JUSTIN'S POV Naglalakad ako papunta sa aking opisina ng maramdaman kong nag-vibrate ang aking phone na nasa aking bulsa, agad ko itong kinuha upang makita kung sino ang nag-text sa akin. It was Jennie. Ng mabasa ko ang kanyang pangalan sa screen ay nakaramdam ako ng excitement kaya dali-dali ko itong binasa. " Hi, Mr. Vale. It's been a while. " “ May I know if you’re free tomorrow afternoon? I have something to tell you.” Nangingiti ngiti ako ng mabasa ko ang kanyang messages, ' ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan namin' sa isip-isip ko. Sa sobrang saya ng aking puso ay nakalimutan ko ng magtipa sa aking phone para mag reply dito, dire-diretso lang akong naglakad papunta sa aking opisina. Ganado kong tinapos ang lahat ng aking mga gawain, hindi alintana sakin ang ngalay sa

