CHAPTER TWELVE

3042 Words
PAPUNTA SA KANYANG KOTSE si Ashley ng mapansin niya na may pinagkakaguluhan ang mg estudyanteng babae sa isang bahagi ng parking lot. Nagtagpo ang kilay niya. Sino naman kaya ang pinagkakaguluhan ng mga ito? She is curious but she doesn't have time for that. Unang araw ngayon sa school at marami siyang gagawin pag-uwi ng mansyon. Nagsisimula na kasi siyang pag-aralan ang negosyo ng pamilya. She asks her father secretary to send her some documents. Of course, with her father consent, they let her have that private information. Nagustuhan nga ng kanyang ama ang ginawang desisyon. She wanted to hold her father company. Bata palang siya ay alam na niyang sa kanya mapupunta ang pamamahala ng Cazza Pilar. Siya lang ang anak ng kanyang magulang. She is only child and the only person who can manage the company. Hindi naman pwede ang dalawang pinsan niya dahil may sariling kompanyang hahawakan ang mga ito. Bubuksan na sana ni Ashley ang pinto ng kanyang kotse ng may narinig siyang tumawag sa kanya. Napahigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa bukasan ng kotse. Nakangiting si Lorenzo ang nakita niya ng tumingin siya sa pinanggalingan ng boses. She tried to hide her emotion. "Excuse me, girls." Umalis ito sa pagkakasandal sa kotse nito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. Ashley watches him walk. Hindi nakakapagtaka na lapitin ito ng mga babae. Sa tindig pa lang nito ay talagang napakagwapo ni Lorenzo. Simple lang ang suot nito pero nakaka-agaw pansin. 'Kaya marami din siyang nalulukong mga babaae,' sabi ng kanyang isipan. Bago pa natauhan si Ashley ay tuluyan ng nakalapit sa kanya si Lorenzo. Tumayo ito sa harap niya. May isang magandang ngiting naka-ukit sa labi nito. Hindi tuloy napigilan ni Ashley na mapatitig sa ngiting iyon. "Tapos na ang klase mo ngayong araw?" May lambing na tanong nito sa kanya. Tumungo siya bilang sagot. Hindi niya pa rin maalis ang tingin sa labi nito. Bakit kasi ang ganda ng ngiti ng lalaki? May kakaiba sa ngiti nito na hindi niya mapapaliwanag. Nang-aakit iyon at humahaplos sa kanyang puso. Ngayon niya lang napansin na maganda pala ang ngiti ng lalaki. "Kung ganoon ay pwede kitang maayang magmeryenda?" Doon ay parang natauhan si Ashley. Napakurap siya at napatingin sa mga mata ng binata. May ningning iyon at parang natutuwa sa nakikita. Ibinalik niya ang malamig na aura. "May importante akong gagawin," aniya at binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Ngunit mabilis na napigilan ni Lorenzo ang kamay niya. Para naman napapasong binawi niya ang kamay dito. Napa-atras siya ng may naramdamang kuryenteng dumaloy sa kanyang kamay. Napalunok siya dahil iyon ang unang pagkakataon na nakadama siya ng ganoon sa isang simpleng hawak. Ibinalik niya ang tingin sa binata. "Baka pwede mo akong pagbigyan, Ashley. Gusto kong makabawi sa ginawa kong kamalian sa iyo noong nakaraang linggo. I know what I did is wrong. I already apologies to Timothy Navarro but he said that I should say sorry to you instead. You are the one who most offended with my action." Malungkot ang boses na wika nito. "You talk to Kuya Tim?" Gulat niyang wika. "Yes! I'm sorry." Hindi siya nagsalita. Pinakatitigan niya lang ang binata. Mamaya pa ay isang malalim na paghinga ang ginawa ni Ashley. "If Kuya Tim accept your apology then it's alright with me. Let forget it." Wala na din naman siyang magagawa pa. She doesn't want to stay mad to someone. He said his apology to Kuya Timothy and it's enough for her. At saka, biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ni Kuya Timothy na maaring may gusto sa kanya si Lorenzo kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Gusto niyang tuldukan na kung anong meron sila ng binata. She doesn't want to get involve with him anymore. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Lorenzo. "Thank you, Ashley." Hahawakan sana siya sa braso ng binata ngunit mabilis siyang umiwas. "Look, I accept your apology for what you did but that's it. I can't accept you as my friend." Tahasan niyang sabi. "But---" "Let's pretend that we don't know each other." Bahagya niyang itinulak si Lorenzo at mabilis na sumakay ng kanyang kotse. She wants to get away from him. Hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng kanyang puso at katawan sa binata. Walang nagawa si Lorenzo ng iniwan niya ito sa parking lot ng eskwelahan. Hindi niya ito nilingon dahil natakot siya sa maaring makita. Sa unang pagkakataon ay natakot si Ashley. Natatakot siya sa kanyang nararamdaman. "PLEASE, LEAVE me alone." Inis niyang singhal kay Lorenzo. Nasa paaralan na naman kasi niya ang binata at kinukulit na naman siya. Sa loob yata ng isang linggo ay dalawa o tatlong beses niya itong nakikitang nandoon. He even knows her schedule. Nais niya sanang magsumbong kay Dennis ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya din gustong magkaroon ng lamat ang relasyon ng magkapatid ng dahil sa kanya. Natatakot din siyang magsabi sa dalawang pinsan. Baka ikapahamak lang iyon ni Lorenzo. Nasisigurado niyang kapag sinabi niya sa dalawang pinsan ay gagawa ng paraan ang mga ito ngunit hindi sa magandang paraan. Cole is cruel to someone who will hurt the people he treasures. Gumaganti ito sa paraang alam nito at kapag na-isipan nito ang bagay na iyon ay wala ng kawala kahit sino. Alex is the same as Cole. Maluko man ang pinsan ay marunong itong magpahala ng isang tao. Kaya hindi niya masabi sa mga ito ang problema niya. "Ashley, I can't accept your answer. Give me a chance to be your friend. Ano ba kasing problema kung maging magkaibigan tayo?" Nakaharang sa pinto ng kanyang kotse ang binata. Hindi niya ito matulak dahil may mga taong nandoon at nakatingin sa kanila. Marami ng babaeng laging tumatambay sa parking lot dahil sa binata. Nagtataka nga siya kung paano nakakapasok ang lalaki sa paaralan nila gayong hindi naman ito estudyante doon. "Give me a valid reason why we can't be friends." Matigas na sabi nito. Ashley suddenly froze at where she standing. Hindi niya masagot ang tanong ng binata. Anong isasagot niya sa tanong nito? Pinakatitigan lang niya ang lalaki bago huminga ng malalim. Lorenzo become a pain in her ass for a month now. He is persistent. "Ano bang makukuha mo kung maging magkaibigan tayo? I don't see it as necessary to be your friend, Madrigal. Sapat ng si Dennis ang may ugnayan sa akin," aniya. "Dennis and I are different people. At saka, I wanted to be your friend. No reason for that." Huminga ng malalim si Ashley. "I don't want to be friend with you. Sabihin na lang natin na magkakilala tayo. Kapag nagkita tayo sa isang lugar ay babatiin kita. Is that enough?" Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Lorenzo. "Bakit ba ang hirap makuha ang matamis mong 'Oo', Ashley." "Because I'm not like the girl you meet before." Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Lorenzo. "Yes! You are not like them. You are very different from them. At iyon ang nakakuha sa akin ng atensyon." Nais mapa-atras ni Ashley ng unti-unting naglakad palapit sa kanya si Lorenzo. May isang mapang-akit na ngiti ang makikita sa labi nito. Pinanatili ni Ashley ang kalmadong aura kahit na nagwawala na ang puso niya. It's beating irregularly. Malapit na siyang masanay sa ganoong uri ng t***k ng kanyang puso sa tuwing ganito kalapit ni Lorenzo. He has this affect in her heart that she can't explain. "You don't need to compare yourself to them, Ashley Cortez. Dahil kahit para sa akin ay hindi ka katulad nila. You are far different from them. You are better from them." Bulong nito at nilampasan siya. Sinundan niya ito ng tingin. Itinaas lang ni Lorenzo ang kamay at parang bang sinasabi na iyon muna sa ngayon ang gagawin nito. Sinundan na lang ni Ashley ng tingin ang binata hanggang sa makasakay ito sa kotse nito. Para naman nabununtan ng tinik ang dalaga ng tuluyan maka-alis ang binata. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkikita nila ng binata. Now that she lowers her defense a little bit. Lorenzo will surely be coming after her more. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya at sumakay na lang ng kotse niya. May pupuntahan pa nga pala siya. Kailangan niyang iwaglit sa kanyang isipan ang problema kay Lorenzo. She drove her car to Makati City. Nang marating ang isang mataas na building ay tuloy-tuloy siya sa parking lot. Ipinarada niya ang kotse sa regular spot nito. Pagkababa ay agad niyang kinuha ang I.D at isinuot iyon. Walang humarang na guard sa kanya dahil kilala naman siya doon. Sumakay siya ng elevator na regular nilang ginagamit ng ama. Nang makasakay ay pinindot niya ang pinakamataas na floor. She is there to get serious. Wala siyang kasama sa loob ng elevator kaya kinuha niya ang phone at nagpadala ng mensahe sa pinsan na si Alex. Hinihiling niyang nandoon na din ang pinsan para may kasama siya. Nang marating niya ang top floor ay agad niyang nakita ang nakatayong receptionist. Lumapit siya sa mga ito at ipinakita ang I.D. Ngumiti lang ang mga ito at hinayaan siyang makapasok sa isang pinto. Agad na tumayo ang sekretarya ng kanyang ama ng makita siya. "Magandang umaga, Ma'am Ashley." Bati ni Jason sa kanya. "Hello, Mr. Simson. Is Mr. Cortez inside?" Magalang niyang tanong dito. "Sir Cortez is inside Ma'am Ashley. He is with your cousin Mr. Kim." Sagot nito. "Alex is here already?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napakabilis naman yata ng pinsan niya. Ang alam niya ay may pasok din ito ng araw na iyon pero hindi kasi katulad niya ang pinsan. Ngayong magtatapos na ito ay kunti na lang ang subject nito at minsan na lang ito sa paaralan. Next sem ay wala na talaga itong pasok sa school at tutok na lang sa negosyo ng pamilya. Iyon na din ang magsisilbing OJT nito. "Yes, Ma'am. He arrives ten minutes ago." Tumungo siya. "Thank you." Nilampasan na niya ito at lumapit sa pinto ng opisina ng ama. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakita niya ang ama na pang-isang sofa habang ang pinsan ay sa mahabang sofa. Ngumiti siya ng sabay na tumingin ang mga ito sa kanya. "Good afternoon everyone." Masayang bati niya. Lumapit siya sa ama at humalik sa pisngi nito. Pagkatapos batiin ang ama ay lumapit siya sa pinsan at umupo. Bumalik agad sa seryusong mukha ang ama. Her father is like that. Seryuso talaga ito pagdating sa negosyo. Tumingin siya sa pinsan. Seryuso din ito kagaya ng ama niya. Mukhang may importanteng pinag-uusapan ang mga ito. "Anong pinag-uusapan niyo? Pwedeng malaman?" siya na ang bumasag ng katahimikan. Nagkatinginan ang dalawa bago itinuro ng ama ang papeles na nasa mesa. Napatingin siya doon. May logo iyon ng Kingstate at Cazza Pilar. Kinuha niya iyon at binasa. "It's about the expansion of Cazza Pilar. May gusto akong itayo na facility para sa pharmaceutics company natin. I'm asking Alex for the lot space," wika ng kanyang ama. Tumungo siya. Balak ng ama niya na magtayo ng isa pang facilities para ma-accommodate ang mga demand ng gamot sa merkado at para na din sa experiment. Mukhang malaking facilities ang balak ng kanyang ama dahil nakasaad doon kung gaano kalaki ang lupang kailangan nito. Napatingin siya sa pinsan. "Can you accommodate this?" Seryuso niyang tanong. "We are already looking for the perfect spot, Ms. Cortez. Iyong walang maapektuhan na mga bahay at residente. Hindi naman kasi pwedeng basta na lang tayo kumuha ng lugar na maraming taong nakatira sa paligid. Pagawaan ng gamot at laboratory ang itatayo natin. There should be a distance from residence. It's not safe for their health." Tumungo siya. "Thank you for considering those things, Mr. Kim. How long we are going to wait for this?" "There's a lot in Cavite that selling to us. Sakto siya sa gusto niyong bilhing lupa. Isa lang ang problema, may ilang residente na maapektuhan. We are going to negotiate with them by the end of the month. We will update you once we talk to them." Paliwanag ni Alex. "Offer them a new home. We can give them a better house and even a job. They can sell their lot and house to us," sabi ng kanyang ama. "Is it too much, Mr. Cortez?" She reacts to her father's decision. "I badly needed that lot, Ashley. And we are planning to buy their home. We better offer more." Tumingin ang kanyang ama kay Alex. "Give them my condition, Alex. I can pay more enough." "Okay. I tell them that." Tumingin sa kanya ang pinsan. "Ash, don't be hush. Pag-aralan mo muna mabuti ang negosyo bago ka magsalita. If you want something, learn to negotiate in good way. This is your first day here?" "Yes." Tumingin siya sa ama. Seryuso itong nakatingin sa kanila ni Alex. Ngayong araw ang simula ng kanyang training para pag-aralan ang negosyo ng kanyang ama. Alam niyang magsisimula siya sa ibaba lalo na at hindi naman business course ang kinuha niya. Alam niyang huhusgahan siya ng mga tao lalo na ang mga board of directors. Hindi magiging madali ang pagpasok niya sa kompanya ng ama. "Tito, don't be hush to her." May paki-usap ang boses ni Alex sa kanyang ama. "I'm not going to baby set here, Alex." Walang emosyong wika ng ama. Uminum ito ng tubig. "But she doesn't know about the business world. Kailangan niyo siyang unti-untiin. Ashley needs to catch up in a good way." "Alex, you inter the business world in a cruel way kaya ka successful ngayon. Ashley needs to overcome this with her own. Alam kung iba ang nais niya at wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ang negosyo ko. I want her to learn in a hard way to be successful. Sa una palang ay dapat na niyang malaman na pagdating sa business world ay hindi madali ang lahat. She needs to be vigilant to survive." Malamig ang boses na wika ng ama. "Tito..." Tutol pa sana si Alex ng hawakan niya ang kamay nito. "I'm not a weak woman, Alex. Hindi ba at inihanda niyo na ako ni Cole para dito. I learn a lot from two of you. Alam ko ang papasukin ko at handa na ako sa maaring mangyari. Malayo man ito sa pinag-aaralan ko ngayon pero handa akong matuto. Handa ako sa maaring mangyari at sa pagsubok na papasukin ko. I thought you and Cole believe on me?" May lungkot niyang tanong sa pinsan. Hindi na nagsalita pa si Alex. Huminga lang ito ng malalim at tumingin sa kanyang ama. "Saan niyo siya ilalagay ngayon na papasok na siya sa kompanya niyo, Tito?" May pag-aalalang tanong ni Alex. Her cousin will never change. Para sa mga ito ay dapat pa rin siyang alagaan at protektahan. Ito ang kinakatakutan niya kapag nalaman ng mga ito na kinukulit pa rin siya ni Lorenzo. They are all over protective of her. Cole at Alex always shelter her and making sure that she will be okay. Ayaw ng mga ito na nakakaranas siya ng paghihirap. The pick of being the only woman in the family. "She will start at the sinema production. Dahil may background siya sa ganoon ay doon siya magsisimula. Half a year in production as Mr. Martinez assistance." "What?" Sabay na sigaw nila ni Alex. Tumaas ang kilay ng kanyang ama. "May problema ba?" "Tito, are you saying that Ashley will be Yatch's secretary?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex sa kanyang ama. Tumungo ang kanyang ama. "Yatch know everything when it comes to movie and drama series. Matutulungan siya ni Yatch na mapag-aralan ang field na iyon." "Pero Tito, alam mo na hindi magkasundo si Yatch at Ashley dahil sa nangyari noon kay Peter. They will c—" "And that's the thing Ashley need to work on, Alex. Unang-una, pagdating sa negosyo ay kailangan mong maging professional. You need to set aside your personal issue and feeling. Alam mo iyon, Alex." Tumingin sa kanya si Alex na puno ng pag-alala. Ngumiti siya sa pinsan para ipakita dito na okay lang siya. May punto ang kanyang ama. She needs to be professional. Hindi nakakabuti kung iiwasan niya ang pinsan. Kahit ano naman ang gawin niya ay talagang makakasalamuha niya ang pinsan dahil na rin sa parte ang mga ito ng kompanya nila. She needs to work hard to get on the top even work with the people that she doesn't like. Humarap siya sa ama na nakatingin din pala sa kanya at hinihintay ang sagot niya. "It's fine with me. I can work with Kuya Yatch. Just tell me going to officially start as his assistant." Sagot niya sa ama. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa kamay niya. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya. Kuya Yatch is not really a nice person. Ito ang rason kung bakit wala sa bansa ang pinsan niyang si Peter. Si Peter lang ang tanging malapit na pinsan sa kanya sa side ng kanyang ina pero na putol iyon ng pinatapon ito ng Canada dahil lang sa isang issue na walang katutuhanan. She is very young back then. Wala siyang nagawa para ipagtanggol ang pinsan. Nang pinatapon sa Canada si Peter ay pinutol ng pamilya nito ang lahat ng ugnayan ng binata sa mga taong malapit dito sa Pilipinas. Ang huling balita nila ni Alex ay nasa maayos naman na kalagayan ang pinsan at baka umuwi na din ng bansa pagkatapos ng pag-aaral nito. May sariling negosyo na din itong sinisimulan ngayon. She is happy for Peter's success. Mas magaling pa ito kaysa kay Kuya Yatch pagdating sa paghawak ng negosyo. "How about now?" Tumayo ang kanyang ama. "Now?" tanong niya. "Tito----" "Bakit ayaw mo bang magsimula ngayon?" Pinagdikit ni Ashley ang mga labi. Mukhang tutuhanin nga ng ama ang sinabi nitong hindi siya ituturing na anak at babae. He will teach her in the hard way. Kailangan niya palang ihanda ang sarili sa maaring mangyari sa kanya ngayon papasukin na niya ang mundo ng kanyang ama at pinsan. Hindi na magiging madali ang lahat sa kanya. Lalo pa nga at ang magiging big boss niya ay ang pinsan na may masamang ugali para sa kanya. Tumayo siya at kinuha ang bag. "Let's go, Dad. I'm ready to start."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD