bc

LOSTREGO SERIES: Arousing Consequences (TAGALOG)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
6.2K
READ
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
pregnant
drama
sweet
bxg
serious
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Marina Denise is the most destitute and unhappy miserable young lady you could ever think. She has no idea that she is the long-lost heir of the Andrade Scapes.

Imbes na mamuhay sa karangyaan, hirap at pagdurusa ang inabot nya sa ama amahang tinakas sya mula sa tunay nyang mga magulang.

All her life she doesn't know what freedom was.

Nakuha pa syang ibenta ng ama sa isang kilalang club para maging isang bayarang babae.

On her first night as a prostitute, she was unaware that the multi-billionaire Ellias Marco Lostrego, who owns a big shipping firm in the country, went to a club to rent a woman who could satisfy his needs.

She tries to conceal herself on her first night. But Ellias became aware of this new girl and was drawn to her by her languid movements.

Hindi na ito nag atubili at si Marina na ang napili nya para paligayahin ang gabi nya.

Would Ellias believe Marina if she told him she was only a victim of her father's doings? Or he simply ignored it, thinking she was just a cheap woman trying to avoid what was supposed to happen with them?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Pagod akong umuwi sa bahay habang iiniinda ang masakit na paa dahil sa sobrang layo ng nilakad. Nagugutom narin at nauuhaw. Kasalukuyan palang akong nasa hamba ng pintuan ng salubungin na agad ako ng lasing kong ama. "Oh! Nakauwi ka na pala? Nasaan ang pera? Pakibilisan at ibabayad ko kay Aling Marta. Nabubwiset na ako sa matandang 'yon araw araw ako kung singilin sa utang," lasing na utas nya habang nakalahad ang kanang kamay. Hindi ko muna siya sinagot at inuna ko munang intindihing tanggalin ang aking sapatos para ng sa ganon ay makahinga naman ang mga paa ko. Ganito nalang ba palagi? Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob, pera na naman ang ibubungad nya sa'kin. Kung tutuusin siya nga dapat itong gumagawa ng paraan para may pang gastos kami sa araw-araw dahil siya ang ama. Pero ako na ang sumalo at sinakripisyo ang pag aaral sa kolehiyo makapagtrabaho lang para may pang tustos kami sa gastusin sa bahay. Sabagay papano nga naman siya makakahanap ng matinong trabaho kung parati siyang lulong sa alak at sigarilyo. Hindi ko nga rin lubos maisip na simula pagkabata ko hanggang sa legal na edad ko na ‘to. Hindi parin maganda ang turing nya sakin hanggang ngayon. Aakalain mo ngang hindi niya ako tunay na anak dahil parang wala naman syang pakealam sakin. Lumaki rin ako ngayong hindi kilala kung sino ba ang aking Ina. Dahil sa tuwing magtatanong ako ayaw niya namang sabihin dahil namayapa naman na. Matatanggap ko pa sana ang rason nya ngunit miske pangalan ng aking Ina wala syang maibigay. Mabibigat na ngayon ang mga paa kong pumasok sa loob at malalim na napabuntong hininga bago siya tuluyang sinagot. "Pa, sa susunod na linggo pa ang sahod ko, wala akong pera ngayon—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang ibato sakin ang bote ng alak na kaninang nakalagay sa mesa. Kinaigtad ko yon at halos manlamig ang buo kong katawan sa takot. Yung mga tuhod ko parang babagsak ano mang oras mula ngayon dahil sa sobrang panlalambot. Mabuti nalang at nagawa kong makailag kanina dahil kung hindi duguan na ako dito ngayon. Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng titigan ko syang muli. Mababakas mo naman sa madilim nyang ekspresiyon na ubos na ang pasensya nya sakin. "Aba at sumasagot ka na?! Tandaan mo, ako ang nagpalaki sa'yo kaya wala kang karapatang sagut-sagutin ako!" galit na turan ni papa. Mabilis nya rin akong nilapitan at miriing hinigit sa kaliwang braso. Napadaing ako sa sakit at hapdi sa paraan ng pagkakahawak nya doon. "Pa, n-nasasaktan ako." "Wala akong pakealam! Alam mo mabuti pa sumama ka sa'kin. Ibebenta nalang kita kay Minerva ng magkapera naman ako sayo!" Marahas nya ako ngayong kinaladkad palabas. Hindi nya manlang naalala na ipagsuot ako kahit papaano ng tsinelas. Nakayapak ako ngayon sa malamig na kalsada habang hila hila nya. Nagsimula ng tumulo ang mga luhang gusto kong pigilan mula pa kanina. