Suddenly I found hope thinking na kapag napili ako nung VIP guest mamaya. May posibilidad na makatakas ako. Kaso kung mapipili nya ako kailangan ko s'yang paligayahin bagay na ayokong gawin.
Ang hirap naman hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napatingin ako sa itaas ng pinto para tingnan ang oras.
Kaunting minuto nalang tatawagin na kami papuntang VIP Lounge. Nagsimula ng lumamig ang mga palad ko dahil sa kaba. Mabilis narin ang pintig ng aking puso at pinagpapawisan narin ng malamig.
Ginala ko ang mata ko sa loob ng kwartong ‘to. Ang iba sa amin ay busy sa pag aayos. Ang iba naiidlip sa gilid nirereserba siguro ang enerhiya para mamaya. Habang si Jessica na katabi kong nakaupo ay tahimik.
Medyo malalim ngayon ang iniisip nya. Ayaw ko sanang istorbohin pero naalala ko hindi ko pa pala alam kung ano ang pinagbabawal sa club na ‘to.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap sya. Bahagya ko ring kinalabit para mapunta ang atensyon sa akin.
"Jessica ano nga pala yung bawal gawin sa club? Hindi mo pa nasasabi sakin,” mahina kong sabi.
Napabaling naman sya sa direksyon ko.
"Huh? Ah...oo ano sa club,” napahinto siya saglit sa pagsasalita at umayos na ng upo.
“Ahm…bawal tumakas ganon. Sa oras kase na tumakas ka papatayin ka daw e. Hindi ko pa naman nasubukan at wala naman akong balak tumakas. At isa pa wala naman akong pamilyang matatakbuhan kaya mas okay na ako dito may tirahan may pagkain."
Saglit akong napalunok sa sinabi nya.
Ganon ba ka impluwensyang tao ni Aling Minerva para hanapin ako kung sakaling tumakas man ako dito? Ipaahanap nya ba ako at ipapapatay? Nagdalawang isip na tuloy ako kung tatakas pa ba ako.
Pero tulad ko wala din naman akong pamilyang matatakbuhan pero gusto kong tumakas dito. Gusto kong mamuhay ng malaya ng ako lang yung walang pumipigil walang kumokontrol.
Nalungkot akong isipin na parang sumuko na si Jessica sa laban ng buhay niya at tinanggap nalang na hanggang dito nalang s'ya. Malaki ang mundo hindi pupwedeng ikulong n'ya nalang ang sarili n'ya dito habang buhay.
Bumalik ako sa kaninang inuupuan ko sa tabi nya.
"Jessica hindi mo ba naisipang tumakas kahit dati pa? Alam mo kase pwede kang maghanap ng ibang trabaho hindi dito—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit.
Bagay na kinagulat ko dahil para bang na offend ko siya ng wala sa oras.
"Hindi ako nakapag aral Marina. Grade 2 lang ang natapos ko. Ano namang trabaho ang maghihintay sakin kung saka sakaling tumakas nga ako dito? At tsaka bakit may balak ka bang tumakas?"
Medyo napalakas ang huling pagkakasabi niya kaya nagtinginan ang iba naming kasamahan.
Ang iba inignora lang ang narinig. May napapailing din at meron ding nakialam.
Napalunok ako ng mariin.
"Kung gusto mong 'di na sikatan ng araw bukas. Sige lang tumakas ka. Tutal wala namang pumipigil sa'yo. Huwag mo ng idamay si Jessica sa mga kahibangan mo stupid!" sabi ng isang babaeng nasa harap ng salamin 'di kalayuan sa pwesto namin.
Napayuko nalang ako sa pagkapahiya. Hindi ko naman hinihikayat si Jessica. Gusto ko lang naman siyang bigyan ng pag-asa.
Alam ko din naman sa sarili na miserable na ang buhay ko noon pa man.
Isa pa sariling laban ko naman ito hindi na kailangan mandamay pa ako ng iba.
Akala ko maiinis rin sa akin Jessica sa mga pinagsasabi ko. Nagulat nalang ako ng hawakan nya ngayon ang nanlalamig kong kamay at inaalo.
"Pasensya ka na kay Ashley. Ganyan talaga yan masakit magsalita. One time kase yung kaibigan nya dito sinubukan ding tumakas kaso ‘di pa man nakakalayo ibinalita nalang samin ni Aling Minerva na patay na daw binaril. Kaya ganyan nalang sya kung maka react. Pasensya ka na talaga." tinitigan nya saglit ang banda nila Ashley at ibinalik muli sakin ang tingin.
I squeezed her hand to assure her that its okay. Mali naman talaga ako.
"Sorry din, hindi ako nag iisip sa mga pwedeng mangyari." Paghingi ko ng paumanhin.
Ayoko sanang manghimasok but it is concerning me at some point.
"Pero naniniwala ba kayo kay Aling Minerva ng sabihin niyang patay na ang kaibigan ni Ashley? May nakita ba kayong bangkay?" halos bulong na sabi ko sinisigurado na walang ibang makakarinig.
Umiling lang si Jessica bagay na kinalito ko.
My mind right now are creating theories in my head.
Kung hindi nila nakita ang bangkay. May posibilidad na nagsisinungaling si Aling Minerva para lang siguro takutin ang mga nagbabalak pang tumakas. Right?
Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon.
Dahil kung totoong patay na ang kaibigan ni Ashley. Tapos hindi naman pala nila nakita ang bangkay tas sasabihan ako ni Aling Minerva ng ganon. Hindi siguro ako agad maniniwala. Mas gugustuhin kong makita ang bangkay ng kaibigan ko kung totoo man ang mga pinag sasabi niya.
It doesn't make sense at all.
Bakit ang bilis nilang maniwala?
Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag iisip ng biglang kalampagin ng matanda ang pinto ng kwartong 'to.
"Girl's labas na! Pumunta na kayo sa VIP Lounge nandoon na si Ellias. Galingan niyo naman lumandi para mapansin at mapili kayo. Dios mio!"
Iniwan niya rin kaming muli matapos niyang sabihin iyon.
Narinig ko ang hagikhikan ng mga kasamahan ko sa kwartong ito. Halos karamihan sa kanila mababahidan mo ng pagkatuwa sa sinabi ni Aling Minerva.
Kanya kanyang ayos din silang ayos ng katawan habang excited na lumabas.
Naduwag ako bigla.
"Marina tara na." aya ni Jessica.
Nauna na sya sakin sa paglalakad. Naiwan ako sa loob at sandaling hindi makagalaw mula sa kinatatayuan. Parang ayaw ng mga paa kong humakbang ngayon.
Naiiyak nalang ako bigla at naawa sa sarili. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa loob bago ako sumunod palabas ng may bigat sa dibdib.
Isang maliit na kwarto ang pinasukan namin. Una kong napansin ang malaking glass window na naghahati sa dalawang kwarto.
Our room seems to have a very bright atmosphere. Habang sa kabila sobrang dilim. Kung tutuusin dito lang sa pwesto ko ang medyo hindi natatamaan ng liwanag dahil nasa bandang dulo ako.
Dahil ako ang huling pumasok mas napagtanto kong mas ligtas ako dito sa dulo para hindi mapansin.
Nakahilera na kami ngayong nakatayo habang nakaharap sa malaking glass window.
Tanging pagyuko lang ang nagagawa ko sa pwesto ko habang yakap yakap ang sarili.
Narinig kong kausap ni Aling Minerva ang body guard nung VIP guest sa kabila.
Kaya napaangat ako ng tingin.
I started to scan their room. It was big and luxurious. Knowing that there were only four people inside.
Kasama na 'don yung sinasabi nilang si Ellias at ang tatlo n'yang naglalakihang body guard. In terms of room designs they already have neatly decorated, high quality furnishings and plush attached amenities.
Kumpara sa kwarto namin na parang apartment na walang laman.
Pero imbes na doon ako mag focus. Nalihis ang atensyon ko sa isang lalaking naka upo sa gitna ng couch. His aura is screaming of vigor tugma sa sinabi sakin kanina ni Jessica. The aquiline nose he's imposing is complemented by his prominent cheekbones. His intensely grey-steel eyes are very attractive too. Having thick black eyebrows is also a perfection. He also has black, thick, lustrous hair.
He is handsome in an understated way. His basalt jaw and spartan shoulders speak of strength. It looks like God sculpted him for years to be this perfect.
I am amazed at how my mind describes this man.
He's like so much power held just sitting there right in front of us.
I was thinking that way then suddenly my heart skipped a beat. Tinitigan ko lang naman siya and nothing else but my body is giving me new feelings that I’ve never been experience before.
Umiwas ako ng tingin saglit at bahagyang inayos ang pagbaba ng skirt pero agad ding nagbalik ng tingin sa kanya.
I was busy checking him when his eyes accidentally met mine. Namilog ang mata ko doon hindi alam kung anong gagawin.
Yumuko nalang tuloy ako ng wala sa oras. Dahil sa biglang pagkabog ng dibdib.
Kinabahan ako bigla sa mariing titig niya sa akin.
Inayos kong muli nang maikli kong damit at patuloy iyon na ibinababa. I suddenly feel uncomfortable.
Nagtama lang naman ang mata namin iyon lang naman pero iba ang hatid non sakin.
I cought once. Para malihis ang nasa isip.
He was just sitting there like a king. His arm was crossed across his chest and he didn't show any emotion when he looked at us.
Minutes late. He suddenly stood up in his seat and started to buttoning his suit.
Mukhang may napili na ata.
Nawala siya saglit sa kabilang kwarto ngunit ilang segundo lang ang lumipas nagulat nalang kami ng bigla siyang pumasok sa kwarto namin.
Napabaling ako saglit sa direksyon niya ngunit iniwas din kalaunan bago pa magtama ulit ang aming mata.
He is too much for me.
Halos lahat samin napapasinghap nung naglakad na siya papasok.
He was tall. A six foot taller perhaps.
All through out I was fidgeting my fingers while looking down. Ayoko siyang tingnan natatakot ako sa kanya.
He started to walk and stop in front of me.
What the heck?
"Your new here?" he asked.
Standing tall right in front of me nasukat kong hanggang balikat nya lang ako.
Nanlamig ako bigla at tila nanigas sa kinatatayuan dahil hindi alam ang gagawin.
My eyes now are becoming uneasy hindi na alam kung saan pa titingin.
He was talking to me right? Ako lang naman ang bago dito.
I intentionally bit my tongue. Pinipigilan ang pagmura.
He lift my chin.
Kinabahan ako doon.
Our eyes met again. I could not contain his gaze. The way he looks at me gives me chills all over my body and it bothered me for some reason. Hindi ko alam kung bakit ganon kaya pinili ko nalang na umiwas.
"Y..yes sir." tipid kong sagot.
Looking back at the ground.
I was aware that he was going to touch me again based on how he lifted his fingers.
Sinubukan niya pang hawakan ang dulong bahagi ng buhok ko kaya napaiwas ako. Gulat sa ginawa nya.
He chuckled.
"Follow me. I want you to be my woman for this night." he playfully said, then left.
I was shocked.
Hindi halos maproseso ang lahat. Bakit ako?
Anong nakita niya sakin?