Bumalik

1630 Words

“Paanong maisisingit ang love life kung sobrang busy sa trabaho?” Natatawang reklamo ni Levi nang mapag-usapan namin ang pinsan niyang si Hanna. Kumakain kami ng lunch sa site at bigla niyang naisingit ang tungkol doon. Nitong mga nakaraang linggo ay palagi ring nangungulit sa akin sina Tina, Cory at Hanna dahil akala nila ay babalik na kaagad ako sa England after six months. Ang sabi ko ay may project pa akong ginagawa kaya sa susunod na buwan pa ako makakasunod sa kanila sa England. “Time management,” natatawang sambit ko. Ngumisi siya at saka tinaasan ako ng kilay. “Ganun ba ang ginagawa n'yo ng boyfriend mo? Sino ba ‘yon? Parang hindi ko naman nakikita na may kausap o ka-text ka. Tapos madalas pang may trabaho tayo kahit weekend,” nakangisi at halatang nanghuhuli na naman na tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD