Jared's POV "What!?" "Oo Jay, she just left. Hindi na namin nagawang awatin eh. Galit na galit siya sa amin." Sagot ni Aly habang umiiyak. "Ano ba kasing nangyari!? You should have stopped her!" Gigil kong sigaw kay Aly. She just told me na naglayas si Sandy! "Ang dami-dami nyo diyan!?" "Pasensya na Jay, kaya nga tumawag ako sayo eh. Please know her whereabouts, nagkakagulo na kami dito." Napabuntong hininga ako. Mali na ibaling ko ang initi ng ulo ko sa kanya. "Sige na. Hahanapin ko si Sandy," tinapos ko na yung tawag. Agad akong lumabas ng kwarto ko, we're still here at Tagaytay, bukas pa ang uwi namin pero I can't stay here knowing na umalis si Sandy! "Kuya, where are you going?" "Sandy," tipid kong sagot. Agad akong pumunta sa garage. I Have my motorbike here. This house is li

