PASULYAP sulyap si Lino sa babaeng walang Malay na nasa backseat. Habang si Eljay naman ay tahimik lamang na nag mamaneho. “ang kinis at ang ganda niya” namamanghang sabi ni Lino “snow white s***h sleeping beauty…parang diwata…saan ba natin dadalhin 'to Eljay?” pag papatuloy ni Lino. “can you shut up Lino.. Hindi kaba napapagod mag salita? Kasi ako pagod nang makinig sa'yo, hindi ako maka pag isip ng maayos kakadaldal mo. Isa pa talagang sisipain na kita palabas ng kotse at iiwan kita” naiinis nang sabi ni Eljay sa kasama. Mula pa nang maka alis sila ng Maynila, hanggang sa maka rating sila ng Zamboanga ay daldal parin ito nang daldal. Sobrang habang biyahe kaya naman sobrang naririndi na sya sa kakadaldal ng kaibigan. “napaka high blood mo talaga.. Haayst Sana maka rating na tayo. P

