PASAKAY na nang kotse si Josef, nang maka tanggap ito nang tawag. Kinonekta muna nito sa Bluetooth nang Ferarri car nito ang tawag tsaka pina start ang sasakyan.
Matapos niyang mag tanong tungkol kay Faith sa school nito ay aalis syang walang napala. Dahil lahat ng kwento nang teacher's at principal nang school maging nang mga nakakaibigan ni Faith na mga estudyante. Ay puro magagandang katangian lamang ng dalaga ang sinasabi nang mga ito. Katulad na lamang nang kung gaano ito kagaling, katalino at kasipag sa pag aaral. Kung paano ito kabait at napaka gandang bata. Kaya naman heto't aalis na lamang sya nang school na iyon.
“Hello Dad!” ani nang masayahing boses nang babae .kaya naman napa ngiti si Josef dahil mukhang good mood na naman ang masungit nyang dalagita.
“Yes Sweetheart” tugon nito sa anak
“Mommy tol me na nandito ka daw po sa Zambonga…I'm here in Pagadian City Dad, with kuya Red, K and Rafaela.”
“at bakit naman kayo nand'yan? Wala ba kayong pasok?” saad niya sa anak tsaka napa iling na lamang dahil umiral na naman ang pagiging mahilig nitong mag travel upang maka kuha ng magandang tanawin. Bukod sa mahilig itong mag hiking ay Isa rin itong vlogger at magaling na photographer. Kaya halos napuntahan na nito lahat ng magagandang tanawin sa Bawat sulok nang Luzon, Visayas at ngayon ay nasa Mindanao na.
“Duuh, may online class naman Dad”
“tsss, hindi ka naman mag papatalo eh, by the way bat kasama niyo si Rafaela? Nag paalam ba iyan sa Ninang Vanessa mo? Can I talk to Rafala” saad ni Josef, tukoy nito sa anak nang kaibigan niya.
“Hello Ninong”
“Rafaela…Alam ba nina Seb at Vanessa na sumama ka kay Violet?”
“Si Mama, Hindi po nasa Europe po siya with tita Jenny. Kaninang umaga lang po sila umalis, kaya kay Papa ko lang po sinabi. Don't worry Ninong may mga Bodyguards naman po kaming kasama” saad nang inaanak niya.
"Ilan?”
“dalawa lang po, for me and Violet. Because K and Red po, mga boys naman po sila eh”
“okey, just take care…mamaya tatawag ako kay Red. Sabihin mo sa kaniyang huwag sya mag off nang cellphone”
“okey po Ninong, mag iingat rin po kayo—I love you Daddy!” halos magka sabay na sabi niya Rafaela at Violet.
Samantala sa kabilang dako naman ay nag mamaneho si Ariel, at ihahatid niya ang dalawang babae sa bahay ng mga ito. At habang nag mamaneho ay panakaw tingin siya sa babaeng nasa likuran naka upo. Katabi niya sa driver seat si Akira, habang nasa likuran naman naka upo si Faith
'She looks familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Maliban dun sa naputikan sila nang kaibigan niya' ani nang isip niya, tsaka madiing nag isip. Kung saan ngaba niya iyon nakita.
'Tama kapareho nang kulay ng mata niya yung batang babaeng hinalikan ko nung bata Pa ako' saad ulit nang isip niya.
“Mr Pogi, kakasulyap mo sa bestfriend ko baka maka bangga na tayo niyan, wag mo sanang kalimutang nag mamaneho ka. Dahil hindi nga ako napuruhan nang kotse mo, pero baka sa ibang Tao kapag naulit pa. Baka madedok na” saad ni Akira, dahil kanina Pa nito napapansin na panay sulyap ni Ariel sa salamin kung saan nakikita nito ang kaibigan niyang si Faith
“Sissy okay kalang ba dyan? Kanina kapa tahimik ah” baling ni Akira sa kaibigan.
“ammm oo, gusto kung matulog sandali, kaya tumahimik nalang kayo” tinatamad na sagod ni Faith tsaka ipinikit ang Mata.
“ang sunit nang kaibigan mo”mahinang sabi ni Ariel
“sabi saying may dalaw eh” mahina ring sagot ni Akira. Tsaka mahinang natawa ang dalawa.
“ang galing niyo mag bulungan ah. Rinig na rinig ko kayo” saad ni Faith habang naka pikit parin. Kaya naman natikom nang dalawa ang bibig at pigil na pigil ang pag tawa nang mga ito.
Hindi rin nag tagal ay naka rating narin sila sa tabing dagat, kung saan maraming bangka at duon sumasakay sina Faith at Akira patungo sa kabilang isla.
“salamat ha Mr Chinitong pogi” ani ni Akira, ngunit sa natutulog na dalaga naman naka tingin ang binata.
“ang ganda ni Sleeping beauty no. Mukhang kailangan mo nang halikan para magising ang Maganda Kong Bestfriend” ani ni Akira at may panunudyo sa binata.
“Sige subukan mo, kundi basag saakin yang nguso mo, ikaw naman Akira.. Baka gusto mo nang masabunutan.” ani ni Faith at dahan dahan dumilat nang mata.
“ito naman, Sissy.. Napaka seryoso mo…hindi kana mabiro”
“sabi konga, sabi kongang naka rating na tayo my Beautiful sissy Bestfriend” ani ni Akira at ngumiti nang malapad.
Wala namang salita si Faith at hindi sinakayan ang biro nang kaibigan. Wala sya sa mood maki pag biruan, dahil sobrang masakit ang ulo niya. At isa pang kina iinis ni Faith ay napanaginipan paniya ang binata.
Oo napana ginipan niya si Ariel, Nakita niya sa panaginip niyang sobrang masaya siya kasama ng binata. “haayst kainis, sa dinami dami nang puwede Kong mapanaginipan. Ang mokong na ito Pa” mahinang sabi ni Faith tsaka bumaba na nang sasakyan. Hindi na nito hinintay na ipag bukas pa sya ng binata.
“Sissy…anong sabi mo? Anong mapanaginipan mo…sino?” kunot nuong tanong ni Akira, habang may panunudyo sa ngiti nito.
“ewan ko sa iyo Akira…wala akong sinabi” tugon ni Faith at derederetso na ito sa pag lakad.
“sige na.. Sabihin mona, ano yung mapanaginipan mo.. Tatayaan ko” ani ni Akira na nag pahito sa kaibigan.
“Loka-loka ka, sa bahay ko nalang sasabihin.. Mag paalam kana dyan sa Chinito mong Hapon na hilaw” ani ni Faith at binalingan ng tingin ang naka kunot nuong binata. Mukhang hindi nito naiintindihan kung ano ang pinag uusapan nila. Lalo na't naka tayo parin ito sa tabi nang kotse nito na animoy isang modelo.
//Continue