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng mapansing pinagtitinginan na kami ngayon ng mga kapitbahay. Gustuhin ko mang humingi ng tulong sa kanila kaso miske sila takot sa aking ama. Nilalamig narin ako isabay mo pa na wala akong sapin ngayon sa paa. Maputik din ang daang binabaybay namin papunta sa bahay ni Aling Minerva. Kaya nung napadaan si kuya enteng sa isang palikong eskinita. Naghari ang pag-asa sa aking puso na baka matulungan niya ako sa problema ko. Handa ko na sana siyang tawagin upang makahingi ng tulong sa kanya dahil isa syang baranggay tanod. Ngunit nilagpasan nya lang kami na animo’y para bang wala syang nakita. Mas lalong namayani ang galit at takot sa puso ko. Pakiramdam ko wala akong kakampi dito ngayon. Humihikbi akong nagpatiunod sa rahas ng hawak sakin ni papa. Halos limang minuto ang ginawa nyang pagkakakaladkad sakin bago namin narating ang pintuan ng bahay ng matanda. Kilala ito sa bayan bilang isang handler ng mga pokpok. Mas lalo tuloy akong napahagulgol ng mapagtatantong yung kinakatakutan ko dati ay mararanasan ko na ngayon. Noon pa man kahit nasa elementarya palang ako inaalok nya na ang tatay ko na ipagbili ako sa kanya. Hindi lang pumapayag non si papa dahil masyado pa daw akong bata. Ngayong disi nuebe anyos na ako, ipagbibili nya na kaya ako? Ayoko! Gusto kong tumakas pero hindi ko alam kung papaano. Nagpupumiglas ako sa higpit ng hawak niya sakin sinusubukang makawala. Ayoko sa ganto, hindi ako magiging bayarang babae! "Pa, parang awa mo na, ayoko ng ganto. Bukas mabibigyan na kita ng pera pakiusap pakawalan mo na ako ayoko dito," patuloy parin ako sa pagpupumiglas habang may pinapakawalang mahinang hikbi. Pero tila bakal sa tigas ang mga kamay ni Papa walang balak na pakawalan ‘yon. "Minerva! Lumabas ka d'yan may maganda akong balita!" sigaw niya habang walang tigil na pinagpapalo ang pinto. "Teka...sandali papunta na!" Pagkabukas ng pinto hinigit nya akong muli at iniharap na ginang. Naiiling akong bumaling sa ama ko habang umiiyak. Ayoko, Diyos ko! tulungan niyo ako. "Marina?" mababakasan mo ng gulat na may halong tuwa ang pagkakabanggit nya sa pangalan ko. "Oo, ibebenta ko na sa'yo tangina! Wala na akong mahuthot na pera dito. Gaya ng dati. Isang daang libong piso cash. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin d'yan tutal wala naman akong pakealam." sabay ng pagtulak niya sakin papunta sa matanda. Halos masubsob ako sa harap sa paraan ng pagtulak niya sakin. Kung hindi lang ako napahawak sa pader hindi pa ako makakahanap ng balanse. Masama ko ng binalingan ng tingin si papa habang marahan na hinahaplos ang aking palapulsuhan. "Sa wakas nagkaroon karin ng bayag Erwin! Bakot ngayon lang? Tagal na kitang ino-offeran. Gandang bata neto tiba-tiba ako sayo Hija!" masayang aniya ng matanda. Nagpupuyos ako sa galit. Nananakit na rin ang dibdib ko sa mga emosyong gusto kong ilabas pero hindi ko magawa mga hayop sila! Wala silang kaluluwa. "Sandali at kukunin ko muna ang 'tseke hawakan mo muna yang anak mo baka makatakas," Agad agad naman akong hinablot ni Papa sa balikat animo'y walang balak pakawalan. "P*ta? Akala ko ba cash? Ba't tseke ang ibibigay mo sakin Minerva!?" "T*ngna ka! Huwag ka ng magreklamo. Naubusan ako ng cash ngayon kaya pumunta ka nalang sa bangko bukas." Pagod na ang mga mata ko habang nakatulalang pinagmamasdan ang mga naglalakihang puno sa kalsada. Matapos nilang ma i-settle ang mga bagay na dapat nilang ayusin patungkol sa pagbebenta sa akin. Kaagad na kaming tumulak ni Aling Minerva patungo sa club na pinagtatrabahuhan niya. Hindi naman ‘yon ganon kalayo dahil nadadaanan ko iyon sa tuwing papasok ako sa trabaho. Kahit papaano ipinagpapasalamat ko nalang ngayon na nakasakay