CHAPTER 13

2766 Words
Maaga akong gumising kinabukasan. Naisipan kong maghatid ng early lunch kay Ellias. Peace offering narin sa mga maling nasabi ko kahapon. Tutal hindi ko rin naman sya pwedeng puntahan 'don sa opisina nya ng saktong lunch break dahil may pasok pa ako. Busy kaming naglalagay ni nanay flores ng mga pagkain sa tupperware. "Ang dami naman nito Hija, sino bang pagbibigyan mo?" tanong ni nanay habang tinutulungan ako. Maaga palang sinabihan ko na si nanay na kung maaari tulungan nya ako sa pagluluto kaya medyo napabilis din ang gawain ko kanina. Hindi naman na sya nagtanong kung para saan. Nakaligo at nakabihis narin ako ready narin sa pagpasok para mamaya. Alas dies na ng umaga ng matapos kami ni nanay sa pagluluto. "Hahatid ko lang po sa boyfriend ko." Gulat akong tiningnan ni nanay 'don, hindi siguro inaasahan na may boyfriend na ako. kahit ako hindi makapaniwalang nasabi ko yon kahapon, pero hindi naman ako nagsisisi. "Kelan pa? at tsaka alam ba 'to ng parents mo?" medyo may pag aalalang tanong ni nanay. Napakagat labi ako doon. Hindi ko pa nasasabi kila mama at papa dahil hindi ko naman sila naaabutan, pero kung may pagkakataon sasabihin ko naman. Siguro naman hindi sila against sa mga Lostrego, tutal tinulungan naman ni Tita Alaina sila Mommy para mahanap ako. I hope so. Binalingan ko ulit si nanay at tsaka ngumiti bago sya sinagot. "Kahapon lang po nay, at hindi pa po alam nila Mama" medyo nahihiya kong sabi. Nangingiti narin si nanay flores sakin, sinusundot pa ang tagiliran ko para asarin. "Dalaga ka na talaga. Teka sino ang boyfriend mo hija?" pagtatanong ni nanay. Namula naman ako sa tanong nya. Imposibleng di nya makilala si Ellias. Kilala ang pamilya nila sa buong bansa. "Si Ellias Lostrego po" nahihiya kong sabi. inaasahan ko ng tatawanan ako ni nanay dahil alam kong di sya maniniwala. Imagined si Ellias yon. Isa pang Lostrego. Yumuko na ako handa na sa halakhak nya pero wala akong narinig na tawa imbes... Napapalakpak sa tuwa si nanay, bagay na kinagulat ko na magiging reaksyon nya. "Naku! Mabait yang bata na yan Hija! medyo ingat ingat ka lang sa mga nalilink sa kanya madami kasing mayayamang pamilya ang gustong ipagkasundo ang anak nila sa mga Lostrego. Mabuti naunahan mo." Napataas ako ng isang kilay 'don. Tama naman si nanay sa gagandang lalaki ba naman nila imposibleng walang pamilyang magkandarapa para lang ipagkasundo ang mga anak nila sa mga Lostrego. Si Lukas nga pinagkasundo e. Si Ellias pa kaya. Medyo nalungkot ako sa naisip. Pano kung may ipagkasundo sa kanya, iiwan nya kaya ako? "Ayos na ang lahat Hija, tulungan na kitang bitbitin to papasok sa kotse." Nabalik naman ako sa reyalidad ng nauna ng umalis si nanay flores sa kusina. Dala dala nya na ngayon ang dalawang malaking paper bag na ang laman ay iba't ibang uri ng ulam na may kasamang dessert may iniwan din akong note doon. Agad narin naman akong sumunod palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ang kompanya nila Ellias pero ng sabihin kong balak kong pumunta sa Lostrego Shippin Firm, alam na daw yon ni kuya Gibo. Bagay na pinagpasalamat ko. Halos kinse minutos na kaming bumabyahe pamilyar din sakin ang daan, pabalik balik ba naman si Ellias kahapon dito e. Pero nangangamba ako ngayon sa suot ko. "Kuya Gibo, pwede bang pumasok don ang mga naka uniform pang eskwela?" pagtatanong ko. Kinakabahan kase ako baka hindi ako papasukin. natawa naman si Kuya Gibo sa sinabi ko. "Usually maam, hindi talaga pero anak naman ho kayo nila Mam at Sir Andrade. Baka po papasukin din kayo." Yun na nga ang problema e, hindi pa naman nilalabas sa media nila mama ang tungkol sakin, sabi kase ni papa tsaka na daw pag nasettled na ang lahat, hindi ko lang alam kung kelan 'yon. Napayuko nalang ako. Wala din akong number ni Ellias pano ko sya tatawagan para kumpirmahin na kilala nya nga ako. Ilang minuto pa ang lumipas inihininto na ni kuya Gibo ang kotse sa harap ng napakataas na building at sa itaas non nakasulat ang LOSTREGO SHIPPING FIRM. Namangha ako sa gara ng desenyo ng building nila, Inilibot narin ako ng mga magulang ko sa kompanya namin pero ibang iba yon. Ito mababakas mong pinag isipang mabuti ang arkitektura ng disenyo ang samin puro glass. Ito rin pala yung lagi mong tanaw sa tuwing bumabyahe kami patungong school. Kanila pala to. "Dito na po tayo maam." Napatango nalang ako sa sinabi ni Kuya Gibo. Bumaba na ako sa kotse namin bitbit ang dalawang paper bag. Pagtapak na pagtapak ko palang may mga empleyado ng kuryoso akong tinitingnan. Nagtataka siguro kung bakit may estudyanteng papasok sa building na'to. bigla tuloy akong kinabahan dapat pala hindi ako naka uniform pag pupunta dito. Nakakahiya. Nandyan kaya si Ellias? Baka nakakadisturbo ako Tuesday pa naman ngayon. Sabagay pag hindi ako nakapasok papaiwan ko nalang tong pagkain tas lalabas na ako. "Maam, hinatayin nalang kita dito?" biglang tanong ni Kuya Gibo na syang kinalingon ko. "Opo saglit lang din naman po ako" sabi ko. Pumasok na ako sa loob kahit na may iilang napapatingin sakin. Nagtataka siguro ba't may estudyante. Binalewala ko nalang ang mga tininginan nila at nagpunta na ako kaagad sa front desk. Malawak ang groud floor ng building nila, may malaki ding Lounge sa gitna, siguro para sa mga nag aantay. High tech din ang halos lahat ng makikita mo sa loob. "Ahm..ate nandyan po ba si Ellias Lostrego?" mahinang tanong ko. Napakunot noo naman yung babaeng nasa front desk. "May appointment po ba kayo maam?" pagtatanong nya. Napakagat naman ako ng labi. Hindi ko nga nasabi kay Ellias na pupunta ako dito e. "Wala po eh, pero baka po bumaba sya pag sinabi nyo po pangalan ko." Medyo natawa naman don yung babae at nang ibang nakarinig. Pinamulahan tuloy ako ng mukha, pakiramdam ko hindi sila maniniwala. "Pasensya na maam, pero may private meeting po kase ngayon si Sir, hindi rin po sya pwedeng bumaba ngayon. Ano ho bang pangalan nyo? at ano rin ang sadya?" tanong nya ng may ngisi na sa labi. Nilibot ko ang mata ko may iilan ding nagpipigil ng tawa sa gilid. I feel small to be honest. This world that i was actually in right now is not for me. I think. Napangiti nalang ako ng mapait. "Ahm..iwan ko nalang po 'to pakibigay nalang po kay Ellias sige po salamat." Nanginginig akong tumakbo palabas gusto kong maiyak, pakiramdam ko hindi ako naayon sa mundo ni Ellias. I know i have power and influence now. Pero hindi pa naman ako pinapakilala kaya parang wala rin. Biglang namuo ang luha sa mga mata ko, ano ba. Ba't ako naiiyak nakakaasar. Pinunasan ko muna ang luhang lumabas sakin bago dali daling pumasok ng kotse. "Sa...s--chool na po tayo... Kuya Gibo" humihikbing turan ko. "Okay lang kayo maam?" nag aalalang tanong ni kuya. Tumango nalang ako, ayoko syang sagutin ngayon maiiyak lang ako lalo. Madilim na sa labas parang ano mang oras mula ngayon babagsak ang malakas na ulan, hindi pa naman ako nakapagdala ng payong. Sumasabay pa ata ang langit sa lungkot na nadarama ko ngayon. Alas onse ng makarating ako sa campus, masyado pang maaga para sa klase ko. Kakain nalang muna ako sa Cafeteria, tutal hindi pa naman ako nananghalian. Pagpunta ko doon, walang masyadong tao. Hindi parin kase lunch break kaya siguro wala pang mga estudyante. I choose Heavy meal this time nagutom ako sa pag iyak. Masasarap din ang mga pagkain na binebenta nila dito, actually madami ka ngang pagpipilan eh. Hindi lang Filipino Cuisine may Western at European Cuisine din. Maghahahanap na sana ako ng upuan para doon kumain nang mahagip ng mga mata ko yung seatmate ko sa room. she's lonely. Kumakain din syang mag isa at doon pa banda sa may dulo. Lumapit ako sa kanya doon nagbabalak umupo. Gusto ko syang kaibiganin nasesense ko kaseng mabait sya kahit na tahimik. "Hi! can i sit here?" I asked Nag angat naman sya ng tingin sakin pero di ako sinagot. I think she approves right? Silent means yes naman e. Umupo na ako sa tapat nya at sinimulan ng kumain, ganon din naman sya. "Ahm...seatmate tayo you remember me?" pagtatanong kong muli. She just nod. Ayaw nya ata makipag usap. Hinayaan ko nalang at pinagpatuloy na ang pagkain. Nauna syang matapos at agad ding tumayo. Iniwan ako. She's aloof ayaw nya ata makipag kaibigan. Should I stop approaching her? baka di lang sya sanay. I will try nalang next time. Ilang sandali pa natapos na akong kumain at agad narin namang nagtungo sa room namin. Nakita ko na naman sya doon mag isang nagbabasa. Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng classroom namin, siya palang ang tao at ako. Maaga rin pala sya kung pumapasok. Hindi ko nalang sya iistorbohin tutal mukhang ayaw nya pa rin naman makipag usap rerespetuhin ko naman 'yon. Isa pa nawala din ako sa mood sa mga nangyari sakin kanina. Imagined the embarrassment I felt...Ayoko ng maalala. Hindi narin naman nagtagal nagsimula na ang klase at isa isa na kaming tinawag for attendance. "Dianne Villavicente" "Present po" sabi ko ng katabi ko. Napabaling naman ako sa gawi nya, so her name is Dianne that's a pretty name. nagproceed naman na sa iba pang names yung prof namin at ng matapos yon nagsimula narin sya ng lecture. Lumipas ang ilan pang mga oras malapit ng mag uwian. Masasabi kong sa 6 na oras kong nakaupo dito sa classroom na'to , wala pa akong nakakausap na kahit isa. Ayaw rin naman akong kausapin ni Dianne, di ko rin naman close yung iba. "Okay class dismissed." Nagsitayuan narin ang karamihan samin at ganon din ako, pwera lang kay Dianne na hinihintay muna kaming makalabas lahat bago sya. Nauna na ako, naghihintay narin si Kuya Gibo sa parking lot, Isa pa may importante daw na sasabihin sakin sila mama at papa kaya kailangan ko daw umuwi ng maaga. Madali ko namang nahanap ang kotse namin, kaya agad narin akong sumakay. "Kuya Gibo, maaga daw po ba uuwi sila Mama at Papa?" pagtatanong ko habang busy sa pagkalkal ng bag ko. Hindi ko kase mahanap yung cellphone ko. Lumipas ang isang minuto hindi ako sinagot ni Kuya Gibo kaya napaangat na ako ng tingin sa direksyon nya. Laking gulat ko ng makitang hindi si Kuya Gibo ang nasa driver's sear kundi si Ellias. "Anong ginagawa mo dito? ba't ka nasa kotse namin? Asan si Kuya Gibo?" sunod sunod na pagtatanong ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa totoo lang. Masaya ako na makita sya pero nahihiya din ako at the same time. Lalo na sa mga ganap sa kin kanina. Ngumisi sya at nilingon na ako sa kinauupuan ko sa likod. "Sinusundo ang girlfriend ko" masaya nyang turan. Really Ellias? gamit ang kotse namin? takha ko syang tiningnan. "Ba't hindi ang kotse mo ang gamit mo?" He just chuckled. "I just want to surprise you. Effective naman diba?" Nangingiti na. Inirapan ko nalang sya habang natatawa narin, kelan kaya ako masasanay sa mga ngiti nyang ganyan. Masyadong pafall. Nahanap ko narin ang cellphone ko at may text nga doon sila mama, kailangan ko daw umuwi ng maaga. "So, you went to the company earlier and looking for me." He asked. Hindi naman yon tanong dahil totoo namang nagpunta ako doon kanina. "Ahm..oo ano...nagdala lang ng pagkain. Peace offering narin sa'yo." nahihiyang sabi ko. Hindi ko na sya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako. binalik ko narin ang cellphone ko dahil tapos ko naman ng tingnan ang message nila mama. "Peace