“DOC kamusta ang kaibigan ko?” nag aalalang tanong ni Faith nang matapos surin nang manggagamot ang kaibigan
“She's fine, siguro hindi rin sya gaanong tinamaan nang kotse ni Mr Ariel. Kasi wala naman malalang nangyare…kailangan lang niyang mag pahinga. Dahil hinimatay lang siya sa sobrang takot” mahabang paliwanag nang doctor
“sigurado ho kayo Doc?”
“yes, maya maya ay magigising narin sya.” tugon nito tsaka tinapik sa balikat ang binatang katabi ni Faith tsaka ito umalis na sa kanilang harapan.
“Look Ms, I'm so-sorry hindi ko sinasad'ya. Na absent minded lang ako, Kaya hindi ko kayo napansin. Thanks god at naka pag preno kaagad ako.” ani nang lalaki kaya naman ang kaninang nag aalalang mukha ni Faith ay biglang sumeryoso at nawalan nang emotion ang expression nito tsaka hinarap ang lalaking nag salita. Sandaling tinitigan ni Faith ang lalaking kaharap pagka tapos ay napa kunot nuo siya nang ma-alala niya kung saan na niya nakita ang lalaking ito.
“ikaw 'yung mayabang na may ari nang kotseng nirumihan ang school uniform namin ni Akira…tsss ngayon ang kotse mona naman ang kamuntikan nang maka sagasa saami” pag susungit ni Faith sa lalaking mukhang natameme.
Habang Natulala naman si Ariel matapos humarap nang babae sa kaniya. Parang nag slow-motion ito sa kaniyang paningin. At habang nag sasalita ito ay hindi naman niya maintindihan dahil hindi naman niya pinapakinggan ang mga sinasabi nito. Bagkus ay naka tuon lamang siya sa magandang mukha nang babaeng kaharap. 'D*mn bakit…bakit hindi ko napansin…ito bayung babaeng umiiyak kanina sh*t ang ganda niya…hindi lang basta maganda dahil very very beautiful' ani nang isip nang lalaki.
“satwing makaka salubong mo kami. Palagi nalang kami minamalas…Hoy nakikinig kaba?!” saad nang babae at iyon lamang ang narinig niya at naintindihan niya sa lahat ng dami nang sinabi nito. Pinalo pa nito nang mahina ang braso ni Ariel kaya lihim na napangiti ang lalaki. Dahil sobrang gandang ganda siya sa babaeng kaharap at napaka cute nitong magalit.
“hi-hindi ko naman sinasadya Ms beautiful by the way I'm Ariel” ani nang lalaki at nilahad nito ang kamay upang maki pag shake hand
“sinasad'ya mo man or hindi. Wala akong—
“Si…Sissy ” mahinang sabi nang babaeng nag patigil kay Faith. Nilingon kaagad ni Faith ang kaibigan na gumising na. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan ang kamay nang kaibigan.
“Akira…kamusta ka? Anong nararamdaman mo…may masakit ba sayo?” sunod sunod na sabi ni Faith sa kaibigan kaya naman napa ngiti ito nang tipid.
“okey lang ako, hindi naman ako masyadong tinamaan nang kotse ni Mr Chinitong Pogi. Kaya huwag kana magalit sa kaniya” ani ni Akira at nagawa pa nitong mag Pa beautiful eye sa lalaki. At ngumiti na animoy kinikilig.
“sigurado ka?” paninigurado ni Faith
“Oo naman…at alam mo naman maka kita lang ako nang guwapo lumalakas na ako” tugon ni Akira at pina hinaan ang huli nitong sinabi.
“tumigil kanga, alalahanin mo late na tayo sa school—
“huwag na kayong mag alala kilala ko naman ang principal sa school niyo at pina liwanag kona kung bakit hindi kayo naka pasok” ani nang lalaki kaya naman napa tingin dito ang dalawang babae.
Napa taas naman ang kaliwang kilay ni Faith sa lalaki tsaka hinarap muli ito at namewang. “Ganyan ba kayong mayayaman..sinabi ko bang gawin mo iyon? Tsaka sinabi mo bang ikaw ang dahilan kung bakit hindi kami naka pasok?!” muling pag susungit ni Faith
“Faith, tama na iyan. Nag sorry naman si Mr Pogi kanina diba? At walang may gustong sa nangyare. Hindi niya sinasadya so huwag kana magalit.” ani ni Akira
“ba't moba pinag tatanggol ang lalaking ito?palagi nalang tayo minamalas kapag nakaka harap natin ang lalaking 'to.” ani ni Faith at tinignan nang masama ang kaibigan.
Ngumiti naman nang pagka tamis tamis si Akira tsaka tumingin sa lalaki “pasensya kana sa kaibigan ko Mr Chinitong Pogi .may dalaw kasi kaya masungit ang lola mo” saad ni Akira at nag peace sign ito sa kaibigan..
“Faith pala ang pangalan mo…ang ganda, kasing ganda mo” ani nang lalaki kaya naman inirapan ito nang dalaga.
“by the way about dun sa sinabi mong dalawang beses na kayong napa hamak nang kotse ko. Puwede kobang malaman kung kailan yung una. Kasi today ko palang kayo nakita at naka harap”
“hindi mo na tatandaan? Amnesia lang Mr Pogi?
Nung naka raan pinag swimming mo lang naman kami sa putikan kaya narumihan kami. Pero dahil mabait ka naman. Pina hatid mo kami sa tauhan mo para bilhan kami ng bagong school uniform” mahabang sabi ni Akira
Kaya naman nag liwanag ang mukha nang lalaki at napa tingin sa mga Mata ni Faith “Oh ikaw nga…the green eyes, kaya pala napaka familiar nang mga Mata mo saakin. Sorry about what happened before, hindi kona kayo nahintay maka tapos.—
“ayus lang yun, hindi mona kailangan mag paliwanag, naka bawi ka naman eh. Makita kulang ang guwapo mong mukha bawing bawi kana” ani ni Akira kaya naman kinurot ito sa tagiliran ni Faith.
FAITH POV
B*liw talaga itong kaibigan ko. Sabihin ba naman niyang may dalaw ako kahit wala naman. Ewan koba ba't biglang umiinit ang ulo ko sa lalaking ito. Hindi naman ganito ang naramdaman ko sa kaniya nung unang makita ko sya. At lalong hindi naman ako ganito, hindi ako masungit.. Jusko! Ano nang nangyayare saakin sumasama na ata ang ugali ko. Hindi naman ako magalitin eh.
“Mr Powgi, selemat ha sa pag bayad nang bill at sa mga gamot na ito. Hindi kona man ito kailangan eh, dahil maayus na ako” ani nang kaibigan kong may pagka maharot. Mag sasalita nanga lang naka baby talk pa sa lalaking feeling guwapo. Kung maka ngiti, halos hindi na maka kita sa liit nang mata eh. At infernes ang ganda nang ngipin. Sobrang perpekto. Sabagay guwapo naman talaga.
'Ano…anong sinasabi mo? Guwapo? Naguwa-gwapuhan ka sa chinong hapon na hilaw na to? Nako ingat-ingat ka Self, baka sa pag susungit mo niyan ay baka ma in love ka'
Nako nababaliw na ata ako. Kinakausap kona ang sarili ko.
Dahil hindi naman napuruhan si Akira kaya naman ay nag pahinga lang sya saglit tsaka lumabas narin kami pagka tapos. Nasa harapan na kami nang sasakyan ng mokong na ito. Haaayst hate na hate ko ang kotse na ito. Palagi nalang kaming pinapahamak
“so, ihahatid kona kayo? Saan ba kayo naka tira?”saad nang lalaki at putik, saakin pa talaga naka tingin. Heto na naman naiilang na naman ako mula pa kanina kakaiba sya maka tingin ha.
“Sissy nag ba blush ka…gagi anong mukha iyan Sissy, ang pula pula nang pisngi mo” may panunudyong saad ng loka loka kong kaibigan.
Kaya naman napa tingin ako sa lalaking kaharap ko.
'Ay putik, naka ngiti ang loko.. “ you're so cute” naka ngiting sabi ng mokong 'mas cute ka' sagot naman ng marupok kung damdamin.
“anong pinag sasabi mo Sissy, parang hindi ka nasanay saakin ah. Natural kaya namumula ako kapag naiinitan ako” sagot ko…ay bakit parang napaka defensive ko naman ata
“naiinitan ka… Seryoso Sissy? Napaka lamig kaya dahil mukhang umulan kanina. Oh basang basa pa ang lupa at mga halaman.” ani nang kaibigan ko. At kitams, nginitian ako nang G*ga at may panunudyong tingin..
Samantala sa kabilang dako naman ay muling bumalik si Josef Follox sa Zamboanga, kung saan nag aaral ang dalagitang lihim niyang iniimbistigahan. Malakas ang kutob ni Josef na ang babaeng binigyan nila nang scholarship na nag nga-ngalang Faith Catillo ay ito na nga ang nawawalang prinsesa nang Mafia Lord na si Paul Santiban. Ang kaniyang bayaw.
“Mr Follox, natutuwa kaming muli kayong bumalik at bumisita dito sa bayan at paaralan namin. Anong meron at bumalik kayo? Isasama niyo na ho ba yung limang students na napili niyo ho.” mahabang sabi nang principal
“ oh okey…about Faith Catillo, I want more information about her. Can you tell me? ” saad ni Josef
“why Mr Follox…it's anything's wrong?”
“nothing, I just want to know kung anong record nila bago ko sila patirahin kasama ng anak ko.” pag dadahilan nito.
//Continue