"Gising na ba sila?" tanong ko sa nurse. Maaga ako pumunta sa clinic ni Calla para tingnan ang kalagayan ng dalawang lalaki. "Yes, ma'am." "Nasaan si Dra. Fuentebella?" tanong ko ulit. "May pinuntahan lang po." "Ahh..baka nakipagkita sa kuya ko," saad ko naman at tinalikuran na ito. Pinuntahan ko naman sa silid ang dalawang lalaki. Nadatnan ko ang mga ito na kumakain. Ang tatlong tauhan ko naman sa labas lang ng silid nakabantay. Napatigil naman sila sa pagkain at napatitig sa akin. "S-Salamat pala," aniya ng isa. "Puwede na ba tayo mag-usap?" seryosong tanong ko sa dalawa. Tumango naman ang mga ito. "By the way, kilala na yata ninyo ako. I'm Attorney Cortez." "I'm Jeff," aniya ng isa na may tama sa braso. "Sean," aniya naman na napuruhan ko ito. "Sino ang target ninyo? Si Se

