Hindi maganda ang pakiramdam ko kinaumagahan.
Sumasakit ng husto ang lahat ng parte ng katawan ko dahil sa ginawa namin ni Ellias kahapon.
He called me last night.
Sabi nya papatulugin nya ako ng maaga pero hindi naman. We were talking on the phone until past 3 AM.
Ako nalang ang sumuko at tuluyan ng nakaidlip.
Medyo nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. I was expecting na si Nanay Flores yon pero nagkamali ako. I heard my mom voice.
"Hija, You have visitor downstaire bumaba ka na dyan."
I jumped a bit. Sinong bibisita sakin ng gantong kaaga? Is it Ellias?
Napabangon ako ng wala sa oras at agad agad na nagpunta sa banyo para maghilamos.
He didn't update me or text me na pupunta sya dito sa amin. Kumunot ang noo ko don nag iisip ng malalim wala kase talaga akong maalala na pupunta sya dito samin.
Is it surprise visit?
He is my fiance now right.
Namula ako doon sa naisip.
Napatingin din sa salamin ng banyo ko tinitingnan ang sariling repleksyon. I look like a zombie now. Ang laki laki ng eyebags ko yung buhok ko parang pugad ng ibon sa sobrang gulo.
Bakit ba kase ang aga nyang pumunta wala ba syang pasok sa trabaho? Lagi nga iyong busy.
Nagmadali na ako sa pag aayos sa sarili ko. Nagpalit nalang din ako ng pambahay na damit at nag ayos ng buhok at tuluyan ng bumaba papuntang Sala.
I was looking for Ellias but I couldn't find him.
I almost 15 minutes preparing in my room.
Umalis na ba?
Tuluyan na akong nakababa hinanap sya pero wala talaga, may naririnig akong tawanan banda sa kusina.
Kaya dahan dahan akong lumapit doon. Nakita ko si Nanay Flores na mahinang tumatawa habang may kausap, kasama nya ngayon ang isang lalaking hindi ko mamukhaan dahil kasalukuyan iyong nakatalikod sa akin.
Napansin ako ni Nanay Flores na nakatayo sa gilid ng counter table.
"Oh, Hijo nandidito na pala yung inaantay mo. Marina bisita mo si Kyron."
Tuluyan ng humarap sa pagkakatalikod si Kyron Villavicente. He greeted me with a smile.
He is now wearing gym outfit mukhang katatapos lang mag ehersisyo tapos dito ang sunod na tungo.
He look fit actually.
Pero takha ko syang tiningnan bakit sya nandito? Anong meron.
"Hi! Goodmorning. I'm sorry masyado akong maaga naistorbo pa ata kita sa tulog mo" Napakamot sya ngayon ng batok nya habang humihingi sakin ng dispensa.
Lumayo sya ng bahagya sa pinaglulutuan ni Nanay dahil tumatalsik yon.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Ahm...yeah goodmorning too. Ano nga palang sadya mo bakit ang aga mo ngayon? Mamaya pa yung party nyo diba?" sabi ko.
I signal him to follow me para doon nalang kami sa Sala mag usap. Baka kase mausukan lang sya dito sa kusina.
Sumunod naman sya sakin kalaunan, nauna na akong naupo sa isa sa mga couch namin at ganun din sya.
I thought Ellias would be my visitor pero nabigo ako doon. He's busy kaya bakit naman pupunta ng ganito kaaga yon dito.
I wasn't expecting na si Kyron ngayon ang bisita ko. This is our second time we met.
"I'll drop this off here. Galing kase akong gym tapos naalala kong malapit lang din pala ang Mansion nyo kaya pinuntahan ko na para ibigay yan." Inabot nya sakin ngayon ang isang maliit na box.
Tinanggap ko yon at ng mabuksan napanganga ako sa nakita. It was diamond gold earings.
Why is he giving me this? Ang mahal nito.
Gulat akong tumingin sa kanya. Is he serious bakit nya ako bibigyan neto? Nababaliw na ba sya.
I licked my lips when I came back to my senses at binalik ko yon muli sa kanya.
Natatawa na sya ng bahagya pero hindi parin iyon kinukuha.
"Kyron, hindi ko yan matatanggap. Isa pa bakit mo ko bibigyan ng ganyang kamahal na regalo." sabi ko.
I see his eyes flinch in a seconds.
Nakatingin sya ngayon sa kaliwa kong kamay kung nasaan ang bigay ni Ellias na engagement ring.
Kinabahan ako doon. Hindi pa ina annouce nila Mama at Tita Alaina ang patungkol dito.
Pero hindi ko naman itatago kung sakaling may magtanong. Medyo hindi palang ako komportableng pag usapan dahil bago pa sa akin ang lahat.
Napakagat labi nalang ako, dahan dahang tinago sa ilalam ng unan yung kaliwang kamay ko.
Tumikhim sya saglit. Bagay na kinalingon ko sa kanya.
"Hindi ito sakin galing Marina. It was my mom Idea na bigyan ang lahat ng babaeng dadalo sa party mamaya. I also give one to your Mom at nagustuhan nya yon. Actually I have a lot of them in my car may pagbibigyan pang iba."
Napahiya ako doon. I just thought this is his idea but I was wrong. Medyo nakonsensya din ng bahagya dahil najudge ko sya in some reason.
Ofcourse sino ba naman ang hindi mag iisip ng kakaiba when a guy give those things to you.
Naisip ko nga kanina na baka may balak syang ligawan ako e. But it was just thoughts on my mind.
At tsaka see...hindi naman naging assuming lang talaga ako.
Nag aalangan syang ibalik ulit sakin yon. Tinanggihan ko ba naman kanina e.
"Ayaw mo ba? It's okay my mom would understa--" I couldn't finish his sentences ng bigla ko ng hablutin yon sa kanya.
He just chuckled on my action.
Napangiti din ako doon.
Who would dare to reject this precious gift. Syempre wala kanina lang yon pero madali naman mag bago ang isip ko.
Natawa ako ng bahagya sa sarili ko. Nakakahiya ano bang pinaggagawa mo Marina.
"Anyway I have to go. Marami pa akong bibisitahing bahay. See you on party tonight Marina." Tumayo na sya ngayon handa ng lumabas.
"Hatid na kita sa labas." I suggest.
He just nod.
Nauna na sakin. Dala dala ko yung bigay nya hanggang makalabas kami ng gate. He parked it outside.
Pumasok narin sya ngayon sa Itim na Sedan. Binaba saglit ang windshield.
"Una na ako." sabi nya.
Ngumiti nalang ako at kinawayan sya paalis.
Nang mawala na sya sa paningin ko dali dali akong bumalik papasok sa loob.
Nakakahiya!
Naabutan ko si Nanay Flores na naghahanda na ng almusal sa lamesa. Nandoon narin sila Mom at Dad.
Naupo na ako doon at sinimulan ng paghandaan ng pagkain ni Nanay.
Dad was busy reading newspaper while sipping on his coffee.
"Hija, expect to have media outside the entrance hall of their welcome party later. Alaina said Villavicente invite them also pero hindi sila makakadalong mag asawa. Baka makita mo doon mamaya si Ellias at Lukas."
Napatango nalang ako doon. Hindi yon nasabi sakin ni Ellias. Late ba silang inimbita kaya hindi nya nasabi sakin.
Nauna na akong matapos sa pagkain hindi naman na ako kinuwestyon din nila Mama.
Humahangos akong umakyat sa aking silid para itext o tawagan si Ellias.
Ako:
You didn't tell me na aattend ka rin pala mamaya sa Welcome Party ng mga Villavicente.
Then i pressed send.
minutes later nakatanggap ako kaagad ng text galing sa kanya. Kaagad ko na naman yong binuksan.
Ellias:
Can i call?
Napasinghap ako sandali. Hindi pa naman natatapos ang isang minuto umilaw na ang screen ng cellphone ko at lumabas ang pangalan nya doon.
Agad ko rin naman na yong sinagot.
"Hello" bati ko.
Maingay sa kabilang linya mukhang nasa labas sya, may naririnig din kase akong busina ng kotse.
"Did you sleep well?" bungad nya.
Is he driving? bakit pa sya tumawag kung nagmamaneho sya mamaya maaksidente pa sya sa ginagawa.
"Are you driving Ellias?"
"Yes." giit nya.
I sighed. Gusto ng ibaba ang tawag para makapag focus sya sa pagmamaneho.
"About your text. Hindi ako makakadalo mamaya may pupuntahan akong importanteng proyekto kaya si Lukas lang ang makakapunta" He explained.
Nalungkot ako ng bagya sa sinabi nya. Akala ko pa man din makikita ko sya doon mamaya hindi rin pala.
Anyway nandon naman si Lukas atleast may kilala na ako.
"Ganun ba. Mag iingat ka kung ganon."
I heard his heavy breath on the line. May gusto pa atang sabihin.
"Hindi mo ba tatanungin kung sino ang kasama ko sa proyekto?" He asked.
Napakunot noo ako. Kahit naman ata tanungin ko hindi ko rin yon kilala.
"Bakit sino bang kasama mo?"
Nawala na ang ingay sa kabilang linya mukhang kakaparked nya lang din sa kung saan.
"Si Veronica." maikli nyang sabi.
Oh.
The girl we quarrel last week.
It's okay trabaho naman yan right?
It was a awkward silence for us, for about a minute bago sya nagsalitang muli.
"You okay with that?"
Napanguso ako doon.
"It's work Ellias wala naman akong magagawa kahit hindi ko gusto. Isa I trust you" Humiga na akong muli sa kama ko nakatingin nalang ngayon sa kisame ng kwarto ko.
I heard him groaned.
"I can cancel this project para makasama ka mamaya gusto mo ba?"
Napabangon ako sa sinabi nya. Kahit kailan wala akong intensyon na pagbawalan sya sa ganon.
"Ellias huwag na hindi naman kailangan. Mas importante yan. Isa pa sabi mo andon naman si Lukas sya nalang ang kakausapin ko doon."
He let out a big sighed.
"I miss you" bigla nyang sabi
Natawa ako saglit. Halos magkasama kami buong araw kahapon namimiss nya pa ako.
"Magdamag tayong magkasama kahapon Ellias, baka nakakalimutan mo"
Hinaplos ko ang labi ko dahil nangingiti na naman ako dito.
"I know, but i still miss you." giit nya.
Narinig ko na sa kabilang linya na tinatawag na ang pangalan nya, mukhang kailangan na sya doon.
"Sige na Ellias hinanap ka na. Text nalang kita mamaya" pagpapa alam ko.
"I love you." out of nowhere he said.
Nabigla ako doon hindi alam kung anong sasabihin. He is first time saying those words to me. Iba pala sa pakiramdam. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog non.
Numula din kalaunan at ilang segundong hindi nakasagot.
Tumikhim ako at nilipat sa kabilang tenga ang cellphone bago nagsalita.
"Mahal din kita Ellias."
I heard him chuckled.
nagpaalam narin ito bago tuluyang pinatay ang tawag.
Nagpagulong gulong ako sa kama ko dahil sa sobrang kilig.
Mabilis naubos ang oras. Papunta na kami ngayon sa Mansion ng mga Villavicente.
Nabriefing na din ako nila Mama na wag daw akong sasagot pag nagtanong ang mga reporter's sa akin kung sino ako. Sila na daw ang bahalang magpaliwanag doon.
Tumango nalang ako doon dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot kung tutuusin.
Medyo may kalayuan ang lugar kung saan gaganapin ang Welcome Party nila Kyron.
We are now wearing clothes we buy, last week sa botique kung saan kami unang nagkita ni Kyron.
Hindi narin naman na nagtagal nakarating na kami sa venue.
Pagka park na pagkapark palang ng kotse namin. Dinagsa na kami ng mga reporter's. Buti nalang at alerto ang mga body guards namin kaya nakalabas din kami ng kotse ng maayos.
We are now heading inside. Kung hindi lang kami pinipigilan ng mga reporter's malamang kanina pa kami nakapasok.
"Mrs. Andromeda may i asked sino yang babaeng kasama nyo ngayon?" pagtatanong nung isa.
Nasisilaw na ako sa maya't mayang pag flash ng camera sa mukha ko, halos hindi yon matapos tapos.
Huminto si Mama saglit sa paglalakad at tumingin sa reporter sinagot ang tanong na yon.
kinabahan ako bigla. I know magiging news to kinabukasan.
"She is my daughter and we happily announce that she is coming back to us now. "
Iginaya na ni papa si mama para makapasok sa loob matapos nya yong sabihin.
Mababakas mong nagulat sila doon sa nalaman.
Mas lalo pa silang naging agresibo at sunod ng sunod sa amin.
"Mrs. Andromeda How can you find her?"
"What is her name Madam?
"Is she taking over your company business now?
Tuloy tuloy ang pagtatanong nila ang iba halos dumugin pa kami sa harap.
Pinrotektahan kami ng mga body guard namin at matiwasay naman na nakapasok.
Pagkapasok mo palang mamangha ka na sa ganda ng loob.
This is my first time attending in this kind of event. Ganto pala ang itsura non.
It was huge traditional cozy banquet hall. The them of their designed is mixed with ancestral and modern look.
It was so elegant to imagined.
The red carpet on the middle is very noticable, the big screen placed on top of the stage is flashing Kyron name on it. Wala pa ang parents nya dahil hindi pa naman nagsisimula.
Halos lahat din ng bisita na nandirito magagara ang suot at mababakas mong galing sila sa mararangyang pamilya. May ibang napabaling sa gawi namin pero agad ding bumalik sa kanya kanya nilang usapan.
My mom and Dad are greeting their friends and business partners. Pansamantalang humiwalay saglit sakin.
Hinahanap ko sa loob si Lukas ngunit mukhang wala pa sya dito sa loob baka hindi pa dumadating. Bitbit ko ngayon ang regalo ng pamilya ko para kay kyron. Nagpaalam muna ako kila Mom and Dad na aalis muna at hahanapin lang si Kyron para maibigay to.
Pinayagan naman nila ako kaya agad narin akong naglibot.
Hindi naman na nagtagal nahanap na sya ng mata ko. He is now talking to some elderly.
Lalapit na sana ako ng mahagip nya ako ng tingin. I wave at him and smile.
He look handsome on that neat black suit attires he wores. His physique is evident too with that outfit. He is sexy in his own way.
He excuse himself first, bago lumapit sakin.
Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na kabisaduhin ang mukha nya.
I suddenly notice now that his eyes are very expressive even he is not talking, his eyes tells you something. He has also a prominent nose which is I find him more masculine. His lips is thin but it was natural reddish. He has also thick eyebrows and strong basalt jaw.
He is attractive I could say but Ellias is still caught my heart.
He smile at me and that is leaving me great impression of him. Ang ganda nyang ngumiti mas lalo syangg gumagwapo.
"Hi!" he said.
Nilahad nya ang kamay nya sakin parang nagpapakilala ulit. Kumunot ang noo ko doon.
Anong trip nya ba't nakikipag kamay ulit sa akin.
He chuckled when I don't accept his hand. Kaya sya na mismo ang kumuha ng kamay ko at kinamayan nya yon.
"I'm glad you came Marina. Nice to meet you." binitawan nya na ngayon ang kamay ko matapos nyang sabihin iyon.
Natatawa ko syang binalingan ng tingin.
"Napano ka ba't biglang ganyan pakikitungo mo sa akin."
He just shake his head at iginiya na ako sa mas pribadong lugar.
"Wala naman. Masama bang makipagkilala ulit."
Napunta kami sa garden area nila. Walang tao doon kami lang kaya mas makakapag usap kami ng matino.
oo nga pala, bago ko makalimutan inabot ko na sa kanya ngayon ang regalo na binili ni Mama para sa kanya.
"Here, congrats nga pala. You are now took your company business matters."
Napangisi sya doon. He took my gift out of my hand medyo nagtagal ang kamay nya doon na nakahawak sa kamay ko.
"Salamat, pero hindi ka na sana nag abala. Sapat na sakin ang presensya mo dito Marina." makahulugan nya yong sabi habang mariing nakatitig sa akin.
Parang biglang may nagbara sa lalamunan ko kaya hindi ako makalunok ng maayos.
Agad na ibinaba ang kanang kamay ko at iniligay iyon sa likuran ko.
Napatingin narin sa kung saan saan, medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya sakin.
It was soft and deep. Malambot yon pero ikaw nalang yung malulunod sa kanyang titig parang may gustong sabihin alam mo yon.
Napatikhim ako at ibinalik sa kanya ang tingin.
May gusto ba sya sakin?
Natawa ako sa bigla kong naisip. Paano naman e hindi nya pa naman ako nakikila ng masyado at isa pa. I already Engaged.
So, kung hindi pa ako engaged may pag asa sya ganon? I shook my head minding that thought.
"ahm...hindi ka pa ba babalik doon baka hinahanap ka na ng iba. Yan lang naman ang sadya ko mabigay ko sa'yo yang regalo tapos babalik narin ako kila Mama."
May iilang tao na kase akong nakikita na parang gusto syang lapitan hindi lang magawa dahil kausap pa ako.
"It's okay hindi pa naman nagsisimula. How about ilibot muna kita dito sa Mansion?" he suggest.
He lend his right hand to me. Inaasahan na kukunin ko yon.
Sabagay hindi pa naman nagsisimula wala namang mawawala kung sasama muna ako sa kanya pansamantala.
Kukunin ko na sana ang kamay nyang nakalahad ng biglang may mainit na kamay ang humigit sa akin.
Nagulat kaming pareho ni Kyron doon.
"Lukas anong ginagawa mo dito?" Kyron asked.
Napalingon tuloy ako sa likod ko. Si Lukas nga nandidito na pala sya.
"Bakit? Hindi ba pwede invited naman ako. Hindi na ba?" mahahaluan mo ng pang iinsulto yung boses na ginamit doon ni Lukas.
He is now looking at Kyron with a cold stare.
Habang may ngisi na ngayon sa mga labi.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" bulong ko sa kanya.
Napalingon sya sa gawi ko at pinagtaasan ako ng isang kilay.
He lean on me. Hinanap ang tenga ko at bumulong.
"Pinapabantayan ka" he whispered.
Kumunot ang noo ko sino naman nagsabi? Si Ellias? Napanguso ako habang di makapaniwalang tumitig sa kanya.
"Bakit naman?"
He just shrugged his shoulder. Ayaw akong sagutin.
"Let's go. Bud! una na kami congrats sa party mo."
Iyon na ang huling salita ni Lukas bago nya ako tuluyang hinila papasok ulit sa loob.
Nilingunan ko si Kyron ngayon. He is now look irritated right now. Pano ba namang hindi eh siraulo si Lukas.
Binitawan nya lang ako ng makita na ang parents ko sa di kalayuan pero may kausap pa ito kaya huminto muna kami saglit.
I just feel to tease Lukas, wala akong magawa e.
Kinalabit ko sya kaya napabaling sya sakin.
"Balita ko hindi ka daw makontak ng Mama mo bakit ka ngayon nagpakita dito? gusto mo sumbong kita." pananakot ko.
He just hissed.
"So childish."
I heard his response. Napataas ako ng kilay sa kanya. Hindi kaya.
Im just teasing him. Ang sungit naman.
"Next time if that boy approaches you again asahan mo ng makikialam ako. "
Tatanungin ko sana kung bakit ng bigla nyang ipakita sakin ang text sa kanya ni Ellias.
Ellias:
IF THAT BOY APPROACHING MY FIANCE AND YOU DON'T DOING ANYTHING. I WILL FREEZE YOUR BANK ACCOUNT AND TELL TO MOM WHERE THE HELL ARE YOU. UNDERSTAND LUKAS!
okay love you bro.
After reading those text. Matawa tawa ko syang tiningnan.
So he is blackmail by his own brother kawawa naman.