Chapter 9

1061 Words
“INAY aalis na ho ako” paalam ni Faith sa ina tsaka nag mano. Napag isip isip niyang pumasok parin sa paaralan at huwag na pansinin ang mga taong nasa paligid niya kung sakaling may marinig man siyang hindi magagandang salita. “sigurado kaba anak?” “oho at kasama ko naman po si Akira” sagot niya. Kaya naman niyakap sya nang ina at hinalikan sya sa pisngi “kahit anong marinig mo at sabihin nang mga tao. Huwag mona pansinin anak ha. Isang linggong pag titiis lang anak. Makaka layo kana rin dito.” ani ni Angel sa anak. Dahil Umagang umaga palamang ay kalat na kalat na ang tsismis sa bayan nila. Ang iba ay magagandang salita ang sinasabi ngunit meron rin mga taong mapang husga. Kaya naman ang tingin nang iba sa mag-ina ay mang gagamit at pakitang tao lamang ang kabutihan nang mga ito umano para mauto at maperahan nila ang mga Rosales. Kahit hindi naman iyon totoo at alam ni Angel nA kagagawan umano ni Senyora Barbara ang maling tsismis na kumakalat. At Kanina lamang pagka tapos nilang kumain ay naka tanggap nang tawag si Faith at isang napaka gandang balita ang kaniyang narinig. Dahil pasok siya at katulad nang inaasahan ay napili nga siya sa sa masuwerteng mag-aaral na nabigyan nang scholarship at makaka pag-aral sa maynila. “Opo Nay”tugon niya. At katulad nanga nang inaasahan ni Faith ay nasa sakaniya ang mga mata nang mga taong nadadaanan niya ang iba ay nag bubulungan pa. Dati ay alam niyang sobrang nagagandahan ang mga Tao sa kaniya sa bayan nila. Ngunit ngayon ay ibang dahilan na kung bakit sya pinag bubulungan at tinitignan na animoy napaka sama at rumi niyang babae. “Mare, totoo ba?ipapakasal ni Donya Lygia ang apo niya sa anak nang labandera nila?” ani nang babaeng nadaanan ni Faith. May apat na babaeng naka edad na. Nasa forty to fifty plus ang mga edad nang mga ito. Dahil sa tanong na iyon ay naagaw ang pansin ni Faith. Ngunit hindi niya nilingon ang mga tsismosa. “ Oo Mare, ginamit ang ganda para maka bingwit nang mayaman.” “ang bata, bata pa. Napaka landi na…mukha lang palang matino at mabait. Pero nasa loob ang kulo.” “kumwari mabait, para mahuthutan nila ang mga Rosales..” “syempre Mare practical ang mag-inang iyon. Gagamitin ang ganda at pakitang taong kaluoban para mauto nila ang matandang Donya.” iilan lang iyon sa mga narinig ni Faith, ngunit hindi na siya nag abalang tignan ang mga tsismosa. Ngunit pakiramdam niya ay naka tingin ang mga ito sa kaniya habang nag-uusap. Ipinikit na lamang niya sandali ang mga mata niya tsaka humugot nang malalim na hininga. Upang ikalma ang sarili. “Hoy mga tsismosang mga manang. Kay Aga, aga tsismis na kaagad ang inaalmusal niyo. Mag linis nga kayo nang bakuran niyo. Hindi yung dito kayo nag kakalat. Bakuran nang iba ang pinapakelaman niyo!” matapang na sabi nang pamilyar na boses kaya naman napa lingon si Faith. At napa ngiti nang tipid nang makita ang kaibigan. “pasensya na ho” mahinang sabi ni Faith sa mga taong naka tingin sa kanila. Tsaka hinila ang kamay nang kaibigan. . “ikaw talaga Sissy bakit mo iyon ginawa? Matatanda parin sila. At hindi ganon ang tamang asal. Dapat hindi mo nalang pinansin” saad niya sa kaibigan nang maka layo na sila nang konti sa mga taong tsismosa. Samantala papauwi na si Ariel habang lulan sya nang kaniyang kotse. “g*gong 'yun, nasapak pa ako ah. Putcha matapang lang ang g*go dahil maraming tauhan at may b***l” ani ni Ariel habang paminsan tinitignan ang nasaktang panga sa salamin.. Matapos niyang maka harap si Eljay ay hindi narim sya nag tagal sa bahay nila Tide. Naisipan niyang bumalik upang maka pag palit. Dahil gusto niyang maka harap at maka usap si Elice. Gusto niyang linawin sa babae na wala talaga syang nararamdaman dito. Kundi bilang kaibigan lamang. Gusto niyang sabihin na huwag na itong umasa at patayin na kung ano man ang nararamdaman nito para sa kaniya. Habang patuloy sa pag mamaneho si Ariel ay nalulunod naman ang isip niya. Sa mga problemang kinakaharap niya. Kaya naman hindi na niya napansin ang dalawang babaeng papatawid nang kalsada. “Faith!” gulat at nanlalaking mga mata ni Akira tsaka malakas na natawag ang pangalan nang kaibigan nang makita ang sasakyan na sobrang lapit na sa kanila. Mabilis hinila ni Akira ang kaibigan ngunit, ito naman ang nabunggo na dapat ay si Faith “Jusko! Akira…Akira Sissy…Sissy naririnig mo ako. Akari! Tulong…” nahihintakutang sabi ni Faith, habang nanlalaki ang mga Mata nito at pilit ginigising ang kaibigan. Nanlalaki naman ang mga Mata ni Ariel at napigil niya ang kaniyang pag hinga nang mapag tanto niyang naka bangga siya. “d*mn d*mn d*mn” sunod sunod na mura nang lalaki at mabilis itong bumaba ng sasakyan. Kaagad itong lumapit sa dalawang babae at hindi na niya napansin ang umiiyak at sumasaklolong maputing babae. Dahil naka tuon lamang ang atensyon niya sa babaeng nasagasahan niya. “Sh*t! A- I'm sorry hindi ko sinasad'ya— “Bilis! Dalhin natin siya sa hospital!” saad nang umiiyak na babae, kaya naman niyon lamang nilingon nang binata ang babaeng umiiyak. At halos animoy naka kita nang multo ang binata dahil sa labis na pagka gulat. Napa awang ang kaniyang bibig at nanlaki ang mga Mata nito nang mapag sino niya ang babaeng umiiyak. “ano pang hinihintay mo?! Itayo mona ang kaibigan ko…dalhin natin sya sa hospital!” malakas na sabi nang babae na halos ika bingi na ni Ariel. “Akira, gumising ka.…Sissy kapit lang, dadalhin kana namin sa hospital—bilisan mo!” ani nang babae at muli na naman nito sinigawan si Ariel. Kaagad pina harurot ni Ariel ang kaniyang sasakyan. At habang nag mamaneho ay palipat lipat ang tingin niya sa babaeng umiiyak at sa babaeng walang Malay na nabangga niya. “Sissy, Sissy malapit na tayo Akira—manong paki bilisan! bilisan mo Pa!” sabi nang babaeng maputi habang hindi parin nito natitignan si Ariel. 'D*mn what the…sh*t anong tinawag niya saakin…ako manong? Hindi baniya ako nakikita? Matanda naba ako? Or malabo lang ang mga Mata niya kaya tingin niya saakin ay isang Manong' mahabang saad nang isip ni Ariel. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD