Ziena Lara Cortez "Mom? Sana kasama kita." Kapag ganito na nawawalan na naman akong gana sa buhay, sa puntod ni Mommy ako lagi ako nakatambay. Dumalaw rin ako sa puntod ni Mommy Mel. Ang pangalawang Mommy ko na nag-alaga sa akin at itinuturing na tunay na anak. "Kung buhay ka siguro, baka ibang buhay ang tinatahak ko ngayon. Hindi siguro ako isang abogada. Baka Madre na ako," sabay ngibit ko naman. Napabuntonghininga naman ako. "Ziena, a-anak?" Napalingon naman ako. Si Senator Vernan Walton. "Mag-i-emote ka rin ba?" tanong ko rito. Umupo naman ito sa aking tabi. Ang mga bodyguard naman niya nasa di-kalayuan na nagmamasid sa paligid. "G-Gusto ko lang sabihin sa'yo, mahal na mahal kita," aniya na nakatitig lang ito sa lapida ni Mommy. Hindi naman ako nakaimik. Humarap naman ak

