JENNIE'S POV Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang prelim examination. Natutuwa din ako kasi nasagutan ko naman ng maayos ang lahat ng mga tanong sa test papers. Hindi ko ugaling mag-aral talaga ng todo, sapat na kasi sakin yung makapasa. Ngayon lang ulit ako nag-aral ng husto. Bukod kasi sa gusto kong maging proud si Vale sakin ay gusto ko din maging karapat-dapat na maging model ng eskwelahang ito. Gusto kong patunayan na hindi lang dahil sa estado ko sa buhay kaya ako nakakasama sa mga ganitong oportunidad. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng makasalubong ko si Josh “ Hey, how was your examination? Did you get to answer all those questions ? ”pagsisimula nito " Yes of course " sagot ko ng may pabirong pagyayabang habang nag-flip ng aking buhok. Natatawang napaili

