Nagising akong wala ng Gabriel Mondragon sa aking tabi. Nagpalinga-linga ako sa paligid, at wala ito sa kahit saan na sulok ng kwarto. Tumayo na lamang ako at kahit masakit pa ang katawan ko ay pinilit kong makapagbihis para makalabas na ako sa kwarto nila ni Rowena. Pero hindi ko mahanap ang panty at bra ko. . . "Nasaan na kaya ang mga iyon," bulong ko sa aking sarili habang binabaliktad ko na ang mga unan at kumot nang nakahubo't hubad pa rin. Hawak-hawak ko lang ang damit at shorts ko. Tutuwad na sana ako to look for it sa ilalim ng kama nang may marinig akong baritonong boses. "Ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito na nagpalingon sa akin sa kaniya. Nasa CR pala ito at bagong tapos lang maligo, nakatapis lang ang ibabang parte ng kaniyang katawan habang hawak-hawak niya ang bra a