offering for what? For me being your boyfriend? why? nabigla ka lang ba kahapon? is that a joke?" naiirita ng sabi nya. Oh my god! that's not what I meant. This time tumingin na ako sa kanya. "Ellias you are paranoid, I am serious when I said that? bakit ayaw mo ba? pwede naman kitang bustedin sabihin mo lang." pagbibiro ko. He looked so pissed right now. Lumabas din sya ng kotse at umikot para makapunta sa backseat. Binuksan nya ang pintuan don habang mariing nakatingin sakin. "Really kaya mo? then why are you crying earlier after leaving the company? hmm." Napairap ako sa kanya, ayoko na ngang maalala pinapa alala nya na naman sakin. He lean closer to me, pero nakabukas parin ang pinto ng kotse nandon lang sya nakaharang. Ano namang idedepensa ko don eh totoo naman. "How did you know that i was crying nandon ka ba?" seryosong tanong ko. Napailing sya. "I review the CCTV, and besides binigay sakin ng secretary ko yung dala mong pagkain thats a lot akala ko sasabayan mo ko pero wala umalis ka ng umiiyak what happened?" nag aalala ng tanong nya. Inayos nya ang gulong buhok ko na humaharang sa mga mata ko ngayon. Nakakaasar naman 'to ayoko na ngang maalala yon eh. Iniwas ko ang mukha ko sa mga haplos nya. Naiiyak narin. "W...wala n-naman." i lied. Napabuntong hininga lang sya at iginaya ang mukha ko para matingnan sya. "Next time you go there you don't have to go to the front desk to look for me. Just go to my office right away. I already told them that you are my girl friend. Pag hindi ka pinapasok just tell me. I will fired them infront of you." sunod sunod nyang sabi. Napanganga nalang ako sa mga binilin nya. I don't think kaya ko pang pumunta don. Ayoko na noh. "Di na ako pupunta doon, Nakakahiya." I said. He pursed his lips. Tinitigan din ako ng diretso. "Not now, but yeah sooner you will be." he said na para bang nasisiguro nya yon. Ang kulit ayoko na nga pumunta don. "anyway maaga ka daw pinapauwi?" Tumango nalang ako. "Alright" he said then leaving me a kiss on my forehead. Nagulat ako doon hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa mga kilos nya. It gives me butterfly on my stomach whenever he kissed me. Pinamulahan ako doon habang nangingiti sa gilid. Umikot na syang muli sa driver's seat at sinimulan na yong paandarin. Tahimik lang kami buong byahe. Hindi rin naman nagtagal nakarating na kami sa bahay namin. Pinagbuksan nya akong muli ng pinto ng kotse. "Salamat." He just nod and smile. I feel awkward. Yes we are a couple now, pero hindi ko parin maimagined. "ahm..gusto mo bang pumasok muna sa loob?" tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at bigla akong niyakap. "Hindi na, kailangan ko ring bumalik sa opisina may tatapusin pa ako. Let's meet tommorrow magpahinga ka na rin you looked tired." The way he hug me gives me comfort, para bang sya ang pahinga ko sa tuwing napapagod ako sa mundo. I genuinely smiled at him. Mahal ko na talaga tong lalaking 'to. I'm sure of that. "You too Ellias. Don't be too hard to yourself" i said then kissed him. Sinuklian nya naman yon ng mas malalim na halik. tumagal yon ng ilang minuto bago kami huminto. He look at me so hopelessly ganon din ang akin. "Yeah..I will. Sige na pumasok ka na, baka magbago pa isip ko iuwi na kita sa condo ko." natatawa nyang sabi. Hinampas ko nalang sya dahil yan na naman sya nagsisimula na naman. Niluwagan nya na ang yakap nya pero hindi parin ako binibitawan. May kinuha muna sya bulsa nya at binigay sakin. His phone. Napatingin ako doon. "Save your number here, so i can call you." dagdag nya. Napangiti naman ako, agad ko din yong kinuha sa kanya at nagmadaling itipa ang numero ko. After a minute or so binalik ko na yon sa kanya. I could see that he named me on his phonebook as his wife. Pinaningkitan ko sya ng mata. "I'll just text you when I'm finish working. Just saved my number too once I text you." he said bago ako ulit pinatakan ng isang halik sa labi. Tumango nalang ako. "Ok...pero teka...ano nga palang gagamitin mong kotse pabalik sa opisina mo?" He just smiled at me at bigla nya nalang akong hinila papasok sa loob ng mansion namin, at ng makapasok kami, nakita ko yung kotse nya nakapark sa loob ng bahay namin. Gulat ko syang tiningnan, so kanina pa sya nandito? "Kunin ko lang tas alis na ako." he said at agad naring pumasok sa loob. Binuksan naman ni Kuya Gibo yung gate namin para makalabas yung kotse ni Ellias. Binaba nya ang salamin ng kotse nya at kumaway sakin bago yon pinaharurot palabas. Naiiling akong pumapasok ako sa loob ng bahay nung mawala na sya sa paningin ko. Nakapagbihis narin ako ng pang tulog ng marinig ko ang busina ng kotse nila mama. Kaya dali dali narin akong bumaba para salubungin sila. "Ma! Pa!" excited na sabi ko. They hugged me at the same time greeting me. "Hija, i have a great news!" magiliw na sabi mama at iginaya ako paupo sa living area sumunod nalang din si papa. "Ano po yon?" tanong ko. Nagkatitigan muna sila mama at papa parang nag uusap ng sila lang ang nagkaka intindihan. Napakunot noo ako doon. "Next week the CEO of Villavicente group of companies are inviting us para sa welcome party nila for their heiress. And we decided to invited some medias too at ipapakilala ka narin namin. Napagkasunduan narin namin ni Fernando Villavicente na ipakilala ka sa Anak nilang lalaki you know hija, baka magka mabutihan kayo in the future." mom gigled after saying those words. What do they mean? Ipagkakasundo ako kalaunan? but i have a boyfriend now. At tsaka teka...Villavicente? i heard that surname somewhere...saan nga ba. Napasinghap ako ng maalalang yung katabi ko si Dianne her surname is Villavicente. Oh my god? is she related to what mom's said. "Tommorrow we will be going to finest designer here in the Philippines mamali tayo ng gown mo anak." excited na sabi ni mama. Should i tell them about Ellias? "Ma, pa---" gusto ko na sanang sabihin pero hindi nila ako binigyan ng chance magsalita. "Hija, as of now magpahinga ka na muna, wag ka narin muna pumasok bukas. Don't worry I will tell your teachers the reason maiintindihan naman nila yon." dagdag pa ni mama. "But Ma, Pa--" "And Hija oo nga pala malapit na ang 20th birthday mo right? Asahan mong paghahandaan namin yon ng Dad mo ng bongga. I will invite also elite families para sa birthday mo malay mo may gustong ipagkasundo sa'yo. Malaking tulong yon para sa pagpapalago ng kompanya." Lito ko silang tinitingnan dalawa halos hindi maproseso ang lahat ng sinasabi nila sakin. "Enough with that Alicia, stop pressuring our daughter wala pa nga ata syang balak mag boyfriend." Daddy said. I already have one dad. Si Ellias. "Sige na hija umakyat ka na, kakausapin ko pa ang mag teachers mo para i excuse ka bukas" Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila. I tried to tell them about my boyfriend but they didn't let me. Ngayon nandidito ako sa kwarto naghihintay ng tawag o text mula kay Ellias. He need to know this Immediately. Ayokong ipagkasundo sa iba. Gusto ko sa kanya lang. Oh my god! Hindi ko aakalain na they still doing arrange marriage para lang sa ikakasigla ng kompanya. Pano naman yung mga nararamdaman namin, yung mga anak nilang pinagkakasundo. Kaya hindi narin nakakapagtaka kung bakit ang daming nagrerebelde. This is not the life I wish for. kung may pagkakataon lang na papiliin ako mas gugustuhin ko nalang maging mahirap muli kesa naman sa ganito. Mahal ko si Ellias ayoko ipagkasundo sa iba. Ayoko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD