After ng kanilang duty, sabay kaming umuwi ni Armah sa aming bahay kung saan naghihitay ang dalawang partners namin. May alagang Xenodermus si Armah at doon kami sumakay pabalik kaya mabilis lang kaming nakarating roon. Medyo madilim na din at alam namin na nasa bahay na ang dalawa dahil nakailaw ito. Dinala ni Armah ang kanyang alaga sa sable nito at nauna naman akong pumasok. Nagulat ako nang may marinig akong pop at nag-fall down ang mga confetti sa akin sabay bati ng dalawa ng, “Welcome back!!!” ngumiti naman ako a nilapitan silang dalawa. Niyakap ko sila at hinalikan ko rin sila sa kanilang mga labi na kinagulat nila. Pumasok na rin si Armah at nag-manly hug ang mga ito. “Kumusta naman kayo rito? Mukhang okay pa naman ang bahay natin,” sabi ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman

