CHAPTER 4

1639 Words
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Halos hindi ko matanggap ang lahat. Bakit ako? Dahil ba bago ako? Is he finding me interesting? Sobrang bigat ng dibdib ko sa totoo lang. Unti unti ng lumabas ang iba kong kasamahan habang may binubulong silang hindi ko naman halos marinig Lumapit na sakin si Jessica na may pag aalala. "Marina okay ka lang? Namumutla ka." Gusto ko mang sagutin si Jessica ngunit hindi ko na yon nagawa. Dahil humahangos ng lumapit sa pwesto ko si Aling Minerva at bigla nalang akong hinigit para makayakap. "Swerte ka talaga Hija! Tiba-tiba na naman ako sa'yo! Galingan mo ha? Paligayahin mo yan para bumalik ulit dito." hinihila nya na ako ngayon para sundan yung Ellias. Nahagip ng tingin ko si Jessica na may bakas parin ng pag aalala. Bago kami lumabas. Nagsimula naring lumabo ang mga mata ko sa nagbabadyang pagluha. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa totoo lang. Naiiyak ako natatakot kinakabahan at naduduwag. Pwede pa bang umatras? Hanggang ngayon hati parin ang isip ko kung tatakas ba ako ngayong gabi o hindi. Kahit papano may kaba parin sa puso ko sa pwedeng mangyari sa'kin pag ginawa ko 'yon. Wala namang mawawala saking kung susubukan ko diba? I guess this night is the right time to escape. I'm still on my outfit ng lumabas akong akay akay ni Aling Minerva. Iba ang pagkakahawak n'ya sakin ngayon malambotb tila nang aalo at para bang isa akong babasaging kristal na ingat na ingat niya. Magkano ba ang binayad sa'yo nung Ellias. Nabawi mo na ba ang puhunan mo saking binigay mo sa ama ko? Ibang klase. Iba talaga ang nagagawa ng pera sa isang tao. Nang makalabas kami sa exit nitong club. Nakit kong sumakay si Ellias sa isang itim na Moserati kasama ang isang body guard at nauna ng umalis. Wala pang isang minuto may sumulpot naman ang itim na SUV sa harap namin. Tinapik ako ni Aling Minerva kaya napabaling ako sa kanya. Naasar ako sa pagmumukha nya napaka plastic. "Galingan mo ah malaki siningil ko d'yan kaya ayokong mapahiya." bulong nito. Iniwas ko ang tenga ko sa kanya bahagya ding lumayo dahil naiinis lang ako ng husto. Lumabas naman ang isang body guard sa SUV at umikot para pag buksan ako ng pintuan ng kotse. Dali dali na akong pumasok ng hindi man lang muling nilingon ang matanda. Medyo nagulat lang ako ng pagpasok ko hindi lang isa ang kasama ko sa loob lima kami. Isa na don ang driver. Ang dalawa mistulang body guard ni Ellias habang yung isa hindi ko kilala. Hindi ko na rin naman na inintindi kung sino pa yon. May mas malalim pa akong suliranin kesa intindihin pa kung sino yung isang kasama namin. Hindi rin nagtagal nagsimula ng umandar ang kotse habang sinusundan ang naunang sasakyan kung saan nakasakay si Ellias. Nilibot ko ang mga mata sa loob at wala ni isang nagsasalita halos lahat sila diretso ang tingin sa kalsada. Mabuti narin 'yon hindi ako maiilang ng husto. Nahihiya na nga ako sa suot ko ngayon e kaya mas mabuting sa kalsada nalang nila ituon ang pansin nila at hindi sakin. Kailangan ko ng makapag isip ng plano kung pano ako makakatakas mamaya. Tulala akong nakatingin lang sa labas pero wala talagang pumapasok na ideya sa utak ko kung ano ang gagawin ko. Lumipas ang halos sampung minuto nakarating na kami sa dapat na puntahan. Huminto ito sa isang mamahaling hotel bagay na pinapangarap ko lang mapuntahan dati. Natatawa nalang ako sa sarili ng maisip na ma-a-achieve ko naman pala ang pangarap ko na iyon pero hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan. Naalerto nalang ako ng magsimula silang magsipagbabaan palabas ng kotse kaya sumunod nalang din ako. Laking gulat ko ng paglabas ko doon nakaabang sa harap si Ellias tila galit ang ekspresyon. Bakit may nagawa ba akong mali? Napasuklay nalang tuloy ako sa mahaba kong buhok dahil ‘di alam kung ano ang gagawin. Kung nakakamatay lang ang titig nya malamang kanina pa ako pinaglalamayan. At sa totoo lang hindi ako kumportable sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin. Tumikhim sya at biglang umiwas ng tingin. Sinumulan nya na ring hubarin ang kaninang suot nyang black suit. Kaya pinagtakhan ko iyon. Bigla syang lumapit sakin kaya napatras ako ng ilang hakbang dahil sa kanyang ginawa. He groaned again. Tuluyan ng naubusan ng pasensya sa'kin. Pinagkrus ko ang magkabila kong braso sa harap ng aking dibdib. At nung makalapit siya nilagay nya sa balikat ko ang suit na suot nya kanina. His calloused hand accidentally touch my skin. Napasighap ako ng hindi sinasadya dahil sa ginawa nya. He clear his throat too bago nagsalita. "Wear this. Papasok tayo ng hotel hindi magandang makita ka na ganyan ang suot." Inayos nya rin ang pagkakalagay non sa balat ko kaya napayuko nalang ako ng di oras. Eh bakit nya kase ako dito dinala pwede namang sa pipitsuging motel kung parausan lang naman ang hanap niya. He signal his body guard na umalis at mawala sa paningin nya. Sinunod naman yon ng tatlo maliban lang doon sa isa. Doon na ako sinimulang kabahan. Pakiramdam ko hindi parin ako ligtas habang may isang lalaking nagmamasid sakin at kinakabisado ang mga galaw ko sa di kalayuan. Hindi kaya tauhan yan ni Aling Minerva para siguraduhin na hindi ako makakatakas? Napakagat labi ako sa naisip. Kung ganon nga ibig sabihin totoo yung kwento ni Jessica na papatayin talaga nila ang sino mag balak tumakas. Kinilabutan ako sa mga napagtanto. Kaya ikinalingon 'yon sakin saglit ni Ellias. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan sa paraan ng titig nya sakin. Para kase itong nanghahamon inaano ko ba sya? kanina pa yan. Medyo napatili pa ako ng higitin niya sa bewang. His body touch my skin and right there I can smell a little bit of liquor on his body. Probably he drink some earlier. Napahawak tuloy ako sa kamay nyang nasa bewang ko at pilit inaalis iyon. Wala naman masyadong tao dito dahil madaling araw naman na pero hindi parin ako kumportable lalo na at wala namang gumagawa sakin neto siya palang. His face is stoic hindi mo mababahiran ng pagbibiro. Galit akong napabaling sa kanya hindi natutuwa sa inasta nya ngayon lang. His breathing is now on my left ear. Kaya hindi na ako muling gumalaw dahil pag humarap pa ako sa kanya mararamdaman ko na ang kanyang labi. He is now grinning. Imbes na luwagan nya yon mas higpitan nya pa lalo ang pagkakahawak doon. Mas inilapit pa ang katawan namin at hinanap ang tenga ko para bumulong. "You are mine tonight, so you have no right to disobey me. Hindi pa nga ta'yo nagsisimula pasaway ka na." he said. Umiinit ang mukha ko at iniwas nalang ang tingin. Ginapangan ako ng kaba pero saglit lang yon. Hindi ko rin alam pero imbes na matakot ako sa mga sinabi nya. May kung ano pa akong kiliting naramdaman sa loob ko. Nanuyo din bigla ang lalamunan ko at pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko sa higpit ng hawak nya sakin. Nagpaubaya nalang at sumunod sa kanya sa paglalakad. Nakapasok na kami sa loob at biglang nahiya sa ayos ko ngayon parang mas gugustuhin nalang lumabas muli. "Just sit here for a while." bilin nya. Naiwan ako saglit sa hotel Lounge habang sya nandon sa receptionist kinukuha ang key cards ng hotel room na inukupa nya para ngayong gabi. Habang busy sya doon inilibot ko naman ang mga mata ko at inaral kong mabuti kung saan ang mga exits ng first floor ng hotel na 'to. Nagbabakasali na kung makatakas man ako madali nalang sakin kung saan ako magtutungo para makalabas. I was busy examining this floor ng biglang may mainit na kamay ang sumakop sa balikat ko. "Let's go" malamig nyang sabi. Nauna na sya sa paglalakad patungong elevator kaya sumunod nalang rin ako. Madilim ang aura nya ngayon at napansin ko ding niluwagan nya ang pagkakatali sa neck tie na suot nya. He suddenly looks irratated right now. May nagawa na naman ba akong mali? Hindi ko naman sya sinaway umupo lang ako doon. Mabilis na ngayon ang mga hakbang nya kaya halos hindi ko maabutan. Nahihirapan din kase ako sa suot kong heels tapos ang bilis bilis nya pa kung maglakad. Nakarating na siya sa tapat ng elavator naghihintay na bumukas yon. Napabaling sya sakin saglit. Galit na naman ang ekspresyon. Pagka dating ko doon sakto namang bumukas na ang elevator. May naabutan pa kaming tatlong binatilyo doon sa loob. Papasok na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat para pigilan. Takha ko syang nilingon. His eyes are now in stern look. Nakatitig lang sya doon sa tatlo. Nagpaunahan naman silang lumabas bago kami tuluyang pumasok. He pressed 12th floor mukhang nandoon ang kwartong inukupa nya. I was holding myself in the corner while he was on his phone right now. Is he texting? Baka girlfriend nya o asawa. Tinatanong na siguro kung nasan sya. Is he cheating? Pumait ang itsura ko doon. A man like him is undeniably sought after by a lot of women. Even I put myself on her girlfriend shoe hindi ako mapapanatag sa tuwing lalabas 'tong lalaking to. Tumingin nalang ako sa kung saan at hindi na sya inintindi. Hindi rin naman nagtagal nakarating na kami sa tamang floor ng unit nya. Nauna na sya sa akin. Lito man sa mga nangyayari nakasunod lang ako sa kaniyang likod hanggang sa makarating kami sa kwartong inukupa nya. Nang makapasok dali dali nya ng tinggal ang relos at nilagay ito pansamantala sa bed table. Sinumulan nya naring itiklop ang mangas ng suot nyang polo habang nakatingin sakin at kinakabisado ako. Nanunuyo na ang lalamunan ko sa paraan ng pagtingin nya sakin. Bigla ring uminit ang lagay ng kwartong to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD