Nakaramdam ako ng awa hindi lang sa kanya kundi pati narin sa sarili ko. Hindi ko lubos maisip na may mas ipapait pa pala ang buhay ko dito.
Pilit akong ngumiti at tumango. "Yes, my name is Marina." maikli kong tugon.
Aabutin palang sana ni Jessica ang kanang kamay ko para sana pormal na makipagkilala ng biglang mabaling ang atensyon namin sa mga kasamahang malakas na tumili.
Mahahalat mo sa mga boses nila na excited sila sa mga mangyayari bagay pinagtaka ko.
May dapat bang Ika-excite sa ganitong sitwasyon?
"Oh my god! Bibisita mamaya si Ellias sana ako ang mapili!" napahampas pa sya sa kanyang kinauupuan habang kinikilig.
Agad namang sumama nag timpla ng kausap nya.
"Gaga! Hindi ka pipiliin non ‘di ka na fresh ang dami ng tumatable sa'yo remember? Baka ako ay pupwede pa. Tutal bibihira lang nila ako ilabas.” pagmamalaki nito.
Napairap ito ng bahagya sa hangin bago sagutin ang kausap.
"Boba! Hindi ka rin pipiliin ni Ellias ayaw ‘non sa mga babaeng boring sa kama." pang iinsulto niya.
I feel lost after hearing their gossip.
Ano ba ang pinag uusapan nila?
Lito akong tumingin ngayon kay Jessica.
She is now busy examining me. Nagtataka siguro kung bakit ako nakapaa.
Napatingin din ako doon saglit. Madumi nga iyon dahil puno ito ng putik dahil sa ginawang pangangaladkad sakin ni papa kanina.
Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya naman pilit kong itinatago sa kanya ang maduming paa.
Hindi pa man ako nakakabawi sa hiyang nararamdaman. Nagulat nalang ng bigla nya akong hawakan at higitin sa kamay.
"Kumain ka na ba? Kain ka kaya muna pakiramdam ko nagugutom ka na. Papaliwanag ko din naman sa’yo kung bakit ganyan sila makapag react. May isang oras pa naman tayo. Ano tara! Maraming pagkain doon sa loob,"
I don't know what to feel actually. I admit, there are a lot of people na merong masamang balak sa akin kagaya ng ama ko at ni Aling Minerva. Pero kahit papaano may mabubuti parin. Kahit sa ganito man lang gusto ko paring magpasalamat.
Hinila niya na ako ngayon papasok sa isang maliit na kwarto dito sa loob ng private room. At tama nga siya mayroong maliit na pantry dito at sapat na pagkain.
Nagawa niya pa akong ipaghila ng upuan at inayang maupo sa pang-apatang lamesa. Ipinaghanda niya din ako ng makakain.
She is nice actually.
"Kanin gusto mo? Kumain ka ng kumain mahaba pa naman ang gabi natin kaya magpakabusog ka," she said, while busy minding my food. "Kain ka na masarap yan.”
Hindi naman na ako nag atubili pa at agad naring kumain dahil kanina pa rin naman ako nagugutom. Halos wala pang limang minuto naubos ko na kaagad ang inihanda nyang pagkain sakin. Bigla tuloy akong dinapuan ng hiya dahil napakabilis ko iyong naubos.
Ano ng mangyayari sakin ngayon?
Magsisimula na ba ang pagtatrabaho ko sa gabing ito?
Bigla akong nanlumo habang iniisip yon. Hindi pa ako handa sa gantong uri ng pangyayari sa buhay ko. Kahit kailan hindi ko ito pinangarap.
Hinintay nya lang akong matapos inumin ang tubig bago sya nagsimulang magsalita.
"Kagaya ng sabi ko kanina kung nagtataka ka kung bakit parang masaya pa sila Lily at Jen. Kase yung VIP guest na pupunta dito mamaya ay kilalang tao. He is a Billionaire so, meaning may pera may datung kaya tiba tiba talaga pag napili ka niyan kase malaki daw magbigay ng tip. Atsaka hello! Anak kaya siya ng may ari ng pinakamalaking shipping firm dito sa bansa. Si Ellias Marco Lostrego ‘di mo ba kilala?"
Umiling ako.
Even his name hindi pamilyar sakin.
"Hindi e."
Napasampal nalang sya sa lamesa habang mahinang tumatawa.
"Seryoso ka? Bakit hindi mo kilala? Hindi ka ba nanood ng balita sa telebisyon lagi kaya silang laman?”
Yumuko ako at sandaling napakagat ng labi.
"Wala kase kaming T.V." nahihiyang utas ko sabay baba ng tingin.
Pagkain nga sa araw araw hirap kami. Kaya hindi na sumagi sa isip ko ang pagbili ng T.V. Isa pa nakikikabit lang kami ng kuryente kaya kailangan din na magtipid. Kung tutuusin nga sa bisyo palang ni papa ubos na agad ang perang kinikita ko sa pagtatrabaho.
Saglit akong nag angat ng tingin kay Jessica ng hindi sya magsalita.
Nakitaan ko ng awa at lungkot ang kanyang matang bumaling sa akin. Baka hindi niya siguro inaasahan na wala kaming ganon.
"Ganun ba, pasensya ka na sa mga nasabi ko.” paghingi niya ng paumanhin.
Natawa ako ng bahagya sa naging reaksiyon niya. Kaya pansamantala kong hinawakan ang kamay nya para aluhin.
“Ano ka ba okay lang.” I assure her.
Nagbalik na ngayon sa sigla ang mata niya at marahang pinisil pisil ang mga daliri ko sa kamay.
“Pero mabalik tayo. Si Ellias ang tinatanong mo diba?”
Tumango ako bilang pagsagot.
“Kung ako ang tatanungin mo patungkol diyan. Isang beses ko palang naman siyang nakikita dito sa totoo lang. Pero jusko napakagwapo. Mayaman na ang bango bango pa. Kaya lang I find him very brutal. He's aura is so intimidating. Imagined nasa kabila na siyang room non tapos kaming mga Prosti syempre nasa kabilang kwarto. Halos isang malaking glass window lang yung pagitan namin pero the way he stares at us. Grabe Marina! Ikaw na lang ang manghihina."
Napalunok ng mariin matapos iyong sabihin sa akin ni Jessica.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdam sa lalaking dinedescribe niya sa akin. Should I be scared too? Just like them? Ngunit parang 'di naman sila natatakot. Excited pa nga ang iba.
Gusto ko rin malungkot sa sinabi niya. She really address themselves as a prostitute. Dapat ba akong malungkot sa sarili. Dahil ngayon isa na ako doon.
Out of nowhere I ask question.
"Papaano kapag ikaw ang napili? I mean oo may mangyayari. Pero kumusta naman yung babae? Okay naman ba siya? Nakabalik pa ba dito?" kuryoso kong tanong.
Medyo ikinatawa niya yon.
Syempre kuryoso ako wala pa naman kase akong karanasan. Gusto ko lang naman malaman kung matapos ba nilang gawin iyon sa isa’t isa okay pa ba yung babae.
Hindi naman ako ganon kainosente. Pero hindi naman ako masyadong maalam sa ganitong bagay dahil hindi ko pa naman nararanasan.
Wala namang masama sa pagtatanong diba?
"Ano ka ba! Syempre naman buhay pa,” matawa tawang sabi nya. “Si Daniela kase yun napili nya nung araw na ‘yon. Pero wala siya ngayon dito kase maaga na siyang tinable kanina pa. Kung nagtataka ka naman kung bakit? Siya kase ang pinaka highest paid prostitute dito samin as of now. Maganda kase makinis at matangkad kaya siguro napili ni Ellias.”
Para naman akong nakahinga ng maluwag sa mga nalaman. Sa tingin ko naman wala akong pag asang mapili nya mamaya. Hindi ako ganon kakinis hindi rin ganon katangkad. At mas lalong ‘di rin ganon kaganda kaya kampante akong ligtas ako mamaya.
Tinapik nya na ako ngayon kaya napabalik ang atensyon ko sa kaniya.
"Wala ka ng tanong? Ayusan na kita." pagmungkahi niya.
Tumango nalang ako dahil wala naman na akong tanong.
At isa pa wala narin naman akong magagawa dahil nandidito na ‘to. Bahala na kung anong mangyari sakin mamaya. Nawalan narin naman ako ng lakas para makapag isip pa ng kung ano ano.
Tinuro na ni Jessica sakin kung nasaan banda ang banyo. Naisipan ko muna kaseng maghalf bath dahil sobrang nanlalagkit na ako. Isabay mo pa na sobran dumi ng aking paa.
Naging mabilis lang din naman ang paghihilamos ko at hindi narin ako nagtagal dahil may hinahabol kaming oras.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng banyo nakaabang na agad sakin si Jessica sa hamba ng pintuan. Dali dali niya rin akong iginiya paupo sa isang maliit na upuan para masimulan nya ng ayusan.
Kung ano anong kolorete ang pinaglalagay niya sa mukha ko kaya bahagya akong nanapapangiwi dahil hindi ako sanay.
Sinabihan nya rin akong magpalit na ng damit na gaya ng sa kanila kaya kahit na labag sa loob ko na suotin iyon wala akong magagawa dahil kailangan.
It was a pleated reddish mini skirt dress with black sequined on the top of it. Bukod sa napaka ikli halos kita na ang hinaharap ko sa damit na 'to. This is my first time wearing a very revealing clothes in my entire life. Idagdag mo pa na medyo mataas na stilletos ang iponasuot nya sakin. Mas lalong hindi ako sanay nahihirapan akong maglakad.
Naiilang akong tumingin kay Jessica. Mababakas mo naman sa kaniyang mga mata ang pagkamangha.
"Oh my god! Girl, you’re stunning. Bagay na bagay sa'yo ang red maputi ka kase," inikot nya ako ng isang beses at mariing kinakabisado ang hulma ko.
Maganda rin naman si Jessica kung tutuusin. Makinis din ang kaniyang mga balat.
Pero ng makita ko ang sarili sa ganitong ayos ngayon. Pinamulahan ako bigla ng mukha. I look so matured and illegal right now. Yung edad ko parang mas nadagdagan pa ng ilang taon.
I don't like it.
I really look like a cheap woman wearing this kind of outfit. Hindi ako kumportable at nahihirapan ako.
Napatingin tuloy samin ang iba naming kasamahan dahil sa sinabi ni Jessica. Mababakas mong may halong inis ang bawat titig nila ngayon sakin.
Tumikhim ako ng isang beses at binalewala nalang iyon.
Hinila niya akong muli at pinaupo sa tapat ng isang salamin.
Panay baba ako sa suot kong skirt mas umikli yon ng umupo ako. Kulang nalang kase makikita na ang panty ko kapag hindi ko iyon inayos.
She is now holding a red lipstick.
"Jessica, huwag mo na akong lagyan niyan okay na to." protesta ko.
I was the only person in the room dressed entirely in red. Habang sila iba’t iba ang mga kulay ng damit. Masyadong kapansin pansin ang kulay ng sa akin.
Hindi ko alam kung sinadya ba 'to ni Jessica o ito nalang ang natitirang damit dito.
"Ano ka ba huli na ito. Huwag ka na malikot sige ka baka lumagpas." hinawakan niya na ngayon ang pisngi ko para hindi ako gumalaw.
Nagpaubaya nalang ako sa ginawa niya para matapos na ang lahat.
At ng matapos sa ginagawa hinarap nya akong muli sa salaming nandidito sa private room.
"Gandang babae mo Marina! Look at yourself. Ganda pa ng hubog ng katawan mo. Mukhang mapipili ka ni Ellias mamaya"
Kumabog ang dibdib ko bigla.
Hangga't maari ayokong mapili. Ayokong makipag talik hindi pa ako handa. Nangaki ako sa sarili na ibibigay ko lang ito sa lalaking papakasalan ko pero sa lagay ko ngayon mukhang malabo ng mangyari 'yon.
Gustong gusto kong tumakas pero para magawa yon. Isa lang ang nakikita kong paraan kailangang may maglabas sakin dito.
Kailangan kong may mag table sakin para makalabas sa impyernong lugar na ito.