
A picture-perfect couple that couldn't wish for anything more since they seemingly have everything anyone could ever want... but with one exception-
Gabriel Mondragon... mayaman, gwapo, at isang \'one woman man\'. Lahat na yata ng bagay na gugustuhin ng isang lalaki ay mayroon na siya, a famous name in business world, a smooth-sailing, happy 5 years married life with Rowena Mondragon... a socialite, beautiful, fine woman, na kilala sa larangan ng fashion industry, at ginugusto ng halos lahat ng mayayaman at kilalang business man noong dalaga pa ito ngunit tanging sa kaniya lang nagpatali ng pang-habang buhay. Akala ni Gabriel ay nasa kaniya na ang lahat, na wala na siyang mahihiling pa... na buo na siya at masaya kasama ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Ngunit akala niya lang pala dahil lahat ay nagbago nang magdesisyon na silang bumuo ng isang masaya at malaking pamilya ni Rowena.
A month of trying to conceive a child hanggang sa umabot ng isang taong pagsusubok makabuo ay walang nangyari. Halos lahat na yata ng paraan, positions ay sinubukan na nila upang mabuntis si Rowena ngunit hindi talaga sila biniyayaan.
At isa na lang ang tanging bagay na hindi pa nila ginagawa, at iyon ay ang magpatingin sa eksperto kung may problema ba sa kanilang mag-asawa kung kaya\'t hirap silang makabuo ng bata.
Isang check-up result na nagpabago ng takbo ng kanilang buhay mag-asawa, at ang unti-unting pagkawasak ng kanilang pagsasama.

