Napalunok ako at halos matulala sa mukha ni Jace nang unti-unting lumipat ang tingin niya sa akin at nagtagal ng konti bago salubong ang mga kilay na humakbang palapit sa amin at hinila ako palayo sa kapatid niya. “What the hell are you doing here?” mariing tanong niya sa akin. “Of course, she didn't come here to see you…” si Justin Mijares ang sumagot kaya iritadong binalingan ulit siya ni Jace. Nakita kong tumaas ang kilay niya at tinapunan ako ng tingin bago nagpatuloy sa pagsasalita. “That's obvious because she came here and not in your unit,” pasaring pa ni Justin kaya mas lalong naging iritable si Jace sa kanya. Kumahol ulit ang malaking aso na ngayon ay nasa gilid ko na pala. Namilog ang mga mata ko at agad na napasinghap nang isang beses na tahulan niya ako. Nakapikit na sumiksi

