‘Ang baboy naman n’yang babae!’ ‘Sa public place pa talaga siya nag-ganiyan?’ ‘Kawawa siguro ang anak nito tapos makikita pa niya na ganito ang ginagawa ng ina niya.’ ‘Halata naman na may anak na ‘yan! May katandaan na pero lumalandi pa rin.’ ‘Ang lala ng kalandian ni Ate! Kabog na kabog sa inuman. Naku! Kaya ‘yong asawa ko ‘di ko pinapapunta sa mga ganitong klaseng lugar!’ ‘Para sa pera, ibibigay ang kaluluwa.’ ‘Baka gayahin lang din ‘yan ng anak niya kung may anak man siya.’ Marami pa akong mga nabasa na comments na masasama na tungkol sa kaniya. Kahit sa isip ko ay hindi ko na siya matawag na ‘Mama’ dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging ina ko. Wala na nga siyang nagawa na tama sa akin bilang ina ko siya. Tapos ganito pa rin a