kami sa kotse niya dahil wala na akong lakas para maglakad pa kung nagkataon. Alas onse y media ng makarating kami sa isang kilalang exclusive night club dito sa lugar ng Santa Valencia. Kumakalam na ang sikmura ko dahil wala pa akong kain kanina pa. Idagdag mo pa na tuyong tuyo na ang lalamunan ko dahil sa pag iyak. "Baba na Marina! Huwag mo ng antaying kaladkarin pa kita d'yan palabas." striktong utos nya. Kumilos naman na ako kaagad at bumaba na sa sinasakyan namin. Unang apak ko palang sa malamig na sementadong daan natakot na ako agad sa mga posibleng mangyari sa'kin. Totoo ba 'to? hindi ba ako binabangungot? Tumakbo nalang kayo ako? Ngunit wala na akong lakas para tumakas. Paniguradong mahuhuli at mahuhuli nya lang rin ako kung nagkataon. Isa pa pag nangyari yon baka mas lalo lang akong magdusa. Kung ganon ano? Tatanggapin ko nalang lahat ng 'to. "Bilis! Napakabagal!" Napakagat ako ng labi sa biglaang pagsigaw nya. Nagmadali nalang din akong sumunod sa kanya. Doon kami mismo sa likod dumaan netong club para wala masyadong tao. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa loob. Malakas na musika na agad ang iindayog sa tenga mo. It was dark and secretive. Maninibago ka sa loob dahil meron iyong stage at dance floor. May screening room at doon banda sa dulo ang smoking area. Hindi rin mawawala ang gilded bar na may iba't ibang klase ng alak. Kung tutuusin marami ka pang makikita sa loob ngunit mas nahagip ng atensyon ko ang mga naghahalikan sa kanya kanya nilang lounge. Napaiwas tuloy ako ng tingin at mas lalong hindi naging komportable sa lugar na 'to. Halo halo narin ang amoy ng alak at sigarilyo kaya masakit sa ilong. Napabaling din ang mga mata ko isang sa maliit na entablo. May isang babae doon na sumasayaw ng sensual sa gitna. Nakahubad at tila nagpapaligaya ng mga kalalakihan. Nangilabot ako sa nakita. Ayoko sa mga ganitong lugar pakiramdam ko hindi ako nababagay. Hinila akong muli ni Aling Minerva at ipinasok sa isang private room. Marami pa akong nakitang ka edadan kong babaeng nandoon. Ang iba mas matanda sakin ng ilang taon at meron din namang mas bata. They're all dressed in different shades of sexy mini skirt dresses and high stiletos. At lahat sila nagpapakita ng kani-kanilang balat. Naka ayos din ang kanilang mga buhok at mapupula din ang mga labi. Halos hapit na hapit din sa kurba ng kanilang dibdib sa suot nilang tube top. Sa ganyang ayos nagmumukha silang mumurahin. Pumalakpak ng tatlong beses si Aling Minerva para makuha ang atensyon ng mga babaeng nandodoon. "Girls! May bago kayong kasamahan. Si Marina turuan nyo nalang ng mga dapat gawin ayusan nyo mula sa tamang pag suot ng damit at pag gamit ng make up at kung ano ano pa. Start na ng gabi nyan dito. Balita ko bibisita mamaya yung VIP guest natin kaya magmadali na kayo meron pa kayong isang oras para mag ayos. Sabihan nyo rin tong bago nyong kasamahan kung ano ang mga bawal sa club na 'to naintindihan?" nilingon nya akong muli at ibinalik din kalunan sa mga kasamahan. Tumango ang ilan habang ang iba walang pakealam. "Sagot!" sipat nya. Agad agad namang sumagot ang mga ito. Nabigla siguro sa biglang pagtaas ng boses ng matanda. "Opo!" Halos sabay sabay nilang sabi. Napayuko nalang ako habang hawak ang magkabila kong kamay at marahang pinipisil iyon. "Yan matuto kayong sumagot sa mas nakakaganda sa inyo mga ingrata!" bulyaw niyang muli bago ako tuluyang iniwan. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Bakit ba napakamalas ko? Hindi ko na nga nalaman kung sino ang nanay ko ipinagbili pa ako ng tatay ko anong klaseng magulang ang ihahamak ang anak. Napapunas ako sa sarili kong luha ng may isang babaeng tumapik sa akin sa bandang likod tila nang-aalo. "Alam kong mahirap sa umpisa pero makakayan mo rin pag nagatagal. Ako nga pala si Jessica, Marina right?" palakaibigang turan nya. Nag angat ako ng tingin. I can sense that she is about my age or something younger than me I guess.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook