“So what do you think of our planet?” tanong sa akin ni Cygnus habang nasa tub na kaming tatlo. Pinagitnaan nila akong dalawa at nakadantay ang aking ulo sa balikat ni Izar. Si Cygnus naman ay minamasahe ang aking mga balikat at hindi ko maiwasan na umungol sa kanyang ginagawa. Narinig kong tumwa silang dalawa at hinayaan ko lang naman sila. Nandito na kami ngayon sa Imperial palace at nasa oob kami ng kanilang quarters. Nakilala ko na kanina ang kanilang ina and she made it obvious na hindi niya ako gusto. Masaya pa nga siya na may parasites ako para ibalik ako ng aking mga mates sa aking mundo. Akala ko nga mabait din sya katulad ng kanilang ama, pero siya pala ang magiging kontrabida sa buhay ko. Pati pala dito sa ibang planeta ay uso ang monster mother-in-law. Hindi na lang siya magpas

