S E X buddy?! Nababaliw na ba talaga ang lalaki na ito? Noong una ay sinasabihan niya ako na gusto niya akong halikan, tapos totoo nga na hinalikan niya ako! Kahit na may mali rin naman ako roon dahil hindi ko siya pinigilan na gawin 'yon sa akin. Pero ngayon ay sumosobra na ang mga salita niya sa akin at hindi na talaga katanggap-tanggap. "Alam ko na may ideya ka sa kung ano ang background history ko, Mr. Ethan. Nasa isip mo siguro na easy to get lang ako dahil lumaki ako sa hirap, lumaki na walang ama o kulang sa aruga o kung ano pa man ang mga nalalaman mo tungkol sa akin. Pero gusto ko lang na linawin sa 'yo na naghanap ako ng matinong trabaho dahil 'yon ang kailangan ko. Oo, kailangan ko nga ng pera para mabuhay sa mahirap na mundo na ito. Pero hindi naman ako--" "Ssshhh, Pyper. Al

