GALIT na napa tayo si Mr George matapos sabihin ng mga tauhan na tumakas ang apo niyang si Sheryl o Faith. Ang dalawang tauhan niya ang nag ligtas sa dalaga. Nasa Indonesia sya nang ibalita sa kaniya ng mga tauhan ang tungkol sa nangyare sa apo niya. Kaya naman madali syang bumalik ng pinas at dumeretso na sya sa Zambonga. “Hanapin niyo ang apo ko, hindi ko kayo sinasahuran para mag tanga-tangahan lang!” galit na sabi ni George sa mga tauhan. Habang si Faith naman ay natapos na niyang hugasan ang pinag kainan niya. Kamuntikan pa silang mag talo ni Damulag, dahil gusto nitong hugasan ang pinag kainan ng dalaga. At dahil mapilit si Faith ay siya na ang gumawa nun at hindi na nag pumilit ang lalaki. “Kayu lang ba tatlong mag kakapatid na naka tira dito?” ani ni Faith habang pinunasan n

