Days past at ngayon na ang araw ng sabado.
Ellias told me na bibisita ang parent's nya dito sa bahay para hingin ang kamay ko.
I know it's so sudden.
I already told my Dad about my boyfriend pero hindi pa kay Mama.
At ngayon ko yon balak sabihin.
"Dad, you think mom won't be mad at me?" kinakabahan na sabi ko.
Nasa office nya kami ngayon, dito talaga ako dinala ni Papa para narin makapag usap kami in private.
Dad was grinning like an idiot right infront of me.
"Dad, I'm serious ofcourse mabibigla si mama." i added.
He just sip his black coffee while looking at me.
"Can you just calm down hija, I know your mom, she was just exaggerating in the past few days na ipakilala ka sa lalaking anak ng Villavicente. But ofcourse you are a lady now may sarili ka ng desisyon. Natatawa lang ako sa naging aksyon sayo ng anak ni Lucio." Papa said while continuing grinning there.
I was confused really.
Sir, Lucio Ezval Lostrego is dad of Ellias but seeing my father sentiments about this situations giving me hard time.
"Dad, it's not funny pupunta na nga mamaya sa bahay parents ni Ellias eh, help me tell this to mom please." pagmamaka awa ko.
Mas lalo lang lumakas ang tawa ni Daddy sa study table nya.
What the heck?
My family is weird to be honest.
"You don't have to hija, your mom knows nasabi na ni Alaina bestfriend nya, I'm just happy that you and Ellias are bounded to each other. Pero hindi ba masyado pang maaga para sa lahat? Hindi ka pa tapos sa pag aaral, tapos may balak ng hingin kamay mo samin." May bahid ng pagka inis sa sinabi ni dad but it was more concern than being angry.
Lumambot ang ekspresyon ko doon.
Mabilis nga lahat eh, i am starting to building my career now but kung magiging fiance ko na si Ellias. Hindi kaya maging isa pa yon sa magiging conflict namin in the future. I know now that he is stable may sarili na syang pera may ipon na pero ako wala pa. Ayoko parin naman magpakasal pero...what? mom already knows about Ellias? how come? kelan pa? oh my god.
"Anong sabi mo Dad? Mom already knows about Ellias? So this time nangangamba kami ni Ellias for nothing dahil alam nyo naman na pala? Eh pupunta nga mamaya dito Dad parents ni Ellias. Anong gagawin ko?" pahestirya ko ng sabi.
This time dad patted my head.
"I don't wanna say this but, your mom was actually there."
Nagtaka ako doon?
Saang there? where? huh?
"huh?"
Dad chuckled.
"Marina anak, if you are thinking lately na masama kaming parents sa'yo nagkakamali ka. Your mom and Alaina are best of friends. What do you think bakit ka sinusundo ni Ellias after your school?" he asked.
Napailing ako doon hindi alam ang sagot pero i have opinion.
"I guess he just missed me, that's why he fetch me after school." hula ko.
Naiiling na natatawa si dad at uminom ulit ng kape.
"Asked your boyfriends mom and your mom too...they know the answer." matawa tawang sabi ni Dad.
Oh god! hindi ko alam mababaliw na akong kausap tatay ko sa totoo lang. He doesn't give me clear answer.
Naiiyak na ako.
Pakiramdam ko pinagkaisahan kami ni Ellias.
Is that is my Mom and Tita Alaina's plan? but for what?
"Dad, can you stop giving me headache. I couldn't solve the pattern your implementing too. I am bombarded with a lot of questions just tell me the truth please." maiyak iyak ng sabi ko.
I saw dad flinch when she saw me about to cry, tumayo sya bigla at bigla akong nilapitan.
"Oh god, my baby is depress now." he said but he chuckled later on.
Sumama tuloy tingin ko sa tatay ko, pero tinawanan nya lang ako.
"Daddy please..tell me."
I give him a puppy eyes look, napapikit si Dad doon.
"your mom and you are my greatest weaknesess damn it!" Dad said but it almost a whispher. "alright i will tell you but please...don't tell it to your Mom papatulugin na naman ako sa sofa non mamaya." Naiiling na sabi ni Dad.
Bumalik sya study table nya, umupo doon at seryoso na ako ngayong hinarap. Umayos naman ang upo.
"Your mom and I are both happy when Alaina called us on that night, telling us that finally our daughter is finally coming back. Pero hindi ako natuwa nung sinabi ni Alaina na, his son and you are probably doing what adults do. Even your mom was too angry. Hindi ka nga namin naprotektahan when you are still a child tapos gagalawin ka lang ng anak ni Lucio for f**k sake." Daddy paused for a seconds while massaging his temple.
Napayuko ako doon. It was not Ellias fault. Akala nya lang naman bayarang babae ako doon sa club. That's why we do that thing.
"So, in that night Alaina and your Mom think about there plan. They will sure na kahit na anong mangyari you too will be ended up together. Sometimes girls are very dangerous. Miske kami ni Lucio naiiling nalang sa pinaggagawa ng mga asawa namin. Imagined they plan na kailangan umalis ni Ellias abroad to attend seminar in Singapore without even telling you, habang ikaw i-enroll dito sa manila.
So you two will be not seeing each other for about a week. Even Lukas nadamay sa mga plano ng mama mo at ng bestfriend nya. They push your boyfriend to his limit para magselos sa kapatid nya mismo. Pati nga pagkawala ng phone ng boyfriend mo planado para sigurong pag nagkita kayo dito sa Manila, you too are really missed each other. Ayoko lang na masyadong mabilis yung boyfriend mo sa lahat. Hihingin na ang kamay mo samin mamaya really? Gusto kong manapak anak sa totoo lang." dad explained.
My mouth was open after containing all that information...That was so beautifully excuted.
wala akong masabi sa totoo lang.
"but i guess tama lang yon, dapat kang panagutan ng boyfriend mo anak. Hindi dapat basta basta binibigay yan if you know what i mean. I was just angry until now. Kaya wag mong asahan na magiging mabait ako mamaya sa boyfriend mo Hija, kung pupwede lang pumatay ginawa ko na."
Sinuway ko naman don si Papa, he's so brutal.
I know nasasabi nya lang yan because his angry to what happened between me and Ellias. Alam ko namang mabuting ama si papa.
Naiiyak nalang ako dahil akala ko sila yung parents na walang pakealam sa anak, I thought they are only minding how to progress their businesses and luxury. Nagkamali ako doon. All this time they are concern about me.
Naiiyak na yinakap ko si Papa, he just let me and hug me back.
"Just don't tell this to your boyfriend Hija, hayaan mong mom nya mismo ang magsabi sa kanya." Bilin ni Papa
Tumango nalang ako doon. Pinahidan naman ni papa ang mga luha ko. I promised Ellias wouldn't know about this.
Ako na ang unang bumitaw sa yakapan namin ni Papa. May naalala kase ako bigla.
"Dad you said earlier kung nasaan si mama? san sya pumunta?" I asked.
Napangisi nalang si papa don.
"Magkasama sila ng bestfriend nya busy sa magiging dinner natin mamaya. Just call your boyfriend hija, panatagin mo dahil pag nagkita kami mamaya hindi nya na yan magagawa." pananakot ni papa
Natawa nalang ako doon, my dad excuse himself too dahil may meeting pa daw sila.
Kumaway nalang ako kay dad bilang pagpaalam.
Nasa elevator na ako ngayon pababa na sa ground floor ng company namin, when i received a message from Ellias. Napangiti ako doon.
from Ellias,
I'm here infront of your building.
What is he doing here? pano nya nalamang nandito ako?
Napasampal ako sa noo ko ng may maalala.
Oh god, muntik ko ng makalimutan.
Our mother are planning this for sure...Great.
Dali dali naman na akong nakalabas, I saw him outside in our building gaya ng sabi nya.
Nag aantay sya ngayon sa labas ng kotse nya, nakapamulsa malalim din ang iniisip.
Hindi nya nga man lang naramdaman na nasa harap nya na ako ngayon.
Natawa ako doon, dahil problemadong problema sya ngayon. Kung alam mo lang Ellias.
Tumingkayad ako para mahalikan sya sa labi.
kinagulat nya yon, umiwas din bigla akala nya ata iba akong tao.
"Damn...I thought it was stranger, you startled me." he said.
Hinawakan nya narin ako ngayon sa magkabila kong kamay.
Napataas naman ako ng kilay sa kanya.
"So, strangers kiss you kagaya ng ginawa ko sa'yo? sino namang stranger yan?" I asked him.
He pursed his lip.
"It's nothing...nagulat lang ako--"
"Really Ellias? bat ka nagulat?" inaasar ko na.
He look so freaking stress right now.
Kawawa naman.
"Baby, it's nothing...My college days are so f****d up naalala ko lang na may gumawa sakin nyan noon, but i don't know her believe me." he explained.
Ah...so he was trying to say that his college days are just like that. Hindi naman na nakakapagtaka he is experienced when it comes to this topic baka mga babae nya noon.
"It's okay i don't mind." sakin ka naman na ngayon. 'di ko lang dinugtungan.
Pumasok na ako ngayon sa kotse nya, hindi na sya naantay na pagbuksan pa ako ng pinto.
Napahilamos muna sya ng mukha bago tuluyang pumasok sa kotse nya.
"I'm sorry...I admit i once being a jerk when my younger days but believe me nagbago na ako." he explained.
Nagpipigil ako ng tawa ngayon.
Dad said panatagin ko si Ellias pero kabaligtaran ang ginagawa ko sa kanya ngayon.
I look at him. He was devastated medyo maitim din ang palibot ng kanyang mga mata, kala mo 'di nakatulog kagabi.
"Ellias seryoso okay lang talaga, wala pa naman ako nung nasa college ka pa kaya okay lang na, you experience women on that age. Wala din namang makaka resist sayo."
He look at me with disbelief hindi nya alam kung sincere ba ako nagiging sarcastic.
But for me it was a sincere one.
I hold her right hand to assure him, hinayaan nya naman yon at sya na mismo ang nagsiklop.
"You sure hindi ka galet?" he asked.
This time hindi ko na napigilan yung tawa ko.
Naaawa na kase ako problemadong problemado na sya.
"Come here." sabi ko habang nakabukas ang mga braso handa syang yakapin.
Tinanggal nya naman ang seatbelt nya at ibinaon ang mukha sa aking leeg habang mahigpit akong yakap.
Para syang baby kung tutusuin.
"I badly need this hug Marina, para na anong masisiraan ng bait hindi ko na alam gagawin ko. " he said.
Napangisi ako don.
I brushed his hair malambot yon.
Naging busy rin sya this past few days dahil sa trabaho. Ngayon lang ulit kami nagkita.
"Ellias kahit naman ipagkasundo ako ikaw parin naman pipiliin ko. Don't stress yourself you look old." I jokingly said.
He groaned mas binaon pa ang mukha sa balikat ko, marahan nya din yong pinatakan ng halik.
"I'm still young wala pa akong 30." he said
Wow tumawad pa tatlong taon.
3 years from now matanda ka na Ellias.
I just chuckled hearing his responds.
"My parent's are going in your house tonight, I don't know what to react to your mom especially your dad. Kinakabahan ako pano kung di nila ako gusto para sa'yo. Masyadong malaki ang age gap natin nangangamba ako." he said his worry.
Napaikot nalang ako ng mata, ayaw ka ngang pakawalan ni mama eh, gumawa pa nga sila ng plano ni Tita Alaina para siguraduhing tayo talaga. Tapos you questioned yourself about your age. May insecurities ka rin pala Ellias really? sa yaman mong yan? sa looks mo tapos natatakot ka. oh god.
"Edi pag hindi sila pumayag itanan mo ko, mayaman ka naman." biro ko.
Napatingin sya sakin lumalim bigla ang iniisip.
"Yes, i would do that." he proudly said.
I let out a bark of laughter dahil sa sinabi nya.
I was just kidding oh my god! I didn't expect na gagawin nya nga yon.
"Why are you laughing it's a good idea. Sa abroad nalang tayo manirahan. Doon narin tayo magpakasal magpamilya. San mo ba gusto sa Canada? U.S? Hawaii? Just tell me." dagdag nya pa.
This time tumatawa na ako ngayon sa dibdib nya.
He groaned. I can feel his breath being heavy now.
This man really.
"Hey, stop laughing I'm serious may ipon naman ako kaya na kitang buhayin pati ng magiging pamilya natin sa hinaharap---"
I did not finish his sentences dahil hinalikan ko na sya.
His lips are pursed, his face are stoic.
Namungay bigla ang mga mata nya.
He was so serious kala mo talaga may hadlang sa pagsasama namin eh wala naman.
He's just overthinking.
"Stop kissing me, you giving me idea tapos ganyan ka." he said with his problematic eyes.
Natawa na naman ako ng bahagya, tinakpan nya na yon ngayon ang bibig ko para hindi ako makatawang muli.
Pero mas lalo lang yon lumakas.
He growled naiinis na sakin.
"Pag hindi talaga sila pumayag itatanan na kita." seryoso nyang sabi
Napahagalpak lalo ako ng tawa sa sinabi nya.
Nahampas ko narin sya dahil para na akong mauubusan ng hininga sa ginagawa nya.
Oh my god Ellias! stop it. Hindi ko na kaya.
"baby, stop laughing you are no help"
Hindi ko sya inintindi dahil natatawa parin ako.
Bumalik nalang sya sa upuan nya at sinumulan ng paandarin ang kotse.
His now more problematic than earlier.
I don't know kung saan nya ako dadalhin.
Baka sa Canada.
Natawa na naman tuloy ako sa naisip.
My laughed was echoing inside his car, his hold hand on his steering wheel was hard.
asar na asar na sakin.
I will choose you no matter what Ellias. Just relax.