CHAPTER 01
Cassandra's POV
So what if they don't like me?
So what if they actually hate me?
I don't really care about other's feeling since that day… the day that I never wanted to remember yet still hunting me.
I was used to be the nice and kind girl. A very reliable one. But not everything is meant to last FOREVER. Kahit ano namang bagay diba? Ang picture naluluma, gadgets nalalaos , pera nauubos. Kaya kahit siguro ang kabaitan ko nasaad na talaga.
It's not that I was born to be selfish, like I said I was once nice, but not anymore.
I'm Cassandra Lorena Villaruis … wait, it doesn't mean na sossy ang last name ko ay mayaman na ako since birth. I was a part of a very simple family, hindi kami mayaman. Pero kahit na ganoon, masaya kami. But after I experienced that "thing", lumayo ako. I strive for the best. Ginamit ko yung ipon ko para lumayo. I runaway… I leave everything and everyone then change myself.
You know? They say that, there are two kinds of pain. The pain that hurt you and the pain that changed you. Well I guess, both of it hit me to hell.
Up until now… I can still feel the pain, the pain that pushed me to be the meanest , the heartless, the fearless and cold Sandra Martin …
I now drive my own life, I usually enjoy seeing others in pain. So I entered this kind of life… no more sweet Cassy because she's gone, long gone.
"Can you at least use your brain?" I shouted as I throw the papers given by my secretary.
"I'm sorry ma'am, but I really revised that before showing you and ---" I cut her. Tss, here she goes again with her excuses.
"And you don't know what I don't like about it? right, Ms. Tierra?" I said habang pinapaikot ko yung ballpen na hawak ko sa folder na inabot nya.
"I'm really sorry ma'am." Yumuko siya sa akin at kitang-kita sa mga mata niya ang takot.
"Okay, your done here." Huminga ako ng malalim bago siya tignan nang diretso sa mata. "Ms. Tierra, you can leave now." I see her face light up.
"I'm sorry ma'am.I promise you ma'am that I will do better next time!" Todo ngiti pa niyang sagot kaya napailing ako sa kanya.
"No, Ms. Tierra. I think you don't understand. But I said you're done here, right?" Dahan-dahan siyang tumango sa akin kaya nag-smirked ako sa kanya. "It means that you're no longer working here, you're fired." I said having no emotion.
"Please give me another chance ma'am," Nag-umpisa nang umagos ang mga luha niya kaya napahalukipkip ako bago prenteng sumandal sa swivel chair ko.
"Oh no! I don't really believe in that thing you so called, second chances." Ngumisi ulit ako sa kanya bago paikutin ang aking upuan.
"Ma'am , I really need this job." aniya sa pagitan ng kanyang pag-hikbi.
"Then maybe you should have done better. No, what I mea, the best. Because me and my company deserves only the best." Humarap ako sa kanya, "So goodbye,Ms. Tierra! It was not good to work with you." Napanganga siya sa sinabi ko, "Toddles!" Pahabol ko pa bago siya patakbong umalis ng opisina ko.
Oh! How I love the scene!
****
"SANDRA!" Muntik ko pang maibato ang hawak kong lapis nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Oh! Here comes the little devil! "Sandra! You can't just fire another secretary!" Tila hopeless pa niyang bungad sa akin nang makapasok siya sa pintuan ng opisina ko. "Ano ba? Pang lima na 'yon ngayong buwan Sumasakit na ang ulo ko sayo!" Nagmartsa pa siya sa harapan ko kaya naman napangisi ako.
"Good morning din sayo, Joan." I said trying to annoy her.
"Stop that! You know that I will never buy your pity dirty deeds!" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"What are you saying? What's your problem, dear?" Patay malisya ko pang tanong para mas mainis siya sa akin.
"Don't pretend as if you don't know." Pinasingkit pa niya ang bilugan niyang mga mata, "Alam ko naman na sinasadya mong tanggalin ang mga secretary mo dahil wala kang ibang mapagtripan." Padabog pa siyang naupo sa couch na katapat ng table ko, "At ako lang ang nakikita mong pwedeng asarin, diba?" Okey she's right there. Bored na kasi ako, e. But there is no way na aaminin ko 'yon. Tss! "We're not firing Ella."
"Oh, but I just did." Natatawa ko pa na sagot sa kanya.
"Naah…" Umiling pa siya sa akin, "I'm the one who hired her kaya ako lang ang may karapatan para tanggalin sya." Lalong tumaas ang aking kilay sa sinabi niya.
"Hey, that's unfair! We both own this company!" Padabog pa akong tumayo para lapitan siya.
"No!" Matapang niyang sagot. "You're the one who's being unfair, Sandra!" Dagdag pa niya bago tumingin sa akin nang masama. Nakipaglaban ako sa kanya sa tingin pero sa huli, ako na rin ang sumuko.
"K." I even rolled my eyes on her. "I know I won't win against you." Iritable ko pang bulong bago bumalik sa upuan ko.
Yes, I can never win against her. Because she is Joanna Marie Tan. My legal consultant, business partner, and yeah… I can call her my best friend. I guess she's the only friend that I have. Sa kanya lang naman ako hindi nananalo, e. Siya lang ang kasi ang nag-iisang nakakaalam ng past ko.
"Sandra, stop being mean, okay?" Pakiusap pa niya sa akin, "She needs a job at higit sa lahat, mabait si Ella."
"I know." Sagot ko. "And that is what I hate about her. She's so nice and she reminds me of someone." Bulong ko ulit bago tumingin sa labas ng glass wall. "She reminds me of Cassy."
"There is no other Cassy in this world, Sandra." Lumapit siya sa akin bago tapikin ang balikat ko. "I think you're just missing the old you."
"Never! Tss!" Ismid ko pa. "Why would I miss that weakling?"
"Then stop hating Ella!" Pinandilatan pa niya ako. "Walang ginagawang masama yung tao. She just want to have this job. Give her a break." Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. "Good!" Inirapan ko siya bago bumalik sa upuan ko.
Mayamaya lang may kumatok sa pintuan ng opisina ko at napaikot na lang ako ng mata. Okay, as I expected nandito parin sya. I don't know what's so special with this girl at talagang pinanindigan ni Joan ang pag-stay niya dito.
"Ma'am, ano po kasi… Pinatawag niyo daw po ako?" Nag-aalangan pa siya na pumasok pero kaagad akong sinenyasan ni Joan.
"Don't have to say anything." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya, "Back to work, you're still working under Angels' Clothing Line." Narinig ko pa ang pagreleased niya ng buntong-hininga.
"Thank you, ma'am!"
"Don't thank me." Tinignan ko siya nang diretso sa mata bago senyasan na lumabas na. Ibinalik ko ang aking atensyon sa ginagawa ko nang biglang pumalakpak si Joan. "What?"
"Well done, Sandra." Todo ngiti pa niyang sabi. "By the way, have you heard the news?"
"What news?" Walang gana kong tanong.
"Na…" Tinapunan ko siya ng masamamg tingin dahil sa ginagawa niyang pambibitin.
"ANO!?" Sigaw ko.
"Na maganda ako?" Sagot niya bago tumawa nang malakas. Tss! Akala ko naman kung ano na!
"Funny," I rolled my eyes bago siya simangutan.
"Ito naman, e. Bakit ba kasi nakasimangot ka?" Nameywang pa siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot.
"Ang corny kasi ng joke mo." Walang gana kong sagot.
"Hindi naman kaya joke 'yon." Nakalabi pa niyang sagot pero hindi ko na siya pinansin. Basta binato ko lang siya ng hawak kong sketchpad.
Tss!