ASHLEY IS reading the script for the upcoming movie. Ito ang bagong movie na gagawin ng kompanya. Gawa iyon ng isang kilalang writer sa bansa. They pay for the copyright to revise the plot of the story. Well, kunti lang naman ang binago nila pero natural lang naman iyon sa ganoon klase ng industriya. Para naman may kaaabangan ang mga tao maliban sa magiging live action adaptation.
Nasa isang café siya ng mga sandaling iyon. Katatapos lang ng unang klase niya at iyon agad ang una niyang hinarap. It was her first assignment. Iyon ang ibinigay sa kanya ni Yatch na trabaho. Kailangan niyang pag-aralan ang script na iyon dahil magsisimula na ang casting next week. According to her cousin, it's the first step. Ayon pa dito ay kailangan daw niyang basahin ang libro para mas ma-intindihan daw niya ang personality ng character para sa pagpili ng taong gaganap dito.
She is drinking her favorite shake when someone setting next to her. Nagtaas siya ng tingin at nagulat ng makita ang isang lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay. It was Terence Javier. Isa ito sa mga masugid niyang manliligaw noon ngunit ilang beses din niyang tinanggihan dahil sa hindi niya ito type. They are in the same school and he is one of the famous basketball players. Maliban pa doon ay galing din ito sa kilalang pamilya pero hindi naman kasi iyon ang batayan niya. She is still looking at the personality of someone.
"Hi, Ashley. Long-time no sees. Kamusta ka na?" Isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay ng lalaki sa kanya.
Ibinalik ni Ashley ang tingin sa binabasa. Nagpanggap siyang walang narinig at nakita. Wala siyang oras para pansinin ang lalaki. Kailangan niyang matapos ang binabasa dahil marami pa siyang school papers nagagawin. She is balancing her time. Isa iyon sa dapat niyang matutunan ayon kay Alex. Business world is a busy world. Ayon kay Alex ay dapat maaga siyang magising at late matulog. It was part of their job to be a busy person. Unang hakbang palang ang ginagawa niya at hindi siya pwedeng pumalpak. Dito nakasalalay ang magiging future niya. She will be holding the company. That's her goal.
"Hanggang ngayon ay napakasuplada mo pa rin. Hindi ka parin pala nagbabago. Kaya nga gustong-gusto kitang maging kasintahan." Napansin niyang ipinatong ni Terence ang siko sa mesa at pinagmasdan siya.
Alam ni Ashley na hindi siya titigilan nito kaya nagpasya siyang lisanin ang lugar. Ililigpit n asana niya ang gamit ng may umupo sa bakanteng upuan. Napatingin siya sa bagong dating. Nais magmura ni Ashley ng makita ang lalaking ngayon ay masamang nakatingin kay Terence. Isa pa sa mga sa ulo niya. Seating next to her is Lorenzo Madrigal.
"Hi! May I know you?" tanong ni Terence kay Lorenzo.
"Daniel Lorenzo Madrigal." Malamig na sagot ng lalaki.
"Oh! The famous Madrigal. Terence Javier." Inilahad ni Terence ang kamay sa harap ni Lorenzo.
"I don't want to shake hands with a man who is flirting with my girlfriend."
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Terence. Napatingin pa nga ito sa kanya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Nagulat din naman si Ashley ngunit hindi niya pinahalata kay Terence. If she wanted to be with someone between them, she absolutely chooses Lorenzo. Mas hamak kasi na mabait ang binata at matino kay Terence na may nababalitaan siyang masamang ginagawa sa babae. Simula ng magtapos ito ay marami ng masamang balitang lumabas patungkol sa dating manliligaw. Cole at Alex told her to stay away from a man like Terence.
"Stop looking at my girlfriend. Can you leave now?" Madilim ang mukhang sabi ni Lorenzo.
Ibinalik ni Terence ang tingin kay Lorenzo at ngumisi.
"You don't need to tell. I leave you to love birds." Tumayo na si Terence. Ang akala niya ay aalis na ito pero tumingin lang ito sa kanya. "Oh! Please tell your cousin Cole I said hi. I hope I see him at my stepsister's birthday. He should bring a lovely gift for her. Maybe a rope to be used by my father to her."
Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang lalaki na may saya sa mukha. Napahigpit ang hawak ni Ashley sa script na hawak. Nagtaas baba ang dibdib niya. Alam niyang pang-iinsulto sa pinsan niyang si Cole ang sinabi nito. She doesn't need to ask to Cole for what Terence mean. Nalaman namin ni Alex ang totoong nangyayari sa ngayon ay kasintahan ng pinsan nilang si Cole. At kumukulo ang dugo niya dahil alam ni Terence kung anong ginagawa ng ama nito sa step sister nito.
"How did you know him?" Ang tanong na iyon ang nagpatigil sa kanya sa paghabol ng tingin kay Terence.
Napatingin siya kay Lorenzo na may pag-aalalang nakatingin sa kanya. Ashley suddenly calm down. Kapag ang mga pinsan talaga niya ang pinag-uusapan nila ay nagbabago ang mode niya. Kung over protective ang dalawa pagdating sa kanya ay ganoon din naman siya. She hates being treating her cousin like that.
"Dati ko siyang manliligaw. Thank you saving me from him," aniya.
"He courts you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo.
Tumungo siya. "Yes. I was in my first-year college and he is in his last year."
"Really? Hindi siya nakapasa s aiyo? Hindi mo siya sinagot?"
Tumaas ang kilay ni Ashley sa uri ng tanong ni Lorenzo. Binitawan niya ang hawak na script na nagusot na sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Seryuso niyang hinarap ang binata.
"I'm not like the other girls who jump with a famous guy. Hindi isang tulad ni Terence ang kukuha ng atensyon ko." Hindi niya itinago ang inis sa binata.
"Hey! Calm down. Wala akong ibig sabihin sa mga tanong ko." Itinaas pa ni Lorenzo ang kamay nito.
Inirapan niya lang ito at ibinalik ang atensyon sa script na hawak. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Her day is already ruined because of Terence. Akala niya ay hindi na ito magpapakita pa sa kanya pagkatapos ng mga nangyari noon.
"Tinigilan ka ba niya ng magtapos siya ng pag-aaral?" Mukhang hindi titigalan ni Lorenzo ang topic na iyon.
Ipinasok niya ang hawak na script sa bag at hinarap muli ang binata. Seryuso na ang mukha ni Lorenzo. Nais ba talaga nito malaman ang tungkol sa kanila ni Terence. Kung may mas makulit sa dalawa ay si Lorenzo na iyon. Pinagbantaan na ito ni Cole pero hindi man lang ito natakot o lumayo man lang sa kanya. Lorenzo has more guts that Terence.
"Tumigil siya ng pagbantaan ni Cole ang negosyo ng kanyang ama. At alam din ni Cole ang ginagawa niyang kalukuhan. Wala siyang laban kay Cole noon dahil wala pa siyang hawak na anong kapangyarihan sa negosyo ng ama niya. Cole can easily swipe everything he have. Alex can do the same." Tapat niyang sabi dito.
Iyon naman talaga ang rason noon. Cole knows that Terence dark secret. Kung ano iyon ay hindi niya alam basta sinabi lang sa kanya ni Alex na hindi na siya gagambalain pa ni Terence dahil ginawan na ni Cole ng paraan. Ayon din sa pinsan ay tumulong din si Tita Ivy. Ang alam niya ay kapag ang ina na ng pinsan ang gumalaw ay ibang usapan na nga daw. Tita Ivy knows a lot of people because of his husband.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Lorenzo. "Ganoon nakakatakot ang pinsan mong si Cole. Ano bang meron sa pinsan mong iyon at nakaya niyang takutin ang isang Terence?"
"You don't know exactly about Cole, Lorenzo. Hindi simpleng tao lang ang pinsan ko. Hindi ka ba nagtataka kung bakit iilan lang ang nakaka-alam na ang pinsan ko ang namamahala ng Redwave. Na hindi lumalabas sa pahayagan na ito ang CEO ngayon ng kompanya ni Tita. Redwave is a big company. They are one of the biggest companies in the Philippines. At kung ipagsasama ang kompanya ng pamilya namin ay ang pamilya Cortez sana ang pinakamayaman pamilya sa bansa. Dahil kompanya pa lang ni Cole ay kaya ng lumaban sa kahit kaninong kompanya. Cole is a powerful person. Tita alone can-do impossible thing if she wants too."
Tumungo si Lorenzo. Alam nito kung gaano kamapangyarihan ang pamilya ni Cole. Kaya nga maraming takot dito. He is smart and powerful. Hindi sa pagmamayabang pero ang pamilya nila ay hindi siyang simpleng tao. Watak lang talaga ang pamilya Cortez dahil na rin sa nakaraan. Ang kanyang Lolo at Lola ang dahilan kung bakit huli na nila nalaman na pinsan pala nila si Cole at Tita nila si Tita Ivy. They introduce their self to them even her family stop them.
"Alam ko kung ganoon ka yaman ang pamilya Cortez. Their name can carry everything. Pero hindi lang pangalan ang nagdadala sa isang tao. Sigurado naman ay alam mo din kung anong bansag sa pamilya niyo sa business world?"
"Yes! We are cruel because we raise in that way." Tapat niyang sabi.
His father alone always said that to her. Ngayong nakapasok na din siya sa mundo ng negosyo ay iyon ang unang pinapatatak sa kanyang isipan ng kanyang ama. She wants her to be independent. Ganoon din lagi ang sinasabi sa kanya ni Alex at Cole. At isa din sa itinuro ng mga ito na wag magtiwala kahit kanino dahil maari siyang patalikuran na saksakin.
"That's why you are acting like that. You look like a brat, Ashley." Prankang sabi nito.
"Is that what you see at me right now, Lorenzo?" She doesn't like what she heard but it was true anyway. Brat naman talaga siya. Lumaki siyang nakukuha ang gusto at nasusunod ang gusto kaya nga ganoon siya umasta noong unang pagkikita nil ani Lorenzo pero nang makilala niya si Tita Ivy ay nagbago siya. She maybe acts brat from time to time but when Tita Ivy speak she knows how to behave.
"It's not like that, Ashley." Biglang nagtaranta ang binata sa sinabi niya.
Ngumiti lang si Ashley. "You don't need to explain. Hindi naman ikaw ang unang nagsabi sa akin ng ganoon. I'm really a brat anyway."
"Ash---"
"I'm thankful for what you did today. Hindi ko na kasi kailangan na mag-isip ng dahilan para layuan ako ni Terence." She is really grateful for what he did.
"You're welcome. I'm sorry for what I said. Alam ko naman na hindi ka ganoon klaseng tao kaya gusto kitang maging kaibigan. I want to know you more, Ashley. If you let me." May paki-usap na sabi ni Lorenzo.
Biglang nag-isip si Ashley. Bibigyan niya ba ng pagkakataon ang binata? After what he did today. Pero hindi naman iyon sapat para pagbigyan niya ito. Huminga siya ng malalim. Pinakakatitigan niya ang mga mata nitong nakiki-usap sa kanya. Isang buwan na din na ganoon ang ginagawa nito. He is begging for her to be friend with him.
"Okay." She said.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Lorenzo ng marinig ang sinabi niya. Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi nito. Ashley doesn't know but she feels something glowing inside her heart. Parang isang paro-parong may lumipat sa kanyang puson na kumiliti. She can't help it but to be happy too.
"Are you sure?" Paniniguro ni Lorenzo.
"Yes but..."
"But?"
"I don't want this to reach my family and cousin. Alam mo nagalit sa iyo si Cole at kapag nakarating ito sa kanya ay iba ang iisipin noon. Let's be friends and that's it." She wanted everything to clear.
Ayaw niyang biguin si Tita Ivy pero balak niya din kausapin ito. Kapag nagpaliwanag naman siya sa matanda ay ma-iintindihan siya nito. Tita Ivy is one of the kind persons. She has a very wide understanding. Wala din nama siyang nakikitang mali kung makikipagkaibigan siya kay Lorenzo. What Kuya Timothy said maybe not true? Lorenzo maybe curios about her like what she feels at the first time she saw him.
"Okay. If that is what you want." Masayang sabi ni Lorenzo.
Hindi na siya nagsalita pa. Kinuha na lang niya ulit ang script na binabasa at binasa iyon. Hindi na niya pinansin ang lalaking kasama sa table na iyon. She has a lot things to do. Sana ay hayaan siya ni Lorenzo na gawin ang gusto niya.
"What are you reading?" tanong ni Lorenzo.
"Script." Maikli niyang sagot.
"Script? Sasali ka sa isang drama? Akala ko ba ang fashion designer ang kinukuha mo." May pagtatakang tanong nito.
"I'm working at my father sinema production company. Isa ito sa movie na gagawin ng kompanya ngayong taon. I need to study the character for the next week casting schedule." Hindi niya inaalis ang tingin sa binabasa.
"You are working now? Tapos sa sinema production ng kompanya niyo?" Hindi maitago ni Lorenzo ang pagkagulat.
Binitiwan niya ang script at hinarap ang binata. "Dito ako nilagay ng ama ko. This is my first training ground. Kailangan kong malaman ang kalakaran sa production para mas mahawakan ko ng maayos ang kompanya namin. This way I know what to do if there's a problem happen." Sagot niya sa tanong nito.
"Kung ganoon ay hahawakan mo ang Cazza Pilar?"
Tumungo siya. "That's the plan. Alam mo naman na nag-iiisang anak lang ako at ako ang magmamana ng kompanya ni Daddy. I have no choice but to accept the company."
"But you are studying fashion designer. Napakalayo noon sa negosyo ng Cazza Pilar. Sigurado ka ba na hahawakan mo ang kompanya ng ama mo? Bakit hindi si Cole o Alex? Hindi ba at Cortez din naman sila." May pag-aalala sa boses ng binata.
"Cole have Redwave. Alex have Kingstate. They have their own company to handle and worry. Sa akin nila pina-ubaya ang Cazza Pilar dahil alam nilang kaya ko iyong hawakan. Pinagbigyan din naman ako ng ama ko sa kursong gusto kong kunin, kaya ngayon ay ibabalik ko naman iyon bilang sa paghawak ng Cazza Pilar." Paliwanag niya dito.
Hindi nagsalita si Lorenzo pero nasa mukha pa rin nito ang pag-alala. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Alam niya ang iniisip ng binata. Cazza Pilar is too big to be handle her. Lalo pa nga at wala siyang alam pagdating sa negosyo pero naniniwala siya sa kakayahan niya at nandiyan naman si Alex at Cole na handa siyang alalayan. They know what to do and they know how to back her up.
"Alex been teaching me since last year. Binibigay niya sa akin ang ilang impormasyon tungkol sa Cazza Pilar. Isa siya sa share holder ng kompanya kaya alam niya ang mga project ng ama ko. He giving me heads up for everything. Kaya may alam na din naman ako pagdating sa Cazza Pilar. I'm happy doing this. I already accept my destiny to be the CEO of Cazza Pilar."
"I'm sorry. Alam ko ang kalakaran pagdating sa negosyo, Ashley. Hindi naman dahil sa babae ka pero iba kasi mag-isip ang mga lalaki pagdating sa negosyo. We know how to play dirty sometimes. Natatakot lang ako na baka mapahamak ka, lalo na at napakalaking kompanya ang hahawakan mo."
"You really don't know me, Lorenzo. Ibang-iba ang sagot mo sa sagot ni Dennis." Ngumiti siya dito.
"Ha! Alam ni Dennis ang planong mong ito?" Nagulat ito sa sinabi niya.
"Dennis is my bestfriend, of course I will tell him. He said that I can do it. I'm a wise and smart woman. I can handle a big company like Cazza Pilar. Alam niyang kaya kong maging isang magaling na CEO at mapapalago ko pa ang kompanya ng pamilya namin. Dennis believes in me." Iyon ang reaksyon ni Dennis ng sabihin niya noong nakaraang linggo ang plano niya.
Nagulat nga din siya sa reaksyon nito dahil naging maliwanag ang mukha ni Dennis ng ibinalita niya iyon. He said that I can do it. Naniniwala itong kaya niyang makipagsabayan sa pinsan niya na ngayon ay kilalang tao na sa lipunan. She will be slowly making a name in the business world. She is born to be that.
"He believes in you." May lungkot nitong sabi.
"I know you don't know me personally that's why you said those. Don't worry, I can handle everything. Hindi ba at gusto mong makilala ang totoong Ashley. So here I am. This is me the real me Lorenzo. I'm confident in myself. I know my strength and weakness. I'm not a princess in distress. I can fight if I need to." She is born to be a leader. She doesn't need to prove herself to others anyway.
Gagawin niya ang gusto niya. Naniniwala siyang kaya niyang hawakan ang Cazza Pilar.
"Remember this, I'm born in a family with a business minded. Kaya kong makipagsabayan sa mga pinsan ko dahil namulat ako sa ganitong uri ng mundo. Always remember this, I'm not a weak woman. I can handle everything, Lorenzo." Puno ng kompyansang sabi niya dito.
She is born to be a leader. Iyon ang laging sinasabi sa kanya ni Alex at Cole. Tumungo si Lorenzo. Isang malalim na paghinga ang ginawa nito.
"If you need anything. Sabihin mo lang sa akin. Kung may nais kang malaman tungkol sa negosyo ay tanungin mo lang ako. You know my number, right?" May pag-aalalang sabi nito.
Ngumiti si Ashley. May munting kamay na humaplos sa kanyang puso. Bakit parang naka-angat ang kamay niya dahil sa sinabi nito? His worried face really got her. Ngayon lang siya nakakakita ng ganoong emosyon sa isang tao na para sa kanya kahit ang dalawang pinsan ay hindi nagpakita ng ganoong emosyon ng sabihin niyang hahawakan niya ang Cazza Pilar. Well, Alex got worried when he found out that she will work with Kuya Yatch. Iyon lang at naging kalmado ito ng sabihin niyang maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Kuya Yatch simula ng mag-umpisa siya tatlong araw na ang nakakaraan.
"I have my cousin to do that, Lorenzo. Cole can easily ask." Umiling siya.
"Kung kailangan mo lang naman ng tulong ko." Mahinang sabi nito.
"Okay. I take note of that." Kinuha niya ang phone sa kanyang bag at ibinigay sa binata. "Save your number. I will call you once I need your help."
Tinanggap ni Lorenzo ang phone niya. "You really didn't save my phone number." May lungkot nitong sabi.
Hindi napigilan ni Ashley na ngumiti sa sinabi nito. Why she saw Lorenzo reaction cute? Bakit nais niyang muling makita ang ganoong reaksyon mula dito?
"How old are you, Lorenzo?" bigla niyang natanong.
Nagtaas ng tingin ang binata. May pagkagulat sa mga mata nito. Hindi tuloy napigilan ni Ashley na tumawa ng mahina.
"Bakit ganyan reaksyon mo? May mali ba sa tanong ko?"
Napakurap si Lorenzo. "Wala naman. Nagulat lang talaga ako sa tanong mo." Tumikhim ito. "I'm Twenty-nine years old. Noong nakaraang buwan lang ang birthday ko."
Tumungo siya. "Kung ganoon ay siyam taon pala ang age gap natin."
Biglang umubo si Lorenzo na ikinatingin niya dito. Gusto niyang matawa ng malakas dahil mukhang nabulunan ito ng sariling laway. Mabilis na uminum ng tubig si Lorenzo. Tuluyan ng hindi napigilan ni Ashley ang tawa niya. She laughs so hard in front of him. Nakakatuwa palang makitang ganoon ang binata.
"Ashley, siyam na taon lang naman ang pagitan ng edad natin. Hindi naman ganoon ka-big deal iyon, di ba?"
Tumungo siya. It's not really a big deal for her. Pitong taon din naman ang pagitan nila ni Dennis. Wala naman siyang pinipiling edad ng kakaibiganin na tao.