit he looks violent now. Tila hindi nasisiyahan sa mga sinabi ko. Napanguso ako doon. Pinagsiklop ko nalang ang kamay nyang pansamantalang nakahawak sa clutch. Buti nalang hinayaan nya naman akong gawin yon. "Galit ka? Sorry gusto ko naman talagang sumama sa'yo akala ko lang busy ka." pag aalo ko. Humigpit ang hawak nya sa kamay naming magkasiklop at dinala yon sa labi nya. Marahang hinahalikan ang kamay ko. "Just trust me Marina. Hindi kita bibiguin." Namumula na ako ngayong tumingin pabalik sa kanya. His mood now is bright mukhang okay na sya ngayon bagay na pinagpapasalamat ko. I just don't like it when he is mad at me. Natatakot ako sa kanya. Hindi narin naman nagtagal nakarating na kami sa Rancho nila. Malaki yon halos ilang ektarya ang lawak. Akala ko puro building at syudad lang ang meron sa Maynila meron parin palang ganito. Ellias beep his car twice to inform there workers that we are here. Agad naman na may lumabas na trabahante doon at agad ding binuksan yung gate. Ipinasok narin naman ni Ellias ang kotse. Kung kanina namamangha na ako sa lawak ng rancho nila ngayon mas lalo pa akong napapanganga ng may makita ng kabayo. "Ellias look ang dami nila!" Nakasingaw na ako ngayon sa bintana ng kotse ni Ellias kulang na nga lang ilabas ko ang kalahati ng katawan ko doon para makita yung mga kabayo. I heard him chuckled pero hindi ko yon pinansin. Huminto narin ang kotse nya sa harap ng isang Barn House. He swiftly hold my waist firmly. "Baby stop hovering your body outside my car window." He hissed. Natatawa na sya ngayon at agad nya narin naman akong nahila paupong muli sa kotse nya. "Ellias that was a lot? Ang dami nyong kabayo. pwedeng makihinga ng isa gagawin ko lang pet." He was amusedly look at me. Medyo natatawa narin sa request ko. Tinanggal nya na ngayon ang seatbelt ko at marahan akong pinatakan ng isang halik sa labi. "All my property are yours Marina. Hindi mo na kailangan humingi ng isa para gawin mong pet." He chuckled. Napakunot noo ako doon. Hindi ko naman hinihingi ang mga ari-arian nya gusto ko lang talaga ng isang kabayo. Pinitik nya ng mahina ang noo ko ng makitang malalim na ang iniisip ko. Napadaing ako doon. "Aray." reklamo ko habang napapahawak na ngayon sa paniguradong namumula ko ng noo. He just shooked his head at nauna ng lumabas ng kotse. Pinagbuksan akong muli. At ng tuluyan na kaming makalabas sinandal nya akong muli sa kotse nya. "Kunin ko muna si Hener mauna ka na doon sa loob susunod din ako." Akala ko kung sino na yung tinutukoy nyang Hener pangalan pala yon ng kabayo. Tumango nalang ako at aalis na sana sa bisig nya pero hindi nya hinayaan. "Nandon din sa loob si Lukas sa kanya ka muna sumama." dagdag nya. Nandidito din pala yung mahilig sa damo. Nginitian ko nalang si Ellias bago ako tuluyang umalis. Sa paglalakad ko papasok, naabutan ko ngang nandoon si Lukas nagpapaligo ng itim na kabayo. Napatingin sya sa gawi ko pero agad ding binalik ang atensyon sa ginagawa nya. Nilapitan ko sya doon sabi kase ni Ellias dito muna ako sa kanya. "What's bring you here?" he asked. Binalewala sya, tinitigan ko lang yung kabayo dahil namamangha ako. Umismid sya ng mapagtantong wala akong balak sagutin yung tanong nya sakin kaya napabaling ako sa kanya. "Nagsumbong ka na kay kuya?" Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi nya. Adik ba 'to ano namang isusumbong ko sa kuya nya. "gaya ng?" tanong ko. Sinubukan kong hawakan ang ulo ng kabayo hindi naman yon gumalaw kaya natuwa ako. He just rolled his eyes. "Wala, tabi ka nalang d'yan mababasa ka." giit nya. Tumabi naman ako gaya ng utos nya. Binabanlawan nya na yon ngayon gamit ang host. May narinig kaming yapak ng mga paa kaya agad kaming napabaling doon ni Lukas akala kase namin si Ellis pero hindi. Bigla nalang pumait ang itsura ko ng makitang si Veronica yon. Anong ginagawa ng babaeng yan dito? tsaka pano sya nakapasok? pwede ba sya dito? Ngumiti sya ng makalapit samin. I could see her dress na sobrang hapit na hapit sa katawan nya, maiksi din yon kung tutuusin. Mukha syang papasok sa club sa totoo lang. "Where's Ellias, Lukas?" pabebe nyang tanong. Lukas just shrugged his shoulder at pinatay na ang host. "Iwan ko muna kayo saglit kukuha lang ako ng pamunas kay Eros." paalam nya. Hindi nya na kinuha ang apruba namin dahil agad narin syang umalis. Kami nalang naiwan dalawa dito ni Veronica. She was taller than me. Sophisticated din syang mag ayos at mas matured ang katawan keysa sa akin. Her body figure is sexy I could say. Ngayon palang habang iniisip na palagi silang magkasama ni Ellias sa trabaho nanghihina na ako. Hindi ba nabibighani si Ellias dito? maganda si Veronica, makinis at matangkad. "Hey kid! nakita mo si Ellias you know yung may ari ng ranch na to?" Naartehan ako sa paraan ng pagsasalita nya masyadong conyo. Halata mong laking Maynila. Napataas ako ng kilay sa kanya. Do I look like a kid to her? I'm already 19. Naka uniform lang ako ngayon pero hindi na ako bata. "Bakit ba manang? may kailangan ka?" sagot ko. Napasinghal sya doon at inirapan ako. Why? She call me kid I just respect her so i called her Manang. Lumapit na sya sakin nakapameywang. "Ah..I know you ikaw yung laman ng balita ngayon. Daughter of Mr. and Mrs. Andromeda I see.." she paused midways habang ineexamine ako mula ulo pababa. She smirk after. Halos magpuyos ako sa galit doon. "Are you one of a spoiled brat teenager girls na palihim na gustong landiin si Ellias. Oh god! I hate to say this but he's not into young girls so, sorry about that." she spat Natatawa ako sa sarili kong isip. Really Veronica? kawawa ka naman wala kang alam. "Anyway mukha namang wala si Ellias dito, babalik nalang siguro ako bukas. And you Ms. Andromeda right? Just stop your Illusion now hindi kayo bagay ni Ellias hanap ka nalang ng bebe boy mo try Lukas maybe baka patusin ka." natatawa pa. Kanina pa ako naiirita sa babaeng to sa totoo lang. Gusto ko na syang patulan but i guess she's not worth my time. "At sino naman sa tingin mo ang bagay kay Ellias, ikaw?" I smiled to her fakely. "Your not his type sorry." I said too. Ako na ang unanng umalis hindi na tiningnan kung ano man nag reaksiyon nya. Bumalik na ako sa kaninang pinggalingan namin ni Ellias. Agad ko rin naman syang nakita sa loob ng Barn House hawak hawak na ngayon ang puting kabayo. Lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap ng mahigpit. He chuckled when I do that. "You missed me? Let's go sasakay pa tayo kay Hener." Aalis na sana sya ng pigilan ko sya sa paglakad kaya takha nya na akong tiningnan doon. "Why? May problema ba?" he worriedly ask. Tinali nyang muli pansamantala sa kwadra yung kabayo at dinaluhan ako ng yakap. Mas binaon ko nag mukha ko sa dibdib nya. Hindi ko alam gusto kong biglang umiyak. "D..ito muna tayo please..." mahina ko ng sabi. ramdam ko ang pagpayag nya doon dahil tumango sya. Hinahagod nya nalang ngayon ang likod ko para kumalma. I was so sure Veronica likes Ellias. Naiiyak tuloy ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD