CHAPTER 02

2553 Words
Sandra's POV Inilibot ko ang aking paningin sa paligid mula sa bench na kinauupuan ko. Wala akong trabaho ngayon sa ACL dahil ngayon ang araw ng day off ko. At dahil boring sa bahay, napagdesisyonan ko lumabas na lang para mag-ikot sa mall. Today is the second day of March which is my birthday. Hindi naman uso sa akin ang mag celebrate e, but Joan wants me to have this day para naman daw makapag-relax ako, as if I need this naman. For me, this day is just an ordinary day. Sa tatlong taon na pamamalagi ko dito sa California, hinahayaan ko lang na lumipas ang araw na 'to. I just don't like to celebrate dahil mag-isa lang naman ako. Tatlong taon na akong nabubuhay malayo sa lahat, sa pamilya at mga kaibigan ko. Kinuha ko na lang yung cellphone at earphone ko mula sa handbag na dala ko. Ito na pala ang bagong definition ng relax at enjoy ngayon. Tss! Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa kantang tumutugtog sa tainga ko. Music and art ang masasabi kong tumulong sa akin para maka-survived nang mag-isa. Ito ang nagsilbing takbuhan ko sa mga panahong tinalikuran at kinalimutan ako ng lahat. Sino nga ba ang gustong maging mag-isa? Hindi ba't wala naman? But I guess, mas mabuti nang mag-isa ka, kaysa naman mapalibutan ka ng mga taong hindi nakikita ang halaga mo. Of course I miss everyone pero hindi ko na sila pwedeng balikan, dahil wala na akong babalikan. Umalis nga pala ako dahil wala na akong lugar sa buhay nila. Ipinilig ko ang aking ulo para ialis sa isipan ko ang mga kadramahan ng nakaraan. Tinanggal ko na rin ang pagkakasalpak ng earphone ko sa aking tainga, nagiging senti ako masyado. Sucks! "Hey, lady!" Nag-angat ako ng ulo just to see a tall man staring at me. "Why do you look so lonely?" Ngumiti pa ito sa akin kaya inismiran ko siya, "I can give you company, you know?" Mukhang ewan lang, tss! Tumayo na ako dahil wala akong panahon at ayokong mag aksaya ng oras sa mga lalaking kagaya niya. Pero hinawakan ako nito sa braso kaya tinapunan ko siya mga masamang tingin. Yuck ! Baka kung anong germs ang mayroon ang isang uto, mahawa pa ako! "f**k off, asshole!" I said in a warning tone . Ayokong masira ang araw ko nang dahil sa kanya subalit mukhang wala itong balak na bitiwan ako, nginisian pa ako nito kaya mas nadagdagan lang ang inis ko. "I said f**k off!" Pumikit ako at huminga ng malalim, napipikon na ako sa kanya, kaya naman bumwelo ako and in a snap second, ayon… nakahandusay na sya sa kalsada. "When I say f**k off, you should put the f**k off!!" Sigaw ko pa, "You pissed me, you know that? Ugh! What a easte of time! You waste my f*****g time!" Padabog ko pa siyang tinalikuran. Naglalakad na ako papalayo when I heard someone giggled. Sinimangutan ko yung tumatawa pero, parang hindi magandang tinignan ko pa sya! s**t! Anong ginagawa nya dito? I composed myself at akmang aalis na sana nang narinig ko syang mag salita. "Dito lang pala kita makikita." sabi nya at niyakap ako mula sa aking likuran. "I miss you, Cassy." Bulong pa niya. Pakiramdam ko, tumigil na lang bigla ang mundo ko… aaminin ko na-miss ko din s'ya ng sobra. But no, this is not right! Umayos ka, Sandra! Agad akong kumawala sa pagkakayap niya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. "What's wrong? Hindi mo ba ako namiss?" "N-never! How dare you na yakapin ako? Huh! Youu moron! You p*****t!" Sinuntok-suntok ko pa siya but I only saw him smile. "I missed you too Cassy, and happy 21st birthday to us!" Inirapan ko lang siya bilang sagot. "Shut up! Lorenz!" Saway ko sa kanya at tinalikuran ulit siya. Nakakainis! Sa tatlong taon na pagtatago ko, bakit kailangan niya akong makita? Ano bang kamalasan itong natisod ko at nandito na itong lalaking ito? Ugh! Nakakairita! Naglakad na lang ulit ako pero naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sa akin, kaya naman napaikot na lang ako ng aking mata nang halos magkasabay na kami sa paglalakad. "Uy, Cassy!" Tawag pa niya sa akin kaya nilingon ko siya, "Ang bad mo!" Lumabi pa siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng aking kilay. "Tignan mo, hindi mo pa nga tinatanong kung okay lang ako, e. Kung kumusta ba ako? O kung kumain na ba ako? Hindi mo ba talaga ako namiss??" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Hindi." sagot ko habang diretso lang ang tingin sa kanya. "Ang sama talaga!!" Tila puno pa mg hinanakit niyang sigaw sa akin, "Pagkatapos mo akong iwan doon sa Pilipinas? Tatlong taon na 'yon! Tapos, ganyang paraan ang pag-welcome mo sa akin? Parang hindi mo ako kapatid, a!!" Walanghiyang 'to. Sinumbatan daw ba ako?! Huminga muna ako nang malalim bago siya harapin. Yung totoo? Dumayo ba siya dito para dramahan ako? Well, I must admit… na-miss ko naman talaga itong kakambal ko. "Fine, I missed you too." Napipilitan kong sagot sa mahaba niyang drama. "And I'm sorry kung hindi ako nagparamdam for three years… and happy birthday." Matamlay ko pang bati sa kanya. Pero ewan ko ba, kahit yata anong ekspresyon ang ibato ko sa loko-lokong 'to, pulos ngiti lang ang isasagot niya! At kaysa mabwisit ako sa kanya, naglakad na ulit ako. "Ayieeeeeh!" Sinundot pa niya ang tagiliran ko, "I missed you more, Cassy! Kailan ka uuwi??" napahinto ako sa huli niyang tanong at mabilis na binalingan siya ng tingin. "Una sa lahat, it's Sandra, not Cassy. Pangalawa, who told you na may balak pa akong bumalik?" Seryoso kong sagot. kaya biglang nagbago ang ekspresyon nya. "Why?" alangan kong tanong sa kanya. "Hindi mo parin ba nakakalimutan yun?" Makungkot niyang bulong. "Cassy, that was three years ago." "Alam ko." Sagot ko naman. "Hindi ko nakakalimutan," "Don't you think, na time na para mag move on ka? Please, balik na tayo." Paki-usap pa niya. "Bumalik ka mag-isa, doon ka sa tatay mo!" May halong gigil sa boses ko. "He's your Dad too, Cassy. And he needs us to be there." Napakunot ang noo ko. "Why would he need me? Mamatay na ba siya?" Sarcastic kong tanong. "Yes he is. He's dying Cassy, may sakit si Daddy." Malungkot niyang bulong bago himawak sa laylayan ng damit ko. "Karma nya yun." Umismid pa ako. "That's his payment sa mga kalokohan niya kay mommy. Kulang pa nga 'yon, eh!" "Cassy, pag bigyan mo naman ako." At talagang nagpacute pa siya sa akin, "And besides, tita Gina wants to see you too." Parang biglang nag-init ang ulo ko. So, kasama pa pala nila si Gina. Tss! "Pwes, ako ayoko." Hinalukipkip ko pa ang magkabilang braso ko. "Tiyaka, don't tell me ayos lang sayo lahat nang nangyari dati?" Tanong ko sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik. Silence means yes, okay. "Pero Cassy , jus--" Ayoko nang marinig ang sasabihin niy kaya kaagad ko iyong pinutol. "I dont want to talk about them." Malamig kong pahayag. "Are you here para lang sirain ang pananahimik ko?" Tinapunan ko pa siya ng masamang tingin. "Okay, if you don't want to talk about it, ayos lang. But for now , pakainin mo muna ako. See? I just got here ans I'm starving already." Tinignan ko siya maging ang may kalakihang maleta na bitbit niya kaya bigla naman akong nakaramdam ng awa. "May balak ka bang magtagal dito?" Tanong ko. "Depende kung hanggang kailan ka dito," Pilyo pa siyang ngumiti sa akin. "Kumusta ka na? Mabuti naka-survived ka dito. Wala ka manlang pasabi, e." Muli siyang ngumuso sa akin. "I hate story telling, Lorenz." Sagot ko. "Gusto mo ba kumain or what?" Tinasaan ko pa siya ng kilay. "Kakain syempre!" Mabilis niyang sagot. "Saan tayo? Gusto ko sa masarap, a? Tsaka dapat treat mo!" Dami pang sinabi, Tss! **** Nakasimangot kong binuksan ang pintuan ng bahay ko. Sino ba amg hindi maiinis, e ang ingay-ingay ni Lorenz sa daan. Hindi pa mga ito nakapaniwala na may sarili akong sasakyan at bahay dito. "You can use the guest room" Itinuro ko pa sa kanya ang magiging kwarto niya. "Mag-ayos ka na ng gamit mo habang magluluto ako." Tumango naman siya sa akin bago pumasok sa silid na itinuro ko. Mayamaya pa, lumabas na siya at pinanuod na lang ako sa pagluluto ko. "Wuy, parang masarap yan ah!" aniys nang ilapag ko sa lamesa ang pagkain niya. "Cassy, tara dali sabay tayong kumain!" Todo ngiti pa niyang alok sa akin. "Stop smiling like that, you look like an idiot." Then I saw him pout this time. "And don't pout, you look like a dog." Dagdag ko pa. "Noong una, idiot. Tapos ngayon naman aso. Ang sweet mo talaga, Cassy!" sabi nya at niyakap pa ako. "Na-miss talaga kita Cassy!" Medyo sarcastic niyang sagot sa akin, "We all miss you so much. Sila Daddy, ang Angels…" "Pati ang Angels?" Wala sa sarili kong bulong. "Of course." Ngumiti pa siya sa akin. Gusto komg matuwa, pero mas pinili ko na hindi iyon ipakita sa kanya. Ayokong umasa… ayokong masaktan. "Wala akong pakealam." Umismid pa ako bago tumayo. Sakto namang may nag-doorbell kaya binuksan ko na iyon. "Happy birthday, Sandra!!" Sigaw pa niya bago mabilis na pumasok sa loob ng bahay ko. Sumasayaw-sayaw pa siya kaya mukha pa tuloy siyang aso na nabahag ang buntot nang makitang may ibang tao dito sa loob. "May bisita ka pala." Bulong niya. "Hi Renz! Happy birthday din sayo!" "Hi!" Todo ngiting bati sa kanya ni Lorenz kaya tumaas ang kilay ko. "Thanks for the greetings!" "You know each other?" Tanong ko sa kanila pero sabay lang silang nagkibit-balikat sa akin. "Then what brings you here?" Baling ko kay Joan. "I came to deliver this." Iniabot pa niya sa akin ang isang envelope bago pumwesto ng kain sa tabi ni Lorenz. "What's this?" Tanong ko habang binubuksan ang envelope. A contract? Binasa ko iyon at halos manlaki ang mga mata ko sa nakalagay doon. "Is this some kind of joke?! You didn't accept this, did you?" "Of course… I did!" Nakangiti pa niyang sagot. "Look Sandra, we both agreed regarding the expansion of ACL, right?" "Yes, but not about this! We have offers from France, bakit itong sa Pilipinas ang pinirmahan mo!?" Sigaw ko sa kanya. "Tatanggapin ko din naman 'yon, e." Paliwanag pa niya. "Then how is that possible? Balak mo bang lagariin ang katawan ko?" pinandilatan ko siya. "Of course not, kaya nga nandito ako para i-assist ka." Sagot naman niya. "And besides, ako naman ang bahala sa branch natin sa France, e." "What?!" Sigaw ko. "Then who would take care of this?" Iniangat ko ang hawak kong kontrata pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin. "I will not do this!" "Of course, you will." Tila nagtaasan lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko. "Are you crazy?! What's the point of leaving kung pababalikin mo ako 'don?!" Sigaw ko sa kanya. "Cassy…" Awat sa akin ni Lorenz pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. "'Wag kang makialam dito," Pagbabanta ko sa kanya bago muling balingan si Joan. "Who the hell do you think you are para magdesisyon tungkol dito?" "Hey, relax!" Kalmado lang niyang sagot sa akin. "It'll be fine. The Villaruis Star Company will take good care of you." Sandali akong natigilan sa sinabi niya. "Villaruis?" Bulong ko bago balingan si Lorenz. "Don't tell me it's you, right?" Gigil kong baling sa kanya. "I'm sorry, Cassy. But can you please be professional with this?" Mas lalo lang ako nanggigil sa sinabi niya. "Isipin mo na lang, business is business." "Business my ass! Ayoko! Ayoko talaga!" Sigaw ko. **** "Okay," Bulong ko. "As you all heard, we are opening a branch in Philippines." Seryoso kong pahayag habang nakikinig sa akin ang lahat. "I'll be leaving tomorrow and I want everyone to do their job even if I'm not here." Tinapunan ko pa ng masamamg tingin si Joan. "Send your designs through e-mail. Dismissed." Nauna na akong tumayo at bumalik sa opisina ko. "You did very well," Bulong ni Joan kaya sinimangutan ko siyang lalo. "It's for the best and of course, ayaw mo namang makulong ako due to breach of contract, diba?" Nag-puppy eyes pa siya sa akin. Ugh! She's so annoying! Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "Where's my brother?" I asked. "I don't know. But I saw him, he's with Ella." Sagot naman niya. "Speaking of," bulong niya bago tumingin sa paparating kong kapatid. Mukhang masaya sila ni Ella sa kanilang pag-uusap bago maghiwalay ng daan. "Jerk." Napakagat pa ako sa aking labi para pigilan ang aking sarili. "Hi, Cassy! Hindi mo naman sinabi na ang ganda pala ng secretary mo." Nilamukos ko ang papel na hawak ko bago ibato sa kanya. "Aray! What's your problem?!" "Who gave you permission to date her?!" Sigaw ko. "Hindi kami nag-date, Cassy. Don't worry about me." Natatawa pa niyang sagot. "You think I'm worried about you?" Napa-ismid pa ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin kaya mas lalo lang akong napikon. Dumagdag pa siya sa napakaraming dahilan para mabwisit ako. I grabbed his left ear bago siya kaladkarin sa labas ng opisina ko. "Hey! Masakit!" Sigaw niya dahil mas hinigpitan ko ang hawak sa tainga niya, "Stop! Nakatingin yung mga tao!" Pagrereklamo niya. "I don't care!!" sigaw ko ulit. "Let's talk about this, Cassy!" Paki-usap pa niya kaya binitawan ko na siya. "Ano bang ikinagagalit mo?" "Don't you dare touch Ella, ever again." I glared at him. "She's off limits." "What? I'm not trying to date anyone." Sagot pa niya habang natatawa. "Don't be jealous!" "Lorenz, I know you. Ella's coming with me and if you ever try go near her… seriously, I'll kill you." Banta ko sa kanya. Kilala ko ang kakambal ko, he's player. "I'm just trying to be friendly here." Hands-up pa niyang sagot, "What's with Ella, anyways? Napa-protective mo naman yata sa kanya." "I have no obligation to answer that," Umismid pa ako. The truth is, Ella reminds me of my old self. Masyado siyang mabait at minsan may pagka-gullible. I'm just afraid that she might end up like me. Especially, sa kamay ng kakambal ko. "Fine, I'm so excited to go home." Bulong pa niya bago ako akbayan. I rolled my eyes bago siya sikuhin. "Ugh! That hurts! Bakit ang brutal mo yata ngayon?" "Shut up." Ismid ko ko pa. "By the way, check these." Iniabot pa niya sa amin ang isang box, "It's for you." Kinuha ko iyon at binuksan. Puno iyon ng mga albums and magazines… ng angels. They are now called Missing Angels, and based on these masasabi ko na successful na sila. According to Lorenz, nagtayo ng Artist Center ang magaling naming ama. He discovers great artists, kasama na ang banda nila Lorenz. I checked their tracks at napakunot ako ng noo nang ma-realized ang mga kanta nila. These are my songs! Paanong ginamit nila ang mga compositions ko? "What are those?" Tanong sa akin ni Joan kaya napabuntong hininga ako. "Mga basura." Sagot ko bago ibalik iyon kay Lorenz. "Throw that away. Ayokong makita ang mga 'yan." Umismid pa ako bago sila iwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD